Part 10

239 2 1
                                    


Naka shades ako na pumasok sa office.  Nakaupo na ako ng tanggalin ko ito.

Mayamaya ay umupo si ate Ella sa harapan ko.

Ella :  Magang maga ang mga mata mo, ineng.  Ano ba nangyari?

Louisse :  Nag away kami ni Bea kagabi.

Ella :  O?  Bakit naman?

Louisse :  Nakita nya kami ni Nico na sabay mag lunch.  Masaya daw kami.

Ella :  Akala ko ba tigil ligawan muna!

Louisse :  Nagkita lang kami don, ate Ells.  Di plinano.  Masaya naman kausap si Nico, e.

Ella :  Ayon!  Nagselos pala!

Louisse :  Nagselos?

Ella :  Mahal ka pa rin ng asawa mo, Louisse. 

Louisse :  Sobra akong nasaktan sa mga sinabi nya.  Na di ko daw pinahahalagahan ang kasal namin.  Twice daw kami nagpakasal, sa huwis at simbahan sa US.  Married pa daw ako tapos nakikipag date na sa ibang lalaki!  Parang ang dumi dumi ko na nong sinabi ni Bea sa akin yon!  Sana daw, na hintayin ko muna na mamatay sya bago ako lumandi!

Napaiyak na naman si Louisse.

Ella :  Masakit nga.  Pero, tama naman sya.  Ikaw kasi!  Bago ka sana nagpaligaw, sana inayos mo muna ang sa inyo ni Bea.  Para clean slate ka!

Louisse :  Yon naman ginagawa ko ngayon, ate Ella!

Ella :  Dapat di ka pumayag sa invitations ni Nico.

Louisse : Oo na!  Mali na ako don!

Ella :  O, tahan ka na!  Mag hanapbuhay na tayo para sa ekonomiya nating dalawa!

Natawa naman si Louisse sa sinabi ni Ella.

Ella :  Ayan!  Para ka ng baliw!  Umiiyak tapos tumatawa!  Ayos buhay, Louisse!

Binato ko naman ng tissue  si Ella.

Ella :  Ew!  Kadiri ka, Jhoana Louisse!

Nag trabaho na kaming dalawa.  Gumagawa ng contracts si ate Ella para sa mga bagong clients ko.


Wala na kaming pag asang magkaka ayos ni Louisse. 

Sabagay, para saan pa?

Gusto ko lang sana syang makasama kahit three months lang.  Last hurrah ko na ito.  Gusto ko lang maramdaman ang pagmamahal nya sa huling pagkakataon.

Masama ba yon?

Tumulo na naman ang luha ko.  Pinahid ko ito agad.  Nagbasa ako ulit ng kontrata na nasa mesa ko.  I need to finish these today.  Kailangan na itong ma pirmahan ko ngayon.

Jema bought snacks for me.  3:30 p.m. na.  Makapal pa  ang babasahin ko.

I read non stop until 9 p.m.  Sa office na rin ako nag dinner. Mabuti at dala dala ko ang mga vitamins ko.  Uminom na rin ako pagkatapos ko mag dinner.

By 10 p.m. ay napirmahan ko na rin lahat. 

Dahan dahan na akong lumabas ng office.  I am so tired to drive kaya I booked a grab car na lang.

Nakatulog ako habang nasa byahe kami.


Grab driver :  Ma'am?  Nandito na po tayo.  Ma'am?

Naramdaman ko na may yumogyog sa balikat ko.

Napadilat na ako.

Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad papasok sa building.

Till Death Do Us Part   (completed)Where stories live. Discover now