Chapter 13

651 17 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

KEITH went still. "What... about her?" he asked, his voice dangerously calm.
"Madeline's back in town, buddy. Dumating siya kanina sa bahay nina Molly. May tatlong oras mahigit din silang nagbalitaan."
Sa isang mahabang sandali ay nakatitig lang siya sa kaibigan na tila ito tinubuan ng sungay. His heart started to pound against his chest. Flashes of Madeline's young face came to mind.
Sinikap niyang huwag mahalata sa tinig niya ang kakaibang interes. "Naroon... pa ba si Maddy sa bahay nina Molly?"
"Molly said she left around four this afternoon. Patungo raw sa Esperanza... said something like being offered a job in a radio station there."
"Radio station? You mean the VGM Broadcasting?"
"Must be. Nag-iisa lang naman ang radio station sa Esperanza, 'di ba?"
"Is it still operational? Mukhang matagal na yatang nagsara ang istasyong iyon, ah. Paanong doon siya magtatrabaho?"
Inabot nito ang supot ng pagkain ng pusa at pagkatapos ay iniabot din sa tindera ang bayad. "Search me. But Molly believes she's back for good. Pinigilan nilang mag-ina na dumoon muna sa kanila subalit tumanggi si Madeline. Maghahanap daw ng beach cottage sa Esperanza."
"Thanks for telling me, pare." Tuloy na siyang pumasok sa loob ng sasakyan at ilang sandali pa'y nasa daan na siya patungo sa botika.
Dumating sa San Ignacio si Madeline makalipas ang limang taon. Hindi niya alam ang iisipin. Ang gagawin. In a way, makabubuting sa ibang bayan ito magtungo at manirahan.
Tumiim ang mukha niya. Madeline had left five years ago. Hindi siya nito binigyan man lang ng pagkakataong magpasya para sa kanila. Marami nang nangyari sa buhay niya. At natitiyak niyang ganoon din ito. Walang kailangang gawin at isipin kundi tuluyang ibaon sa limot ang nakaraan. And whatever Madeline's reason for coming back wasn't his business anymore.
Itinabi niya sa gilid ng daan ang sasakyan at pagkatapos ay bumaba at tinungo ang botika. Iniabot niya ang reseta ng doktor sa pharmacist.
"Nagsisimula na ang summer. Mainit na, hindi ba?" said the woman on his left.
Iniisip niyang may ibang kausap ang babae, subalit nang lingunin niya'y wala nang tao sa kabilang bahagi nito. So she must be talking to him. Keith realized the woman was not from this town. Kahit sa kabila ng maraming mga dayo ay kilala niya ang halos lahat ng tagarito, if not by names, by their faces.
Ang nakita niya'y isang babaeng marahil ay nasa pagitan ng kuwarenta at singkuwenta ang edad. She was lovely despite the age. Naka-flyaway ang buhok na bahagya pang naka-tease. Itim at makislap na eyeliner ang nasa mga mata nito. She was wearing a red lipstick. Sa iba'y baka magmukhang masagwa ang kulay ng lipstick nito. Pero bumagay iyon sa babae at marahil dahil sa kabuoang ayos nito.
She looked like a woman from the twenties. Kahit ang damit nito ay retro. Mula ulo hanggang paa ay lumang uso ang suot ng babae. Malapad ang collar ng damit at malaki ang sinturon para sa isang maliit na baywang. Her skirt flared down to the half of her legs.
It was as if she had stepped out from an old Tagalog movie he noticed his father had been watching lately. Carmen something was his father's favorite actress. Hindi siya magtataka kung may nakatagong camera sa kung saan at artista ang babae at isang eksena sa shooting ang nagaganap.
"Ako ho ba ang kinakausap ninyo?" he asked politely.
Her smile widened, and Keith had to admit the woman was really pretty in a different sort. "Oh, yes," sagot nito. "Nagsisimula na ang summer at mainit na. Kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong tumira sa isang lugar kung saan tila laging malamig."
He smiled back. Sinulyapan ang pharmacist na binigyan niya ng reseta pero may ine-entertain pa itong ibang customer. Ibinalik niya ang paningin sa babae. "Well, ang San Ignacio ay nasa mataas na bahagi kaya mas hindi gaanong mainit sa bayang ito kung ikokompara sa ibang lugar."
"I believe you. In fact, I know of such a place na talagang napakahangin at presko. There is this house on a hill. Nakatayo sa pagitan ng bayang ito at sa kasunod na bayan. May mga batong apakan papanhik sa burol." She laughed. It was a musical laugh. "There are more or less thirty stone steps. I used to go there many years ago. The house was a beauty..."
His smile vanished. Pinakatitigan niya ang babae na ang atensiyon ay nasa pharmacist na nag-assist dito. Iniabot ng pharmacist ang maliit na plastic na supot ng gamot dito at ang sukli nito.
"Thank you, dear," wika nito sa pharmacist. Then she smiled at him again. "And I thought they still sell Cortal for headaches these days. But these paracetamol tablets will do." Pagkatapos ilagay ng babae sa handbag nito ang binili ay tumalikod na ito.
Cortal?
Sinundan niya ito ng tingin. Lumingon ang babae. "Is the house still there?"
"The house?" For a while, she got him confused. "Oh, yes, ma'am. Naroroon pa ho."
Again, she smiled, waved at him and went on her way.
"Sir, heto na po ang gamot ninyo," untag ng pharmacist na sandaling nagpalingon sa kanya rito. Kinuha niya ang gamot at ang sukli niya at pagkatapos ay umalis na sa botika.
He looked around him, umaasang makita pa ang matandang babae. Subalit wala na ito. Nagtuluy-tuloy siya sa sasakyan niya at inilagay sa dashboard ang gamot na binili at iniliko ang sasakyan pauwi sa mansiyon.
HINDI matiyak ni Keith kung ano ang nagtulak sa kanya para magtungo sa bahay-Kastila. Magmula nang makausap niya ang babaeng iyon sa botika ay hindi na siya mapalagay. Tila may hindi-nakikitang tali ang sa wari ay humahatak sa kanya upang magtungo sa burol. He had played with his son and tucked him to bed. Pagkatapos ay nag-usap silang mag-ama tungkol sa binabalak na advertisement para sa food products nila.
Nang pumanhik sa silid nito ang ama ay binalak na niyang pumasok sa den upang asikasuhin ang ilang papeles na dala niya mula sa planta kanina. Sa halip ay kinuha niyang muli ang susi ng Land Cruiser at tinahak ang pamilyar na daan patungo sa burol. Isang malaking kalokohan ang magtungo roon sa ganitong oras ng gabi. Bukod sa madilim ay wala siyang inaasahang daratnan sa bahay-Kastila. It had been a year or so since he had last visited the place.
Subalit namangha siya nang masinagan ng headlights niya ang bagong gawang garahe sa may paanan ng burol. And the surprise was doubled when he saw an old pickup park in the garage. He got curious and went out of his vehicle and walked towards the garage. It was a long uphill walk. Pinatag ang lupa nang halos paayon sa bundok upang marahil ay hindi gaanong malayo ang garahe sa bahay sa burol.
Agad niyang napuna ang malalaking kahong nasa likuran ng pickup. Ang iba'y basta na lang ikinarga sa likod at kabilang sa mga gamit na hindi nakakahon ay isang bisikleta ng bata at ilang laruan.
He took the phone from his pants pocket and dialled Molly. "Molly, it's Keith... Bobby broke his fever this morning... Thank you. Anyway, may itatanong lang ako..."
"Sure. Nasabi na sa akin ni Bruce na nabanggit niya sa iyo ang pagdalaw ni Madeline sa akin kanina. Tungkol ba sa kanya?"
"Yes. May sasakyan ba siyang dala kanina?"
"A midnight blue Ford Ranger."
His heart thudded in his ears. "Thank you, Molly."
"Is that all?"
"Yeah." Pinutol niya ang koneksiyon at tinitigan ang pickup. Bakit may mga laruan ng bata roon? May pamilya na ba ito? Paanong hindi nabanggit ni Molly ang bagay na iyon?
Hindi niya matiyak kung bakit pumanhik siya sa naroroong hagdan na noon din lang niya nakita. Ni hindi niya nalamang nagpagawa ng driveway at garahe at hagdan ang hardinero.
SHE KISSED her daughter's forehead softly. Nang matiyak na tulog na ito'y dahan-dahan siyang tumayo at sinuri ang buong silid. Iyon ang pinakamalaking silid sa lahat. Must be the master bedroom. Dahil ang banyo ay nasa dulong pasilyo paglabas mismo ng silid.
Wala iyong gamit maliban sa malaki at lumang aparador, at ang four-poster bed na yari sa matandang narra at carvings ang canopy. It would definitely look lovely kung lalagyan niya ng kurtina at hangings. Sherie would certainly delight looking like as if she was in Jasmine's room in her favorite cartoon Alladin.
Subalit walang kutson ang kama. Sinapinan lamang niya ang king-size bed ng comforter. Ang una niyang gagawin bukas ng umaga'y maghanap ng kutson sa bayan at kung wala ay tutuloy siya sa Trinidad. Siguro'y ipagpapaliban niya na muna ang pagtungo sa radio station. Kailangang unahin muna niya ang pagbili ng mga kakailanganin nilang mag-ina. Like groceries for one.
Ipinagpasalamat niyang ipinagbalot sila ng nanay ni Molly ng pagkain. Adobong manok at ang natira sa minindal nila kanina, biko. Kung hindi ay malamang na bumiyahe na naman silang mag-ina patungo sa bayan para lang kumain.
Malakas ang hanging pumapasok mula sa bintana. Ang silid na iyon ay nasa likod at nakatanaw mismo sa karagatan. Hindi niya mapagkakatiwalaang manatiling buhay ang mga kandila sa kandelabra. Baka itumba iyon ng hangin at magkasunog. Dinampot niya ang kandila mula sa sahig at akmang hihipan nang makarinig ng katok sa ibaba.
Napakunot-noo siya. Strained her ears. Talagang may kumakatok. Dinampot niya ang cellphone sa ibabaw ng kama at tinitigan ang oras. Limang minuto bago ang alas-siyete ng gabi. Pagod ang dahilan kaya nakatulog kaagad si Sherie. Sino ang magiging panauhin niya sa ganitong oras? Maliban sa matandang nagbigay sa kanya ng sobre ay wala pa siyang napagsasabihang sa bahay-Kastila siya nakatuloy.
Ang hardinero.
Malamang. Naiparating marahil dito ang impor-masyong binigyan siya ng pahintulot ng isang VG Montoya III para pansamantalang manirahan doon.
Hawak ang kandelabra ay tinungo niya ang pinto. Nilingon muna niya ang nahihimbing na anak. Kahit paano'y maliwanag ang buwan at hindi gaanong madilim sa silid.
Binaybay niya ang pasilyo at nilampasan ang ilang silid. Habang patungo siya sa hagdan ay mas nagiging agresibo at lumalakas ang katok. Binilisan niya ang pagbaba sa hagdan. Nasa ibaba na siya nang matigilan. Paano kung hindi ang hardinero ang naroroon sa labas ng pinto? Paano kung may nakakitang ibang tao sa pickup nilang nakaparada sa ibaba?
"S-sino iyan?" Halos hindi lumabas ang tinig niya.
"Open up, Maddy," came the familiar deep and baritone voice. "It's me, Keith."
Napasinghap si Madeline. Kung ang pagbabasehan ay ang marahas na tibok ng puso niya ay hindi siya magtataka kung basta na lang mabibiyak ang dibdib niya.
Paanong nalaman ni Keith na naroroon siya? Sa unang gabi ng pagtuntong niya sa bayang iyon ay ito ang unang bisita niya. Oh, god.
"Maddy, please..."
Humakbang siya patungo sa mesang parihaba at ipinatong doon ang kandelabrang tanso. Pagkatapos ay tinungo niya ang pinto at inalis ang mga trangka niyon. Keith must have memorized all the locks because he abruptly turned the knob the moment she had unlocked the third barrel bolt.
Napaatras si Madeline nang itulak nito pabukas ang isang panel. And there he was, big as life. The man she loved. She used to love. Bahagyang bumuway ang hawak niyang kandelabra. Sa wari ay bumigat iyon. Nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Her knees threatened to buckle. Kinakabahan siyang baka mamaya'y mapilitan siyang humawak dito upang kumuha ng lakas.
She heard Keith take sharp breaths through his mouth as he muttered her name.
Sa mahabang sandali'y walang sino man ang nais magsalitang una. Pareho silang nakatitig sa isa't isa. Nanunukat ang bawat tingin. Keith's eyes, black as midnight, as she remembered them, were piercing through hers.
Keith Montecillo was five years older. Kahit anong bakas ng kabataan ay hindi na niya maaninag sa anyo nito. Gone the stud earring he had sported to spite his father. Wala na rin ang dating mahaba at shaggy nitong buhok. Ang humalili'y maikling gupit.
Nakasuot ito ng light blue Lacoste sports shirt at nakapaloob sa kupasing maong. Ang malapad na mga balikat at matipunong dibdib ay pumuno sa kasuutan nito. Ang dibdib nito na sa maraming pagkakataon ay inihihilig niya ang kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin.
She cleared her throat. "Alas...alas-siyete pasado na ng gabi, Keith..."
"What happened to the 'hello' and 'how are you,' Madeline?" Humakbang ito papasok kahit walang imbitasyon mula sa kanya at banayad na isinara ang pinto.
"Kanino mo nalaman?" she asked, struggling for composure.
"Does it matter? This is a small town. Magkakila-kilala ang lahat. Natitiyak kong marami sa mga nakakakilala sa iyo'y nakita ang pagdating mo."
Wala sa loob siyang tumango. She knew that. Walang magdadaan sa arko ng San Ignacio na makaliligtas sa paningin ng mga tao sa barberya ni Tandang Rufino. "Hindi ko inaasahang pupunta ka rito, Keith, pagkatapos ng... ng..."
"Limang taon, dalawang buwan at tatlong araw."
Awtomatikong muli siyang tumango. "B-binibilang mo ba ang mga araw?"
"Noong una'y binilang ko ang mga araw, Maddy. Kahit ang mga sandali," wika nito, ang mga mata'y hindi humihiwalay sa mukha niya.
She avoided his eyes. Humakbang siya patungo sa parihabang mesa at nang mailapag doon ang kandelabra ay saka pa lang niya naramdamang nangawit ang braso niya sa pagkakahawak doon nang mahigpit.
"Kumusta ka na, Madeline?"
Napakapit siya sa gilid ng mesa at marahang lumingon. "M-mabuti. Ikaw?"
"Mabuti rin, tulad mo." His eyes moved down to her hand, sa palasingsingan kung saan suot pa rin niya ang singsing na ibinigay nito. "Gusto kong itanong kung may-asawa ka na dahil sa mga laruan ng bata sa sasakyan mo. Pero nakikikita kong suot mo pa rin ang singsing na iyan. At wala kang wedding ring."
She raised her hand and wished she had removed the ring. Subalit sanay na siyang naroroon iyon. Sa nakalipas na limang taon ay hindi man lang nahubad iyon sa daliri niya. Isa pa'y hindi niya inaasahang magkikita sila ni Keith sa unang gabi niya sa San Ignacio, at sa mismong bahay na iyon.
"H-hindi kami umabot sa puntong kailangan naming magpakasal. Pero may... may anak kami... ako." She swallowed, hoping the lie was delivered smoothly.

Someone To Watch Over Me - Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon