Part 1

564 5 2
                                    


Isang businesswoman si Bea, kaya madalas syang nagta travel.  Pag nasa Manila naman sya ay sobrang busy sya sa office.  But, she sees to it na may quality time sya kay Louisse.  They go on dates at least once a week.  Sa isang restaurant o sa condo lang nila.  Movie marathon and cuddles.  Sobrang saya ni Bea dahil para sa kanya, nasa kanya na ang lahat.

A successful career, she has the love of her life and a happy family.  Mom and dad nya at kuya Loel nya.  

Sa side naman ni Louisse ay masaya rin ang family nito.  Her papa left them for another woman.  Out of the country ang papa ni Louisse nagta trabaho at nakatagpo ito don ng mamahalin nya.  Para kay Louisse at Jaja ay wala lang dahil di naman talaga nila nakapiling ang papa nila ng matagal.  Isa o dalawang buwan lang ang vacation nito taon taon.  Minsan nga, every two years ang bakasyon nito.

Bea and Louisse got married sa San Francisco three years after their graduation.  Sobrang saya nila dahil natupad na rin ang dream nila na magpakasal.  They love each other so much.

Para silang bagong kasal araw araw kahit nag celebrate na sila ng ika fourth wedding anniversarry nila.  Wala silang di pagkakaintindihan na di nareresolba bago matulog.  Usapan nila na kailangang maayos ang di pagkakaintindihan bago humiga sa kama nila.

They always cuddle every night.  They wake up in the morning na magkayakap pa rin.

Bea :  Good morning, baby.  Mwaaah!

Louisse :  Antok pa me, bhe.

Mas hinigpitan pa ni Louisse ang yakap kay Bea.

Bea :  Okey!  Five more minutes!

Louisse :  Fifteen minutes.

Bea :  Ten.

Louisse :  Shoot.

Hinaplos haplos naman ni Bea ang buhok ni Louisse.  Mas nahimbing pa sa pagkakatulog si Louisse.  Ang ten minutes ay naging thirty minutes.

Ganon sila palagi tuwing umaga. 

Naging routine na nila ang maglambingan, mag asaran at magbiruan.  Namumula palagi si Louisse sa mga banat ni Bea.

**************************************************************************

Isang araw ay nagising na lang si Louisse na nagsasawa na sya sa nakasanayan.  Nabo bored na sya sa mga kwento ni Bea.

Nagsasawa na sya sa lahat about Bea.

Nasa office ngayon si Bea.  Busy sya sa trabaho nya dahil may tinatapos pa sya.

After one hour ay napangiti sya. 

Natapos din!

Kinuha ni Bea ang phone nya sa mesa.

From Louisse.  Napakalapad ng ngiti nito. 

From :   Mahal

                        Go home early.  May pag uusapan tayo.

Napatingin si Bea sa time ng phone nya.  Hmn, 4:30 p.m. na pala.  Inayos na nya ang mga gamit nya.  She sees to it na  malinis ang table nya bago umuwi.  Ayaw nya ng makalat.  All her things are always in order.

Lumabas na si Bea sa office nya.

Bea :  Mauna na ako, Jema.  Bye!

Jema :  Bye, boss!

Nag drive na si Bea pauwi sa condo nila Louisse.  Dumaan muna sya sa flower shop at bumili ng isang boquet ng sunflowers.  Her wife's favorite.

Nakangiti syang binuksan ang pinto ng unit nila.

Bea :  Mahal!  I'm home!

Dumiretso sya sa kitchen at niyakap si Louisse habang nagluluto ito.  She kissed her hair and batok.

Bea :  Hmn!  Bango bango naman ng misses ko!

Louisse : Bitawan mo nga ako!  Maligo ka na!

Bea :  Okey!  Flowers for you, mahal!

Tinanggap naman ni Louisse ang bulaklak at nilagay sa vase.

Dali dali ng naligo si Bea at nagbihis.

Masayang nagku kwento si Bea habang kumakain sila ng dinner.  Mga happenings sa office nila.

Louisse is doing some freelancing.  Kaya sarili nya ang oras nya.  May office na rin sya sa BGC.  Her business is doing good.  May secretary na rin sya.  Si Ella.

Bea :  Teka!  Ako lang daldal ng daldal dito, a!  Ikaw naman!

Napatingin ng seryoso si Louisse kay Bea.  Binitawan na nito ang spoon at fork nya.

Louisse   M-may s-sasabihin ako sa yo.

Bea :  Ano yon?

Na kay Louisse na ang buong atensyon ni Bea.

Louisse :  M-matagal ko ng napag isipan ito, Bea.  Lahat ng pros and cons na consider ko na.  Pero,  sa isang decision pa rin lumalagpak.

Natawa na si Bea.  She never saw Louisse this serious.

Bea :  What is it?

Louisse :  I am b-breaking up with you.

Napanganga si Bea.  Parang di nya maintindihan ang ibig sabihin ni Louisse.  Is she joking?

Bea :  What?  Are you joking?

Louisse :  N-no.  I am s-serious, Bea.

Bea :  Y-you want to break up with me?  I am not just your girlfriend.  Louisse, we are married.

Louisse :  I know.  G-gusto ko ng makipaghiwalay sa yo.

Biglang nalungkot ang mukha ni Bea.  

They've known each other for more than ten years.  Naging friends sila since first year college, naging bestfriend, at naging sila.  Then, nagpakasal after after four years as girlfriend.

Bea :  A-are you sure?

Napaiyak na si Louisse.  Ayaw nyang masaktan si Bea.  Bestfriend pa rin nya ito.  But, unti unti ng nawawala ang pagmamahal nya rito bilang asawa.  Kaibigan, oo.  Pero  romantically, wala na.

Louisse :  I am so sorry, Bea.

Napalunok si Bea at huminga ng malalim. 

Bea :  You are not happy with me anymore?

Louisse :  My h-heart change.  Di ko sinasadya, Bea.

Bea :  I u-understand.

Louisse :  You do?

Tumango lang si Bea.   Tumayo na ito at kinuha ang shades nya at susi ng condo.

Ng hawakan na ni Bea ang doorknob ay nagsalita si Louisse.

Louisse :  Saan ka pupunta?

Bea :  I'll just go for a walk.

Lumabas na si Bea. 

Nang nasa labas na sya ay tumulo na ang luha nya.  Isinuot nya ang shades kahit gabi na.

Sumakay na sya sa elevator.

Lakad lang sya ng lakad.  Pahid sya ng pahid ng luha nya.

Napapatingin ang nakakasalubong nya.  Naka shades kasi nya. 

Nang mapagod si Bea ay umupo sya sa isang bench sa park.  Iyak lang sya ng iyak.

Ten years.

'Hanggang ten years lang pala sya.'

Napangiti ng mapait si Bea.   Naging napakasaya naman sya nong ten years na yon.

'Siguro, sapat na yon.  Sapat na yon na babaunin sa habangbuhay ko.'

'I can never love anyone, as I love  Louisse.  At ayoko na rin magmahal pa.  Napakasakit.'

Till Death Do Us Part   (completed)Where stories live. Discover now