Part 7

217 2 0
                                    


I bought flowering plants at inilagay ang mga ito sa terrace.

Nakangiti akong tiningnan ang mga ito.

Beautiful.

Diniligan ko na ito.  Nakalagay ito sa nakasabit na iron sa brandillas.

Dinagdagan ko ng soil ang bawat paso.  There.

Niligpit ko na ang mga ginamit ko at naghugas ng kamay.

Napagod ako don, a.

Humiga muna ako sa sofa at binuksan ang tv.

Sabado ngayon kaya, rest day ko.


Nagising ako sa ingay.  Ano ba yon?  Nakatulog na pala ako.

Tv pala.  Lakas lakas ng volume.  Napaupo na ako.

Louisse :  Nagising ka rin!

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Louisse galing sa kwarto namin.

Bea :  Louisse?

Louisse :  Oo, ako nga!  Ano ang lunch natin?

Napatayo ako bigla. 

Bea :  Ano ba gusto mo?

Louisse :  Bahala ka na.

Nagmamadali akong nagpunta sa kichen.  Tamang tama nag grocery ako kahapon.  Pork nilaga na lang lulutuin ko.  Nagsaing muna ako bago magluto ng nilaga.

Nanonood naman ng tv si Louisse.

Hinanda ko na ang mesa.

After thirty five minutes ay naghain na ako.

Bea :  Let's eat, Louisse!

Pinaupo ko na sya sa harapan ko at nagdasal na kami.  Pinagsilbihan ko naman  sya.

Bea :  Masarap?

Louisse : Pwede na.

Bea :  Why are you here?

Louisse :  Di ba ito naman ang gusto mo?

Bea :  Pumapayag ka na?

Louisse :  May choice ba ako?

Bea :  Wala, hahahaha!

Louisse :  Saya natin, a!

Bea :  Nandito ka, e!  Sabaw ka pa.  Tsaka pork.

Dinagdagan ko ng sabaw ang mangkok nya tsaka pork at gulay.

Alam ko na nasarapan sya sa luto ko.  Magana kaya sya kumain.

Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas.  I will do everything to make her love me again or make her happy again.  Na ako ang nagpapasaya sa kanya.

Bea :  I know na ayaw mo ako makatabi matulog.  I'll use the other room.  Sa yong sa yo ang kwarto natin.

Louisse   Buti't alam mo!

Pumasok na sya sa room at ibinalibag ang pinto.

Napangiti na lang ako.

I set my alarm para alam ko na oras na para mag order ng meryenda namin. 

Pumasok na rin ako sa room ko at nakatulog agad.  Ngayon lang ako mahihimbing na matulog.

My baby is finally home.

I am home.


I ordered our favorites.  Pizza, chicken wings and iced tea.

I added potato fries corn flavor sa potato corner,

Hinanda ko na sa center table sa sala ang mga pagkain.  

Kinatok ko na si Louisse.

Bea :  Louisse?  Are you awake na?

Walang sagot.

Bea : Louisse?  Meryenda time!

Bumukas na ang pinto. 

Bea :  Hi!  I ordered pizza and chicken wings!  May potato fries corn flavor din!

Nagkakamot sya ng mga mata nya na umupo sa sofa at kinuha agad ang potato fries.  Kumakain na sya habang nanonood ng tv. 

Napangiti naman ako.  Binuksan ko ang pizza at kumuha na.  Ibinigay ko ito kay Louisse.

Louisse : Kumakain pa ako ng fries!

Kumagat na lang ako sa pizza at uminom ng iced tea.

Tahimik lang kami na nanonood ng tv. 

Bigla nyang kinuha ang remote at pumili ng movie sa netflix.  Di na ako umangal kahit nasimulan ko na ang movie kanina.

Nang maubos ang pizza at chicken wings at itinapon ko na ang basura sa trash can.  Nagluto na rin ako ng rice. 

Hmn.  Napagod na naman ako kaya humiga muna ako sa bago kong room.

Nakatulog ako agad.


Nagising ako sa malalakas na katok.  Napabangon na ako.

Nag buksan ko ang pinto ay nakita ko ang inis na inis na mukha ni Louisse.

Bea :  Yes?

Louisse :  Di pa ba tayo kakain? 

Bea :  Anong oras na ba?

Louisse :  Seven p.m. na po!

Bea :  Okey.

Lumabas na ako ng kwarto.  Matagal pala ako nakatulog.

Naghain na ako ng kanin.  Nakasalang pa ang pork nilaga.  Ininit ko na lang.

Pinagsilbihan ko pa rin si Louisse.  Napapangiti ako dahil magana na naman syang kumain.  Fave talaga nya ang nilaga.

Konti lang kinain ko dahil busog pa ako sa meryenda namin kanina. 

Pagkatapos kumain ay naghugas na ako.  Nakita ko naman na nagpunta ng terrace si Louisse.

Pagkatapos ko maghugas ay sinundan ko sya sa terrrace. 

Nakatanaw lang sya sa malayo.

Bea :  Thank you.

Louisse :  For what?

Bea :  For living with me.

Louisse :  Di ko gusto ito, Bea!  Napilitan lang ako.

Bea :  Kahit na.  Pinili mo pa rin na makasama ko kahit tatlong buwan lang.

Louisse :  I need that divorce!

Bea :  Yeah.  Goodnight.

Pumasok na ako sa room ko at uminom ng mga vitamins ko.  Pagkatapos ay nag toothbrush na.

Nahiga na ako agad.  Inaantok na ako.


Kinabukasan ay magkasama kaming nagsimba at kumain sa vikings.

Paborito nya ang buffet. 

Wala syang choice kundi samahan ako dahil yon ang hinihingi ko sa kanya kapalit ng pag pirma ko sa divorce paper.

I laugh secretly.  Palagi kasing naka usli ang nguso ni Louisse.  Bawat hiling ko ay napipilitan syang pagbigyan ako, hahahaha!

I am so enjoying this.

Louisse :  Kailangan ba talaga natin manood ng sine?

Bea :  Wala naman tayong gagawin sa condo.

Nagpapadyak na pumasok na kami sa sinehan.  Nakangiti ako na sumunod sa kanya dala dala ang popcorn at drinks namin.

Napatingin ako kay Louisse habang nag e enjoy sa movie.

Kilalang kilala na kita, baby.  I know what makes you happy and sad.

Gagawin ko lahat para maging masaya ka.  Kahit tatlong buwan lang.


Till Death Do Us Part   (completed)Where stories live. Discover now