8- Weeks,Months,YEAR

67 2 2
                                    


Pablo 

"Oh my god apo,akala ko mawawala ka na sa amin!diyos ko!"

Lola hugged me. 

Nakahiga ako,at base sa nakikita ko nasa loob ako ng pribadong silid. 

I was shut,and the last thing I remember was Sophia holding my hand.

She's crying and I hate it, I hate seeing her cry. 

"Lo--lola..."

"Yes Apo?"

"Si--si Sophia?"

Lumayo si Lola sa akin,tumayo siya ng maayos at tumingin kay Lolo. 

"Hindi namin alam."Sagot ni Lolo.

"What?"

"Huwag mo ng hanapin ang babaeng yun!"saad ni Lola. 

Pinilit kong bumangon.

"Rest apo!baka bumuka ang sugat mo!please!you're still recovering!"alalang saad ni Lola. 

"I have to find her!"giit ko.

"Baliw ka ba?!at bakit mo hahanapin ang babaeng yun!hindi mo na naisip na kaya ka natamaan dahil ginawa mong pananggalang ang katawan mo!nag-iisip ka ba!"galit na bulyaw ni Lolo.

"I dont care!hahanapin ko siya!"

"Hindi mo na siya mahahanap!"

I'm in rage while looking at him.

"Anong ginawa mo sa kanya?!did you----you kill her?!"

"Should I?para matigil ka sa kahibangan mo?!"

"Lo!ayoko na!"

"Talaga?!at anong pinakain ng babaeng yun sayo at umaayaw ka na!tandaan mo,kaya mo tinatamasa lahat ng karangyaan dahil sa negosyo ko!"

I hissed."Negosyo mo!negosyo mong sumisira ng buhay ng ibang tao!"

"Hyprocrite!"Sinampal niya ako.

"Ano ba!stop hurting your grandson!for petes sake!"awat ni Lola.

"Hindi na natuto yan!paano niya pamamahalaan ang lahat ng negosyo ko!paano niya patatakbuhin ang lahat kung mabaliw yan sa babae!"

"Apo!naman!ano bang meron sa babaeng yun!you just met her!"saad  ni Lola. "Do you like that woman?!"

"No Lola!I dont like her!"

"Then why are you acting like a worried boyfriend ha?!at pati kami ng lolo mo kinakalaban mo!"

"I have to look for her!"

Ramdam ko ang pagkirot ng aking sugat ng pinilit kong bumangon ulit. 

"See?!oh shit!dumudugo na ang sugat mo!I will call your doctor!just please huwag ka muna gumalaw!"dinuro pa ni Lola si Lolo.Stopping him to hurt me again. 

Dumating ang doctor,at agad na tiningnan ang sugat ko. 

Habang tinitingnan ako,ay nasa kay Sophia pa rin ang isip ko. 

Nakita na siya ng mga kalaban namin ni Lolo sa negosyo at malamang manganganib na rin ang buhay nito.Mas magiging ligtas si Sophia kung nasa tabi ko siya,dahil sigurado akong siya na ang isa sa pupuntiryahin ng mga kalaban namin para lumuhod kami ni lolo at ibigay ang mga gusto nila. 

Sophia....where are you?

After I was check by the doctor ay umalis na rin sina lolo at lola,but still nag-iwan sila ng mga tauhan para bantayan ako. 

I couldn't sleep,iniisip ko pa rin si Sophia. 

Days passed...wala pa rin siya.

Sa tuwing bumubukas ang pinto,I am expecting na siya ang papasok,I am expecting to see her smile,pero wala. 

I am worried. 

I know,she is still alive,I can feel it. 

I am finally discharged after 3 weeks of confinement in the hospital. 

"Oh dahandahan....ano?anong gusto mong ulam apo?"Lola asked. 

"I'm fine La...just..leave me..."

Lola sighed. "O siya sige,basta tawagan mo lang ako ha?pag me kailangan ka."

"Yes...I am fine here,just go La."Sabi ko sabay sandal ng leeg sa headrest ng sofa. 

Lola leave. 

Nakatitig lang ako sa kisame. 

Its so quiet,and yet,naririnig ko pa rin ang simpleng tawa ni Sophia,I guess I am hallucinating sa dami ng gamot na nilagay sa katawan ko. 

Kumalam ang aking sikmura. I stood up and find myself leaning in the sink eating uncooked noodles,gaya ng ginawa ni Sophia noong nagugutom siya. 

"Damn it!what is happening to me?!"

Tinapon ko ang hindi pa nauubos na noodles sa basurahan sabay alis sa kusina at akyat papunta sa aking silid. 


WEEKS,MONTHS PASSED.............


Hindi na ako kinulit ni Lolo na patakbuhin pa ang casino. After the incident, hinayaan niya akong mag lay-low sa mga illegal activities ng pamilya namin. I even went to Italy para makapagpagaling. 

Even then,pinapahanap ko pa rin si Sophia,isang taon na ang nakakalipas wala pa ring balita tungkol sa kanya.  

Minsan naisip ko tuloy na baka,pinapatay nga siya ni Lolo,pero bakit ganun?nararamdaman ko pa ring buhay pa siya,and she was just out there,maybe living the best of life?

---- 

My phone rang..


"Yes la?Yes po...I just arrived." 

Kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan ko. After a year in Italy,I decided to go back in the Philippines. Nanghihina na rin kasi si Lolo and I have no choice kundi patakbuhin ang casino,and for the illegal activities?I just dont know yet. 

"Sir?pasensiya na at natagalan akong sunduin ka,traffic po kasi at umuulan."

'No,it's okay Emil.So hows lolo?"

"Nagpapagaling pa rin ho."

I nod and looked outside the window. 

Nadaanan namin ang casinong pagmamay-ari ni Lolo.Since its evening kaya maraming tao. 

"Ano Sir?dadaan po ba tayo saglit?"

"Yeah sige Emil,daan muna tayo saglit bago tayo umuwi sa bahay."

Lumiko ang black suv namin papunta sa parking area ng casino. 

Pagkababa ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ni Lolo,guarding me papasok ng casino. 

Maraming kilalang tao ang nasa casino,senador,businessman,ceo ng ibat-ibang kumpanya dito sa Pilipinas,upper class,elite people na lulong na sa sugal. 

I talked to them bago ako nagpaalam na magtungo sa opisina ni Lolo sa 3rd floor. 

I told Emil and my guards not to follow me anymore,since safe naman ang 3rd floor.Its the floor for VIPs and Lolo office. 

Sumakay ako ng elevator. 

The door slowly opened and time stopped when our eyes met. 

Suddenly her tears fell, and before I could utter a single word ay bumagsak na siya sa aking bisig. 

"Sophia........"



Unconditionally,YOUWhere stories live. Discover now