Karylle POV
Pumunta ako sa kompanya ni Mommy at naabutan ko sila ni kuya na nag-uusap sa office.
"Mom"
"Sweetie what are you doing here?"
"I miss you po" wika ko.
"Psshh akala ko kung ano" saad ni kuya.
"Nyenyenye"
"Bleee"
"Mom, oh si kuya" sumbong ko. Mahinang natawa si Mommy na ikinasimangot ko.
"Mom, pwede kong gamitin ang bigbike?" paalam ko, kaya ko lang naman nilambing si mommy para magamit ko ang bigbike.
"No"
"Mom please"
"Hindi pwede Karylle"
"Pretty please Mommy"
"Payagan mo na Mom, nakatambak lang naman sa garahe ang bigbike, no one used it"
"But-"
"Mom we we're young na"
"Hindi niyo na mahal ang Mommy niyo?" O.A na wika nito.
"Mommy naman eh"
"Lumaki na ang mga babies ko hindi niyo na ako mahal"
"Si Mommy parang ewan"
"Mom, we love you, kami pa rin naman po ang babies niyo" saad ni kuya na sinang-ayunan ko naman.
"Sige na nga, but promise niyo sa akin na huwag kayong papasok sa gulo ha, lalo kana Karylle" ngumiti naman ako ng malawak at tumango, niyakap ko si mommy ng mahigpit.
"Thank you Mommy, the best ka po talaga."
Si Mommy lang naman ang pinaka O.A sa lahat, habang si Mama naman ay napaka supportive pagdating sa amin at palagi kaming pinagtatanggol. Masasabi kong hindi madali ang pinagdaanan nilang dalawa. Katulad ng kwento ni Mama ay marami rin silang pagsubok sa buhay. Marami rin siyang naranasan katulad na lamang sa paghabol nito kay Mommy.
Kahit sa IVF lamang kami nabuhay ni Kelly ay sobrang thankful namin dahil sila ang naging magulang namin.
Nagpaalam na ako kay Mommy at Kuya na uuwi na muna saglit dahil may isang oras pa akong vacant time, pagdating ko sa mansyon ay kinuha ko ang susi at pumunta sa garage.
"Madam, hindi ba kayo mag la-lunch?" tanong ni butler John.
"Hindi na po, kumain na lang po kayong lahat" ngiting wika ko. Tumango naman ito bago yumuko.
Habang pinapaharurot ko ang bigbike ko ay dumaan muna ako kung sa bahay ni Prof, at huminto sa kabilang kalsada.
Nilabas ko ang phone ko at may tinawagan.
"Bonjour Señorita"
"I need you to invistigate the person named, Christian Toress"
"Sure Señorita, Je vais juste envoyer le fichier sur votre compte Gmail Señorita"
(Ipapadala ko na lamang ang file sa Gmail mo Señorita)"And I need complete backrounds even single details"
"Sure Señorita" agad ko nang pinatay ang tawag at pinaharurot na bigbike ko pabalik sa school.
Nang makarating ako sa school ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang estudyante sa parking lot.
Pumunta naman ako sa Dean's office.
"Dean magandang hapon po" bati ko nang makita ko itong naka-upo sa kanyang swivel chair.
"Miss Everson"
YOU ARE READING
FLAMES OF FIRE (GXG)(Ongoing)
AksiThis story is all about, Karylle Everson, daughter of Eunice Kyle Everson and Yella Syn Sovrega Everson. (GirlxGirl) Second Generation