1- Tinadhana

166 11 3
                                    

Sophia

"O Sol? talaga bang pupunta na ng Maynila itong si Sophia mo?nako nakakatakot doon maraming manggagancho,drug addict,at baka mapariwara lang yang anak mo,mabuntis ng kung sino-sino,sayang ang ganda niyan,at may utak naman,baka mabobo pa."

Iiling-iling si Nanay habang inaayos ang panindang kakanin.Nasa labas kami ng parokya dito sa Aborlan Palawan.

"Sino kaku ang recruiter na lumapit sa inyo?si Terry?nako,mukha palang nun manloloko na."Dagdag ni Aleng Minsi.Katulad namin ay nagtitinda din ito ng kakanin sa gilid ng parokya.

"Hindi naman siguro Mare,abay hindi naman nila kami lolokohin,inaanak ng ina ni Terry itong si Sophia ko.Tinutulungan niya lang kami."

Umismid si Aleng Minsi."Nako!pag yang anak mo naloko?ewan ko nalang!"

Nagkatinginan kami ni Nanay.

Matanda na si Nanay,nasa singkwenta na at sakitin.May kapatid ako,pero hindi ko kasundo.

"Pahingi ng pera!"

Sabay kaming napalingon ni Nanay.

Si Kuya Arnold na naman,mukhang nakainom at nanghihingi na naman ng pera kay Nanay.

Bumaba ang tingin nito sa dibdib ko,nakakabastos na tingin kaya tumalikod ako at umastang nag aayos ng iba pang kakanin sa basket.

"Anak,wala pa kaming kinikita ni Sophia,at yung kikitain kasi namin ngayon e,ipambibili ko sana ng gamot ko at----"

Mabilis akong pumagitna ng akmang sasampalin ni Kuya si Nanay.

Umangat ang sulok ng labi nito at pinasadahan na naman ako ng nakakabastos na tingin.

"Tss!magsama kayo!"ani Kuya sabay alis.

"Hay naku Sol!ang bastos talaga niyang anak mo!walang modo!"gigil na saad ni Aleng Minsi.

Totoo naman!

"Nay?okay lang kayo?"

Pinunas nito ang likod ng palad sa noo.

"Okay lang ako Sophia..huwag ka mag alala."

"Kahit kelan talaga tong si Kuya!wala ng ginawang tama!"

"Sshh,tama na..hayaan mo nalang ang kapatid mo."

"Pero nay..."

"Sophia,isipin mo nalang ang pag alis mo."

"Pero Nay kung aalis ako,baka kung anong gawin sayo ni Kuya!"

"Wala siyang gagawin sa akin,anak,ina niya pa rin ako."

Nagbuga ako ng hangin.Kahit paulit ulit na sinasabi sa akin ni Nanay na okay lang siya,alam kong hindi.

"Nay?huwag nalang kaya akong umalis?"

Binaba ni Nanay ang isang balut ng suman at hinawakan ako sa mga kamay.

"Gawin mo to para sa kinabukasan mo anak,at malay mo baka dun makahanap ka ng lalaking magmamahal sayo ng totoo."

Lumabi ako."Nay naman,alam mo namang wala sa isip ko yun.Di ba itatayo pa kita ng mansyon?at malaking tindahan?"Nagbukas ako ng isang bibingka,umupo sa bilog na upuang gawa sa kahoy at kumagat ng bibingka."Pero alam mo Nay,sana makahanap ako ng katulad ni Tatay noh?yung mabait,masipag,magalang at may takot sa Diyos."

Umupo na rin si Nanay saka bumuntong hininga.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.May kulubot na ang mukha niya,pero maganda pa rin,kahit larawan ng hirap ang malalalim na mga mata at humpak na pisngi.Hindi kami magkamukha ni Nanay kasi,hindi naman niya ako tunay na anak,ang sabi,baby pa daw ako ng iniwan sa labas nitong parokya ng Aborlan.

Unconditionally,YOUWhere stories live. Discover now