Karylle POV
"Grabe laganap na talaga ang bullying dito sa school natin, at ang balita ko pa ay taga dito daw mismo ang nambugbog ng estudyante sa kabilang University" narinig kong bulungan ng mga estudyante.
Napahinto naman ako sa paglalakad at nakinig sa kanila.
"Grabe nakakatakot na talaga pag-ganon, parang ayaw ko na nga pumasok"
"Ako nga parang gusto ko na lang mag transfer sa ibang school eh"
"For sure ako anak iyon ni Gov" sinang-ayunan naman ng iba ang sinabi nito.
"Grabe na talagang Wyndel na yan"
"Oo nga"
Ikaw na naman majinbu ka, wala kang kadala-dala
Naglakad na lamang ulit ako hanggang sa makarating sa cafeteria.
Umupo ako sa tabi ng kapatid ko at ni Zaydie.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?"
"Pakiramdam ko wala akong kwentang officer ng school"
"Bakit?"
"Hindi ko alam paano matigil ang bullying, umabot na sa kabilang University" napahilot pa ako sa ulo ko.
Napatingin ako kay Kelly na busy sa kanyang cellphone at naka-ngiti pa.
"Tsk, hoy sino ka chat mo?"
"It's none your business" wika nito sa akin.
"Kanina pa yan"
"Psshhh"
"Oh anong plano mo? Wala bang magagawa si Dean o yung ibang Head ng school?"
"Kahit nga mga Professor walang lakas ng loob mag sumbong" wika ko.
"Wala akong pang-laban kay Wyndel, alam kong buburahin ng tatay niya ang bad image nito"
"Huwag kana lang makisali, hayaan mo ang board at head ng school ang umayos. Alam mo naman si tita napaka O.A niya kapag nalalaman niyang nakikisali ka sa away"
"Hindi naman away to" tawa ko.
"Kahit na, alam kong may ipinaglalaban ka, pero ipa-ubaya mo na sa kanila, huwag mong gamitin kung anong koneksyon ang meron sa pamilya niyo" tinapik ko ang balikat nito at tumango. Tama si Zaydie
_
"Prof" tawag ko. Masungit itong humarap sa akin.
"What?"
"Regarding po sa nangyari last week pasensya na po" wala akong narinig na tugon mula dito.
Sungit niya talaga rejected pa ako palagi.
Kailan kaya siya magkakaroon ng magandang approach sa akin, kahit isang araw man lang.
"Ah Prof. May hindi pala ako naintindihan regarding sa itinuro niyo sa amin nong nakaraang araw, hindi ko po kasi alam kung paano ito icocompute since naguluhan ako sa part na ito" wika ko at binigay sa kanya ang notebook ko.
"Used SciCal for this and used this equation, regarding sa sunod-sunod na number" napa-ngiti naman ako ng ma gets ko na. Medyo nahirapan lang ako sa part na ito since hindi naman siya itinuro sa amin ni Prof, Salvacion.
"Thanks po Prof" wika ko, alam kong wala akong pag-asa kay Prof dahil may asawa na ito pero wala silang anak.
Pero umaasa pa rin ako na sa pagka graduate ko sa susunod na taon ay sana, Sana mapansin niya man lang ako at pagtuunan ng pansin kahit sa maliit na panahon man lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/363960496-288-k150525.jpg)
YOU ARE READING
FLAMES OF FIRE (GXG)(Ongoing)
AksiThis story is all about, Karylle Everson, daughter of Eunice Kyle Everson and Yella Syn Sovrega Everson. (GirlxGirl) Second Generation