Chapter 12

643 13 0
                                    

CHAPTER TWELVE

"DOON sa huling tanong mo, naipanganak ni Lotti ang sanggol. At wala pang tatlong buwan pagkatapos itong manganak ay umalis si Lotti sa mansiyon at bumalik sa lola niya."
"I don't understand."
"Hindi gumawa ng pagsisikap si Keith na suyuin ito at pabalikin sa mansiyon. O kahit pakasalan ito dahil man lang sa bata. Totoong nagulat ang lahat dahil sa panahong nagdadalang-tao si Lotti ay masyadong attentive at maalalahanin si Keith dito. May mga nagpayo, at kabilang na si Lola Benita roon, na kung ano man daw ang problema'y malulutas din iyon... Na mas mapapaganda ang pagsasama nila kung may basbas ng kasal.
"But Keith was so adamant. Nagkanya-kanyang buhay ang dalawa. Si Lotti ay muling nakipagrelasyon sa iba. Si Keith ay walang pakialam. Ang bata ay nasa poder ni Keith. And once in every blue moon ay kinukuha ni Lotti pero laging may kasamang yaya at driver." Sinulyapan nito si Sherie. "Sherie has a brother."
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ang iisipin. Bakit hindi pinakasalan ni Keith si Lotti? Nang mag-angat siya ng mukha kay Molly ay isang matabang na ngiti ang pinakawalan nito.
"Keith had gotten you both pregnant. I don't know what to say."
She colored, then avoided her friend's eyes. "H-hiwalay na sila nang... nang... may mangyari sa amin—"
"Did it matter?"
Umiling siya. "No. I believe it did not."
"So. Ano ang plano mo ngayon?"
Nagkibit siya ng mga balikat. "Maghanap ng matitirhan sa Esperanza. At doon din maghahanap ng trabaho. In that order."
Napakunot-noo ito. "Esperanza? Bakit sa Esperanza?"
"I was offered a job there, Molly. Sa isang local radio station."
"Alam kong may aandap-andap na radio station sa Esperanza. Ang may-ari yata'y nasa ibang bansa. Pero bakit doon, Maddy? Iilan lang ang empleyado roon. Baka hindi kayang magpasuweldo ng istasyon ng isa pa." Then she raised her hands in the air and managed to look contrite.
"Sorry. Ngayon ko naiintindihan kung bakit hindi mo sinabi ang tungkol kay Sherie at sa kinaroroonan mo. Maaari kong mabantuan ang mga desisyon mo."
She smiled at her friend. "We've both done that to each other in the past, Molly. Pero hindi sa pagkakataong iyon. Anyway..." Nilingon niya ang labas ng bintana at pagkatapos ay ang relo sa braso. "Mag-aalas-kuwatro na pala." She gathered her bag around her. "Kailangang tumuloy na kami bago pa kami abutan ng dilim. Maghahanap pa kami ng matutuluyan sa kabilang bayan. Temporarily, I'll get a cottage."
"Bakit sa Esperanza ka maghahanap ng matitirhan? Bakit hindi rito sa San Ignacio? At pansamantala, dumito ka muna sa amin, Maddy."
"Molly..."
"Okay," Molly said in a resigned face. "Esperanza's less than an hour drive. Magkikita tayo, iyon ang importante. Give me your mobile number and I'll give you mine."
NANG magpaalam na silang mag-ina'y pinigilan din sila ng nanay ni Molly na nag-aanyayang doon na maghapunan. Magalang niyang tinanggihan iyon at nangakong babalik sa ibang araw. Gayunpama'y nagpilit ang nanay ni Molly na magbaon sila ng pagkain sa Tupperware para hindi na sila bumili ng para sa hapunan. Pati na rin ang bikong bagong luto ay ipinadala na ng matandang babae.
Huminto muna siya sa isang maliit na gas station at nagpa-full tank. Hindi niya tiyak kung may gas station sa susunod na bayan. Marahil ay mayroon din naman pero mabuti na iyong sigurado. Kahit noong kabataan niya'y bibihira siyang magtungo roon. Kung piyesta lamang siya nakakapunta sa Esperanza at naaanyayahan ng ilan sa mga classmates na tagaroon.
Nang kuhanin niya ang wallet niya sa bag at magbabayad na'y nakita niya ang sobreng ibinigay ng matandang lalaki. Inilabas niya iyon kasama ng wallet. At nang makapagbayad ay pinunit niya ang dulo ng sobre at binuksan iyon.
