Part 6

220 2 1
                                    


Pumayat yata sya.  Ang laki na ng pinagbago nya.  Huling kita ko sa kanya ay napakatikas nya.  So healthy.  Dahil siguro sa work nya.

Nagda drive na ako pabalik sa office ko. 

Gusto ko sanang maging kaibigan ko pa rin si Bea.  Pero, mukhang malabo. 

Aaminin ko na naging napakasaya ng buhay ko nong nakasama ko sya.  She brought colors to my world.  She made me very happy. 

Noon.

Di ko alam na mararamdaman ko ito.  Nagbabago pala ang feelings.


Pumasok na ako sa office ko.  Nakita kong busy si ate Ella sa mcbook nya.  Tumayo lang ito ng makita ako at sinundan ako sa table ko.

Ella :  So?

Umupo na ako sa swivel chair ko at inopen ang mcbook ko.

Louisse :  Binigay ko na sa kanya ang divorce paper.  Babalikan ko bukas.

Ella :  Ano sinabi ni Bea?

Louisse :  Wala.

Ella :  Nagalit ba sya?

Louisse :  No.

Ella :  Umiyak?

Louisse :  No.

Ella :  Hmn.  Mahal ka pa rin nya, Louisse.

Napataas naman ang isang kilay ko.

Louisse :  Wala na nga akong feelings sa kanya.

Ella :  Ikaw, oo.  Pero si Bea.  Matindi magmahal yon.  Parang naawa na ako sa kanya ngayon.  And you are so harsh. 

Louisse :  Di ba ikaw pa nga nagsabi na dapat ayusin ko na ang sa amin ni Bea bago ako pumasok sa isang relasyon?

Ella :  Di naman yon ang ibig kong sabihin.  Umaasa pa rin kasi ako na magkakabalikan pa kayo.

Napakamot ako sa kilay ko.  Gulo naman ni ate Ella.

Louisse :  Wala na, ate Ella.

Ella :  Di ba pwedeng pag isipan mo pa yan!  Ten years kaya kayo magkasama.  Nagmahalan kayo ng labis labis, 

Louisse :  Ano pa ba magagawa ko?  Wala na nga.

Ella :  Mahal mo na si Nico?

Natigilan ako sa tanong ni ate Ella.

Louisse : It's not about Nico.  I am not doing this because of Nico.  Gusto ko lang maisaayos ang lahat.  Ang buhay ko.

Ella :  Gusto mo lang maging malaya para pag may dumating, wala ng hassle.

Louisse :  Yes.

Tumayo na si ate Ella at bumalik sa upuan nya.

Nag trabaho na rin ako.



Di ako makapaniwala na hihingi na ng divorce si Louisse. 

Kanina pa ako nakatingin sa kisame. 

I can't accept the fact that my baby don't want anything to do with me anymore.

My baby.

Napaiyak na naman ako.

I can't stop crying when she told me.

My heart is breaking right now.  Ng paulit ulit. 

Itinakip ko ang mga kamay ko sa aking mga mata at umiyak pa.  Napapahikbi na ako.

Para na akong bata na umiiyak.


Eleven  a.m. na ako dumating sa office.  Nagpabili na lang ako ng lunch kay Jema.

Kahit wala akong ganang kumain ay pinilit kong sumubo.  Iinom ako ng mga vitamins ko after this meal.  Kailangang may laman ang tyan ko.

Narinig kong may kumatok. 

Bea :  Come in.

I took the last vitamin at uminom ng water.

Louisse :  Good afternoon.

Bea :  O.  Upo ka muna.

Ibinalik ko sa tray ang plates at nilagay ang tray sa coffee table.

Pumasok na ako sa banyo para mag toothbrush.

I check myself before going out of the bathroom.

Umupo na ako sa swivel chair ko.

Louisse :  N-napirmahan mo na?

Bea :  I'll signed the divorce paper on one condition.

Louisse :  Ano yon?

Bea :  Live with me within three months. 

Louisse :  What?

Bea :  We will live like before.  Dates, dinners, movies together, etc.  Three months and you have your freedom.

Louisse :  Are you insane!  Nakipag hiwalay na nga ako sa yo tapos sasabihin mo na babalik ako sa yo?  For three months!

Bea :  It's up to you.

Louisse :  Ano na naman ang plano mo, Beatriz?

Napangiti ako.  Galit na sya.  Beatriz na, e.  I miss her saying that name.

Bea :  Take it or leave it.

Padabog syang lumabas sa office ko.

If she really want a divorce, babalik sya.  Wala naman syang magagawa kung di ako papayag sa divorce na yan.

Nagtrabaho na ako ulit.

Nag undertime ako that day.  Umuwi ako sa bahay ng maaga.  Nagpaalam lang ako kina mommy, daddy at kuya na sa condo na ako titira ulit.

Bago umuwi sa condo ay nag grocery muna ako.  Madami akong pinamili.

Pakanta kanta pa ako habang papasok na sa condo ko.

Naligo muna ako at nagbihis bago inayos ang mga pinamili ko.

I cooked pasta at kumain habang nanood ng tv.

Pinalinis ko na kay manang ang condo kanina habang nasa office ako.

After thirty minutes ko kumain ay inantok na ako.

I am home, malapit na.

Nakatulog ako agad.


Till Death Do Us Part   (completed)Where stories live. Discover now