Chapter-8

172 6 0
                                    

Karylle POV

Lumipas ang dalawang linggo at tuluyan na akong gumaling. Kaya ko nang igalaw ang kaliwang braso ko at natanggal na rin ang benda nito.

Si Zaydie at Xyzie ay nagpaliwanag na hindi sila naka bisita dahil sobrang busy ng mga ito pero kinamusta naman nila ako sa tawag at tadtad ng chat at ganon rin si Tita Glai at Tita Zen.

Dumiretso ako sa Office of Dean. Pagkapasok ko ay naka-upo ito.

"Nasaan ang security guard sa oras na iyon Dean?" tanong ko nang maka-upo.

"Miss Everson— ang paliwanag nila sa akin matapos ang insedente na naganap ay binayaran daw sila ni Mr. Morillo, pinasibak na sila sa School at binawi ang License nila." tumango naman ako.

"That's it?"

"Yung dalawang student na nagsumbong sa amin dahil may naririnig daw sila na tila nag-aaway at pagkalabas nila ay doon na nila nakita ang nangyari."

"I hope hindi maapektuhan ang pangalan ng School based lang sa nangyari sa akin and I hope may action kayo about doon Dean" wika ko nagpa-umanhin naman ito.

Nang makalabas ako sa Dean Office ay marami ang nangamusta ngunit isang ngiti lang ang naging tugon ko. Dumiretso ako sa Gym para doon manuod ng volleyball. Gusto ko sanang sumali ngunit baka maapektuhan ang kaliwang braso ko dahil sa pwersa.

"Sec" bati nila ng makita ako.

"Wala kayong pasok?" tanong ko.

"Wala po kaming Prof kaya naglaro na lang po kami" tumango naman ako.

Pumasok ako sa last subject ko kung saan ay ang Terror Professor ang pumalit kay Miss Salvacion.

"Miss Everson, I heard what happened to you, are you okay now?" she asked.

"Yes Miss, thank you for your concern" ngumiti pa ako.

"Alright, nakilala mo ba kung sino iyon?" usisa nito.

"Yes Miss"

"Okay, hindi na ako magtatanong, but be careful next time Miss Everson"

"Thank you Miss"

"So class, since wala wala si Miss. Salvacion ako muna ang paapalit sa kanya."

Nakinig naman sila sa buong klase ni Miss, habang naka-tingin ako sa labas nakikita ko naman sa hindi kalayuan na tila nag-aaway. Tinignan ko pa ang paligid kung may mga estudyante ba ngunit wala.

Hinayaan ko na lamang iyon at baka away mag-jowa lamang. Nang matapos ang Klase ay dumiretso ako sa parking lot. Chineck ko ang paligid at wala naman akong naramdaman na kahina-hinala. Tumingin ako sa taas kung saan naka-tutok ang CCTV. Nasa kabilang side ito kung saan hindi makikita sa pwesto namin kung saan kami nakikipag-buno.

Halatang sinadya iyon. Chineck ko pa ang ilang CCTV ngunit pare-pareho iyon ginilid at ang iba ay tinakpan pa.

Mautak ka talaga Wyndel.

Napatigil ako sa pagmumuni ng tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang isang message na galing kay Kia.

"Free kaba? "

"Yup! Bakit" agad na reply ko.

"Pwede mo ba akong puntahan ngayon sa Pampangga?! Sorry" mabilis na reply nito.

Tinignan ko muna ang oras sa aking relo. Quarter five palang naman.

"Sure, send mo na lang ang address"  mabilis itong nag reply at sinend naman nito ang address, humingi pa ito ng pasensya dahil sa abala.

FLAMES OF FIRE (GXG)(Ongoing)Where stories live. Discover now