Isang sulat-kamay sa isang letterhead ng isang kompanya sa Canada. Nang basahin niya ang sulat ay isa iyong pagpapahintulot na maaari siyang manirahan sa bahay-Kastila sa burol sa baryo Esperanza, nang walang takdang panahon.
Napasinghap siya. Ang bahay sa burol!
Bumaba ang mga mata niya sa nakapirma. V.G. Montoya, III.
Montoya, III. Apo na marahil ng may-ari ng bahay-Kastila. Pero paano nito nalaman na babalik siya sa San Ignacio at mangangailangan siya ng trabaho at bahay na mauuwian? Both the calling card and the letter were given to her at the same time when she hadn't even decided whether to quit her job or not.
She reread the typewritten letter again. Hindi siya nagkakamali. Naroon ang pangalan niya. Madeline Ocampo.
"Ano ang sabi ng letter, Mommy?" untag ni Sherie sa pagkatulala niya. Sinundan pa iyon ng busina mula sa likuran ng isa pang sasakyan na magpapagasolina at nakaharang pa rin siya.
Mabilis niyang ibinaba ang sulat sa kabilang upuan at pinaandar ang sasakyan palayo.
"Mommy..."
"It's... an authorization letter, sweetheart. Hindi na tayo mahihirapang maghanap ng matitirhan. Alam ko kung saan tayo pupuntang bahay. And I know you would love it there, sweetie." She smiled at her daughter through the rearview mirror. You were conceived in that house...
"What's an... owto... owtor..."
"Autho-ri-zation, darling. Isang sulat ng pagpa-pahintulot sa atin na tumira sa isang partikular na bahay."
"I hope it's a big house, Mommy."
Napangiti siya. "It is big, sweetie. May itaas. At lima ang bedroom. Apat sa itaas at isa sa ibaba. And the living room is so huge you can even play your bike around."
"Really, Mom?"
"Really." Ang apartment na tinirhan nila'y studio type at iisa lang ang silid. Siya ang pumili niyon dahil hindi kamahalan. Kasama iyon sa pagtitipid niya.
Kahit ang yaya ni Sherie ay sa sala niya pinatutulog. Parang gusto niyang pagsisihang hindi niya dinala ang yaya nito. Pero mabuti na rin dahil wala namang kasiguruhan kung may trabaho siyang talaga o wala. Dagdag bayarin lang ang yaya.
Habang nagmamaneho'y nag-flash sa isip niya ang matandang lalaking nakausap sa McDonald's, kasabay niyon ay ang pagkislap sa isip ng isang anyo, may lima... pitong taon na ang nakaraan. Both men had the same height and built.
"Ang hardinero?"
"What, Mommy?"
Nilingon niya si Sherie sa may balikat niya. Hindi niya inaasahang naiusal niya ang nasa isip. "W-wala, anak. I just remembered someone..." She could be wrong. She must be.
Pinaandar niya ang makina ng sasakyan. Ilang sandali pa'y nasa daan na sila patungo sa bahay sa burol. She shook her head inwardly. Hardinero ang nagmamantini ng bahay. Wala itong karapatang magpatira doon. Ang magagawa lamang nito'y ang pahintulutan sila ni Keith noon na magpunta-punta sa bahay-Kastila. Hindi ang tumira doon.
Sino, kung ganoon, ang lalaking nakatagpo niya sa McDonald's at nagbigay sa kanya ng calling card at sulat? Ito ba ang VG Montoya, III?
NAMANGHA si Madeline nang makitang sa kanang bahagi ng burol ay may pinatag na lupa at ginawang gravelled driveway. Iniliko niya roon ang pickup truck at napunang banayad na papataas ang driveway upang kahit paano'y iayon sa burol. Humangga ang driveway sa isang may bubong at pang-isahang garahe. Sa gilid niyon ay hagdanan na tulad ng garahe ay may bubong din hanggang sa itaas.
Manghang bumaba siya ng sasakyan at tiningala ang hagdan na yari sa granolithic stones. May round steel handrail at sa wari niya ay wala na lang dalawampu ang mga baitang. Pinaayos ba ng may-ari ang bahay sa burol? May tumira ba roon sa nakalipas na limang taon?
Nilingon niya ang anak na nakasungaw sa bintana sa likod at nagmamasid lang. "Bakit po may hagdan?" tanong ni Sherie.
