Chapter-12

236 8 0
                                    

Karylle POV

Lumipas ang dalawang araw at tulad ng usapan ay nag-usap kami ng may-ari ng lupa.

"Bakit ka interesado sa lupa na iyon?"

"My friend lives there" simpleng sagot ko.

"Alin doon ang bibilhin mo?" Hamon nito sa akin.

"Yung sa lumang bahay" tugon ko. "At yon lang ang bibilhin ko."

"Three hundred forty square meter, kaya mo ba ang halaga?"

"Drop your price" ngumisi ito at tila nag-iisip.

"Nine hundred thousand" he said.

"Talagang binawasan mo pa ng isang daang libo, bakit dimo na lang kaya gawin isang milyon, nakakahiya sayo" wika ko, nawala ang ngisi nito. Napapailing na lamang ako at kinuha ang tseke sa bag ko.

Sinulat ko na lamang ang hinihingi nitong presyo at pinermahan.

"Ibigay mo sa akin ang titulo ng lupa at siguraduhin mong hindi mo ako dadayain"

"No! No. Hindi ako mandadaya, baka ikaw"

"Me?" Turo ko sa aking sarili. "Pumunta ka sa bangko at ikaw na bahala kung saan mo ito wiwithdrawhin and I don't care how much money I spent  just give me at original Title" wika ko.

Wala itong naging sagot at binigay sa akin ang titulo ng lupa.

Nang matapos ang usapan ay agad akong pumunta sa isang bilihan ng Milktea since nag ccrave ako ng sobra. Habang nag-oorder ay bigla naman tumunog ang aking cellphone. Dahil number lang iyon ay hindi ko agad sinagot. Ilang beses rin iyon tumawag bago ko naisipang sagutin.

"Karylle, Iha" boses ng isang babae.

"Hello po"

"Iha, mama ako ni Eya, p-pwede bang pumunta ka dito" may bahid iyon ng takot.

"Sige po Tita, five minutes po andiyan na po ako"

"Sige, salamat"

Agad kong pinatay ang tawag, agad kong kinuha ang order ko at nagmamadaling pumunta sa kanilang bahay, naabutan ko itong umiiyak.

"Tita anong nangyari?" Nag-alalang tanong ko.

"Anak, si Ella" agad naman akong tumakbo sa loob ng kanilang bahay, naabutan ko itong umiiyak at sumisigaw dahil sa sakit.

Agad kong nilabas ang cellphone ko at tumawag sa emergency hotline ng Caloocan. Mabilis naman silang nag responde at wala pa ang sampung minuto ay nakarating na rin. Agad nilang kinarga patungo sa stretcher ng makita ang lagay ni Ella, at mabilis na pinasok sa loob ng ambulansya, hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Tita, habang si Tito naman ay tahimik lang at bakas sa mukha nito ang labis na pag-alala.

Mabuti na lamang at hindi pa ako nakaka-alis ng Caloocan, balak ko pa naman sana gumawi sa MOA.

"Karylle"

"Susunod po ako Tita" wika ko. Tinignan ko naman si Tito at umiwas ito ng tingin.

Nilapitan ko si Evo na tahimik lang at naglalaro. Hinawakan ko ang ulo nito. Wala pa talaga siyang alam sa nangyayari.

"Gusto mong sumama?" Tanong ko. Tumingin ito sa akin.

"Saan po?"

"Gumala, pasyal tayo"

"Talaga po?" Excited ito.

"Dito kalang Evo, hindi ka pwedeng umalis" si tito. Napatingin naman ako.

"Papa"

FLAMES OF FIRE (GXG)(Ongoing)Where stories live. Discover now