Chapter 20

915 14 0
                                    

CHAPTER TWENTY

DANTE died that night. Si Lotti ay dinala nila sa rehabilitation center. Subalit hindi lang iyon ang naging problema nito. Napakalaki ng pinsalang idinulot ng drugs dito. Unti-unti itong nawawala sa katinuan. Tiniyak nina Keith at Madeline na maibibigay kay Lotti ang lahat ng kinakailangang pangangalaga rito mula sa ospital.
Two weeks later ay dumating sa Pilipinas si Victor Generoso Montoya, III. A handsome man in his late fifties with salt and pepper hair and mustache. Ipinagbili nito kay Keith at Madeline ang buong propiedad nito kasama na ang VGM Broadcasting.
Ang matandang negosyante ay hindi halos nagbigay ng halaga sa dalawampung ektaryang lupain at bahay sa pagtataka nina Keith at Madeline.
"Ituring ninyong regalo ko sa inyong nalalapit na kasal," wika nito. Pagkatapos ay binalingan si Madeline. Masuyong ngumiti. "Madeline Ocampo... Hmm. You look like someone I dearly loved. Ano ang buong pangalan mo, hija?"
"Madeline Velasquez Ocampo."
He was stunned for a moment. May ilang sandaling nakatitig sa mukha niya. Then a smile curved his lips. Pagkatapos ay tumayo na ito, dinampot ang Stetson hat sa ibabaw ng mesa at ang baston. Pagkatapos ay nilinga ang buong kabahayan. He sighed. Then smiled.
"I was born and raised in this house," he said poignantly. "But my father migrated in the States when I was a boy. Nagkanegosyo si Papa roon at lumago nang lumago. I came back once and would have loved to stay here with my family. But my beautiful French-Canadian wife and my two sons swore this house is haunted. Wala pang tatlong araw mula nang dumating kami'y agad nang nagyaya pa-Maynila ang pamilya ko, as if the very devil himself were after them." He gave a bark of laughter.
"The house has that impression, sir," ani Keith, sinulyapan si Madeline.
"Pero hindi kayo naniniwalang dalawa." It was half-question, half-statement. Then again, he laughed. "You'll never know... you'll never know." Pagkatapos ay masuyong nilapitan si Madeline at hinagkan sa noo. "Pagbutihin mo ang pamamahala sa VGM Broadcasting, Madeline. It is my grandmother's pet."
"I'll do my best, sir. I have actually met Mrs. Lilac Montoya. She was the one who hired me."
Natigilan si Mr. Montoya. "Lilac Montoya?"
"Yes, sir. Gene must be your brother, her husband."
He must have turned pale, but Madeline and Keith couldn't be sure. Agad itong tumalikod at lumakad patungo sa bintana at tinanaw ang labas. "The... the employees at the station had met her, too?"
Tumango si Madeline kahit na hindi nito nakikita. "Sa nakalipas na limang taon, ang sabi nila ay dumarating at umaalis si ma'am kung kailan nito naisipan." Madeline thought she saw the old man stiffen.
Nagkatinginan silang dalawa ni Keith.
Then Mr. Victor Generoso Montoya, gave a bark of laughter that echoed the living room. "You little old devil..." he murmured.
Nakangiti pa rin ito nang bumaling sa kanila. Pagkatapos ay sumeryoso. Tinitigan sila nang husto na tila ba may sungay na unti-unting lumabas mula sa noo nila ni Keith.
"'Gotta go, folks. My flight's tomorrow afternoon. It's a long trip back to Manila." Isa-isa sila nitong kinamayan, mahigpit. "Binabati ko kayong dalawa. Naniniwala akong kayo ang karapat-dapat na magmamay-ari ng bahay na ito. This has been in the market for many years. Nakapagtatakang ngayon lang may nagpahiwatig na nais itong bilhin. Now, I know why."
"Ano ho ang ibig ninyong sabihin, sir?" It was Keith.
The old man's eyes twinkled. "Oh, may mga bagay na nangyayari sa takdang panahon." He turned and strode towards the door.
Sinundan nila ito sa labas. Sinulyapan nito ang bagong gawang hagdanang bato. "Hindi ko matiyak kung bakit parang itinutulak akong ipagawa ang garahe at hagdanang iyan," wika nito. "So I contacted a certain Nestor at the station to oversee the construction..." His voice trailed off as if he wanted to say more but thought out of it.
Pinili nitong gamitin ang lumang stone steps sa pagbaba nito. Enjoying and reminiscing each descent. Sa ibaba'y naroon ang rental car nito at ang driver.
Nakakasampung bato na ito nang tawagin ni Madeline. Lumingon ito at tumingala.
"Anything else, hija?"
"Si Mang Generoso po, iyong hardinero at nagmamantini nitong bahay, kailan ho siya pupunta rito? Saan ko po siya makikita? We want him to share the happiest day of our life. Malaking bahagi ang ginampanan niya sa amin ni Keith." Masuyong tiningnan niya si Keith na tumango. "Gusto ko sanang siya ang maghatid sa akin sa kasal ko."
"Generoso, ba 'kamo, hija?" tanong nito.
Tumango siya. "Siya ho ang komontak sa inyo na gusto naming bilhin itong villa, hindi ba? Si Mang Generoso rin po ang responsable sa nakikita ninyong kagandahan ng paligid at ang pagkakamantini sa villa." She grinned. "Kung hindi po kayo magagalit, sir, medyo may kahawig siya sa inyo. Halos kasintaas ninyo."
Nakita ni Madeline na muli'y tila nawalan ng kulay ang mukha nito at bahagyang nanginig ang pagkaka-hawak nito sa barandilyang bato. Tumingala ito sa villa. There was a poignant sadness on his face.
"I don't know what to say..." he croaked. "Maybe... maybe he'll see you both in his own good times, Madeline." Ipinagpatuloy nito ang pagbaba, mas mabagal sa pagkakataong iyon at may ilang beses itong muling tumingala sa villa.
He waved them good-bye and went inside his car. Ilang sandali pa'y alikabok na lang ang natatanaw nila. Madeline looked around her with so much happiness in her heart. Kay payapa ng paligid. Kay lamig ng hangin. Pag-aari na nila ang bahay na pinangarap nila noon pa man. Bahay na may malaking bahagi sa buhay at pag-ibig nila ni Keith.
She turned to him, smiling radiantly. "Hindi ba natin susunduin ang mga bata?" tanong niya.
"When I can have you by myself the whole night? You've got to be kidding, sweetheart." Ibinaba nito ang isang kamay sa likuran niya at binuhat siya papasok sa loob habang tumitili siya.
Inilapag siya nito sa sofa. He stared into her eyes lovingly. "Oh, god, how I love you."
Pinaglandas niya ang daliri sa mukha ni Keith. "I love you so, Keith. Lalo na nang malaman kong hindi mo anak si Bobby, pero mahal mo ang bata."
"Nang makita ko siya sa nursery ay may kung anong humaplos sa dibdib ko, Maddy. Noong una'y awa dahil ni hindi siya gustong silipin ni Lotti. Subalit habang tumatagal ay napapamahal na sa akin ang bata."
"Alam ba ng papa mo na hindi mo anak si Bobby?"
"I told him."
"At tulad mo, hindi naging hadlang kay Mr. Montecillo ang katotohanang iyon na hindi mahalin ang bata. How do you know Bobby isn't your son. Magkasintahan pa rin naman kayo ni Lotti kung tutuusin noong mga panahong iyon."
"Wala pa rin akong balak na pakasalan siya kahit anak ko pa ang dinadala niya. Ang plano ko'y bayaran siya sa halagang itatakda niya kapalit ng legal na pag-iwan sa akin sa bata. Or nothing at all. It was a gamble. But knowing Lotti, alam kong papayag siya. Lingid sa kaalaman niya ay nagbilin na ako sa doktor na pakuhanan ng DNA ang bata. Ipinadala iyon ng doktor sa isang ospital sa Maynila na gumagawa ng DNA tests. It didn't match mine."
"Si Dante ba ang ama ng bata?"
Huminga nang malalim si Keith. "Naniniwala akong hindi. Maputi at mestizo si Dante at may lahing Hapon. Bobby's dark. Hindi ako magtataka kung isa sa mga barkada ko rin ang ama niya. Alam kong ilan sa kanila'y nadadala sa kama si Lotti noong mga panahong iyon. Hindi ko na balak pang alamin kung sino sa kanila."
"At galit na galit ka dahil pinatulan niya si Dante!"
"It was more on pride. Dante of all people. Well, I don't want to speak ill of the dead." Tinitigan siya nito. "You should have trusted me, sweetheart. Pero hindi kita sinisisi. Bata ka pa at gulo ang isip. Nanghihinayang lang ako sa nawalang panahon."
She closed her eyes tightly, burrowed her face in his chest. "Maybe that would make you love me more in each passing day, my love. Para punan ang nawalang limang taon." She raised her head and smiled at him. "Would you tell Bobby the truth?"
"In time, maybe. He deserves to know. Kailangang maipadama natin sa kanya ang ating pagmamahal. That his parentage doesn't matter."
"I agree with you. Hindi ko gustong malaman niya ang katotohanan sa ibang tao pagdating ng panahon na siyang magiging dahilan para magalit siya sa atin. And Sherie would still love him as her big brother. Ganoon din ang magiging mga anak pa natin. There would be no secrets between us, Keith," she whispered in his ear, kissing his lobe at the same time. "Only trust." