Part 8

208 2 0
                                    


Ganito ang routine ko from Monday to Friday.  Maaga nagigising para magluto ng breakfast namin ni Louisse.

Maaga uuwi sa hapon, 4:30 p.m. pa lang ay umaalis na ako sa office.  Para iwas traffic.  5 p.m. kasi ang labasan. 

Magluluto ng dinner namin. 

Pagdating ni Louisse ay nakahanda na ang mesa.  I never demand from her na ipagluto ako.  Dahil ako lang naman ang may gusto nito. 

Ganon ang set up namin.

Isang gabi ay naghintay ako kay Louisse.  Di sya dumating sa oras na uwian nya.

Mga ten p.m. na sya nakauwi. 

Bea :  Initin ko na lang ang pagkain.  Sandali lang ito.

Louisse :  Kumain na ako.  Nag dinner kami ni Nico.

Parang may sumaksak sa dibdib ko.  But, I smiled pa rin.

Bea :  Okey.

Ininit ko pa rin ang foods at mag isa akong nag dinner.  Di ko na sinindihan ang candles na hinanda ko.  Konti lang kinain ko.  Nalipasan na ako ng gutom.  I take my vitamins at  nag toothbrush.  Humiga na ako agad at nakatulog.

I know who Nico is.


Kumakain kami ng agahan ngayon.  I serve her foods.

Louisse :  Pag wala pa ako, kumain ka na lang.

Bea :  It's okey,  nag meryenda naman ako kagabi.  Kaya busog pa ako.

Louisse :  You know, Nico?

Bea :  Your manliligaw.

Louisse :  Yeah.

Bea :  You like him?  No.  Wrong question.  You love him, too?

Louisse :  Maybe.

Bea :  B-bagay kayo.

Louisse :  You think?

Bea :  But, nasa sa yo yan.  Just ask your heart what you really feel about him. 

Louisse :  Okey.

Pigil na pigil ko ang sarili ko na wag sumabog.  Na wag maiyak.

Maybe, she don't realize how hurt I am right now. 

Bea :  Bacon?

Louisse :  Yes.  Pancakes din.

Bea : Okey.

Nilagyan ko pa ng pancakes at bacon ang plate ni Louisse.  I sip naman may coffee.

Louisse :  Nico asked me again to have dinner with him tonight.

Bea :  About that.  Legally, you are still married to me.  Pangit tingnan na nakikipag date ka na  may asawa ka pa.

Louisse :  Beatriz!  Ikaw lang naman ang may gusto sa set up na ito.  Gusto ko ng mag divorce tayo!

Bea :  You don't understand.

Louisse :  Then, ipa intindi mo sa akin?

Bea :  Maiintindihan mo rin.

Tumayo na si Louisse at pumasok sa kwarto nya.  Ibinalibag pa nya ang pinto.

Napasapo na lang ako sa mukha ko.

She changed.

She changed a lot.  Di na sya ang Louisse na malambing na kilala ko.  Ang Louisse na clingy sa akin at mahal na mahal ako.

Nagbago na talaga sya.

Iniligpit ko na ang pinagkainan namin.  Naghuhugas ako ng lumabas si Louisse sa kwarto at dire diretsong lumabas na ng unit.

Di man lang sya nagpaalam.

Napaiyak na lang ako.

I decided not to report to the office.  Natulog lang ako maghapon.  I just wake up to take my vitamins.  Mga 2 p.m na ako nag lunch.  Nag take out na lang ako.

Nag grocery ako malapit sa building namin.  I bought steak and veggies and some red wine.

I cooked na the steak.  Grilled.  Pagkaluto ay naghain na ako.  I chilled the wine sa lagayan at nasa dining table na ito. 

Six thirty dumating si Louisse.  Naligo muna sya.  Pagkatapos ay umupo na sa harapan ko.

Louisse :  Hmn?  Any special ocassion?

Bea :  Trip ko lang kumain ng steak and wine, too.

Louisse :  Okey.  Nililigawan mo ba ako ulit?

Bea :  No.

Louisse :  Bakit may pa candle light dinner ka pang nalalaman?  Kaya mo ba ayaw mo akong sumama kay Nico?

Bea :  No.  Let's just eat.

I don't want to talk right now.  I feel dizzy.  Dahan dahan lang akong kumain.  Pinaghiwa ko pa rin si Louisse ng steak nya.  Like I used to do before.  I poured some wine sa mga glass namin.

Louisse :  Hmn.  You are a good cook pa rin. In fairness.

Alam kong may pagka sarcastic ng pagkakasabi nya.  She hates me na pinagbawalan ko syang lumabas kasama ni Nico.

Bea :  I-i know.

I never see this side of her.  Galit na napaka masungit.  But, I still love her.

Always.

Nakayuko lang akong kumakain.  Alam kong nakatingin si Louisse sa akin.

Gusto nya ng away.  She is so mad.

Louisse :  Wala ka bang niligawan after ko umalis dito?

Bea :  No.

Louisse :  I think it's time for you to do so. Para di ka magselos sa amin ni Nico!

Bea :  I will never do that.  I am still married.

Louisse :  Punyeta!  Papel na lang ang nagdudugtong sa atin!  At alam kong alam mo yon!

Bea :  I don't want to fight with you.

Louisse :  Hah?  The prim and proper,  Isabel Beatriz De Leon!

Bea :  I still am.

Louisse :  May gusto ka bang sabihin sa akin?

Bea :  Nope.

Louisse :  Common!  Say it! 

Alam kong nag ngingitngit si Louisse sa akin ngayon.  I keep my cool at dahan dahan na naghihiwa ng steak.  I look so composed, pero, nanginginig na ang mga kalamnan ko.  I feel dizzier and dizzier.

Louisse :  Sabihin mo!  Na malandi ako!  Na ata't na ata't na akong mag ka boyfriend!  Say it!

Bea :  Ikaw may sabi nyan.

Nahihilo na talaga ako.  Tumayo na ako at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.

Pabagsak na akong nahiga sa kama and then, I blacked out.



Till Death Do Us Part   (completed)Where stories live. Discover now