"There's a house on top of the hill, honey. Halika, panhikin natin."
Excited na bumaba ng sasakyan si Sherie. "Sa house sa itaas tayo titira, Mommy?"
"Yes, honey." Hinawakan niya ang kamay ng anak at inakay papanhik.
Walang nabago sa bahay. Gayundin ang kapaligiran. Tila kahapon lang siya umalis. Inaasahan niyang madadatnan ang hardinero. Subalit sa pagkadismaya niya'y walang tao roon. Gayunman ay alam niya kung saan nakatago ang susi sa main door. Nang angatin niya ang gitnang paso na nasa ilalim ng bintana ay naroon ang susi. Tulad din ng lagi iyong naroroon sa nakalipas na mga taong nagtutungo sila ni Keith sa bahay na iyon.
"Mommy, ang ganda dito!" bulalas ni Sherie na nagpaikut-ikot at binabaybay ang picket fence hanggang sa bahaging natatanaw ang likurang ibaba. "May dagat doon sa malayo!" Lumingon ito sa kanya. "Oh, punta tayo roon, Mommy."
She smiled at her daughter, sinusian ang pinto pabukas. "Of course, sweetie. One of these days." Sa isa sa mga pagkakataong narooon sila ni Keith ay natuklasan nila ang pababang landas patungo sa dagat mula sa likod. Natatakpan lamang pala iyon ng malalagong halamanan. At tulad ng stone steps sa harap ng bahay ay ganoon din ang daan pababa.
She had actually stopped counting when she and Keith had used the path down to the beach. Mahigit sa kalahating oras nilang binaba ang batong kinurba pahagdan at nangunyapit sa mga malalaking ugat ng kahoy na nakausli bago nila narating ang dalampasigan sa ibaba.
Kung ang layunin ng isa'y ang magtungo sa dagat, mas madaling gumamit ng sasakyan at umikot patungo roon. Limang minuto ay naroon ka na. Pero kung ang layunin ay mountain trek, mas nanaisin ng isa ang gamitin ang makitid na daan pababa sa bundok patungo sa dagat. Sherie would surely enjoy the experience.
"Pansamantala, tulungan mo si Mommy na dalhin sa bahay ang mga gamit natin."
Sherie wrinkled her nose. "They're heavy. Saka haba ng hagdan..." reklamo nito pero nakikita niya sa anyo ng anak ang kasiyahan habang pinapanhik nila ang mga baitang. At tulad niya, nang una niyang panhikin ang apakang bato sa harapan ay nagbilang din si Sherie ng mga baitang.
She laughed. Itinulak niya pabukas ang dalawang panel ng pintong narra. Bumulaga sa kanya ang loob ng kabahayan. Nasasamyo niya ang amoy ng lumang bahay at may bahagi ng dibdib niya ang nag-init.
Silly, but it felt like coming home. Walang ipinagbago ang kabahayan. The same curtain hung the huge windows. At naroroon pa rin ang iilang kasangkapan. Malinis na malinis pa rin ang sahig at makikintab ang hawakan ng hagdan.
"Wow!" wika ni Sherie mula sa likod niya at pumasok sa loob. "The house is so big, Mommy!" She danced around the huge living room. Pagkatapos ay tinakbo ang paikot na hagdan at pumanhik. Muli ay nagbibilang ng baitang.
The Montecillo Mansion is twice as much bigger, honey, she would have wanted to say. Instead she sighed. "Careful, Sherie. Baka mahulog ka."
Then she turned and looked around her. Ang mga mata niya'y natuon sa lugar kung saan una niyang ipinagkaloob ang sarili kay Keith. May ilang sandaling nakatitig lang siya sa bahaging iyon ng kabahayan. Nag-init ang sulok ng mga mata niya habang sa isip niya ay nanariwa ang gabing iyon.
Keith made love to her twice that night. Had told her he loved her. Nakahiga ito sa ibabaw ng jacket nito, while she had slept on top of him for a couple of hours. Tinakpan nito ang likod niya mula sa lamig ng hangin sa pamamagitan ng polo shirt nito. His arms around her tightly, as if afraid to let her go.
She blinked the tears back. Suminghot siya. Ala-una ng madaling-araw nang gisingin siya nito upang sabihin kailangang ihatid na siya nito sa kanila.
"N-nakatulog ako," she said huskily as she raised her head and stared into his eyes. His arms still around her naked body.
His smile was soft and gentle. "Yeah. You are so pretty in your sleep, sweetheart. So content with my arms around you. And my body as your bed."
Her cheeks colored. "You've watched me sleep? Hindi ka umidlip?"
He shook his head and kissed her gently on her eyelids. "I don't want to waste time sleeping. I can do that later when I take you back home. Gusto kong samantalahin ang mga sandali at iukit sa isipan ko ang mukha mo, bawat linya, bawat anggulo. I love you so, Madeline."
Bittersweet memories. She clutched her chest painfully.
"Mommy!"
Startled, agad siyang tumalikod at lumakad patungo sa hagdanan at tiningala si Sherie na bumababa sa hagdan at pagkatapos ay naupo sa baitang hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya.
"Yes, honey?"
"I love it here, Mommy. Let's live here forever. Promise me, please... please..."
"My god, Maddy, I love this place! It has the most spectacular view in the whole San Ignacio and Esperanza... I would love to live here!"
She blinked the memories away. "I... I love it here, too, sweetheart. But I can't promise we can stay here forever. Pinahiram lang sa atin ang bahay na ito..."
Gumuhit ang pagkadismaya sa mukha ng anak nang bigla'y natigilan ito at titigan siya nang husto. "Are you crying, Mommy?" Pagkasabi niyon ay nagmadali nitong binaba ang ilang baitang sa pagitan nila.
"Careful, baby." Sinalubong niya ito. "And no, hindi ako umiyak. Ang... lakas ng hangin. Tumama sa mata ko ang kurtina."
Tumaas ang kamay nito at pinahid ng forefinger ang nag-iisang kumawalang luha sa mata niya na hindi niya namalayan kanina. "'Kala ko 'miyak ka, Mommy," anito, nilingon ang mga kurtinang inililipad ng malakas na hangin mula sa labas. Kapagkuwa'y muling tumingala sa ina. "Walang ilaw sa bathroom sa itaas, Mommy."
"We'll use candles, Sherie. Pansamantala." Bukas ay mag-a-apply siya sa local electric company para makabitan muli ng kontador ang bahay. Much as she loved using candles, hindi iyon maaari kapag may bata.
"MAGSARA kayo ng bandang alas-singko y media," utos niya sa mga tindera. "Mauuna na ako."
"Opo, sir," magkasabay na sagot ng tatlong tindera niya sa poultry supply store. Ang tindahang iyon sa San Ignacio ay ang main at pinakamalaki sa apat na sangay niyon sa apat na bayang magkakasunod, ang Trinidad, San Ignacio, Esperanza, at ang bagong bukas sa Candelaria sa bahagi ng Quezon.
Mula nang magtapos siya ng pag-aaral ay sa kanya na ipinamahala ng ama ang mga negosyo nila. Ang Montecillo farm ay ang pinakamalaki sa bahaging iyon ng probinsiya. Ito ang supplier ng manok at itlog sa ilang bayang nasasakupan, kasali na roon ang Batangas at Quezon provinces.
Sa nakalipas na apat na taon ay naitayo ang isang planta ng dressed chicken at processed food. Dinadayo iyon ng maraming maliliit na negosyante upang mamakyaw. Marahil, sa susunod na mga taon ay plano niyang sakupin nila ang market sa Kamaynilaan.
Pasakay na siya sa Land Cruiser niya nang siya namang pagparada ng kotse ni Bruce sa tapat ng tindahan niya.
"Hey, buddy," nakangising bati niya nang bumaba ito. "Nautusan ka na naman ba ni Molly na bumili ng pagkain ng Siamese at Persian cats niya?" tukso niya.
Isang tawa ang pinakawalan ni Bruce at tinanguan ang isang tindera. "Tatlong kilong Friskies, Linda," wika nito at pagkatapos ay humakbang patungo sa kinatatayuan niya at tinapik siya sa balikat. "Have you heard the news?"
Agad na dumilim ang mukha niya. "If it is about Lotti again, forget it, Bruce. I don't want to hear anything about her. 'Gotta go. Dadaan pa ako sa botika para ibili si Bobby ng gamot sa sipon."
Hinawakan siya nito sa braso nang akma niyang buksan ang pinto ng sasakyan niya. "It's not about Lotti, pare. Tungkol ito kay Madeline."

Someone To Watch Over Me - Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon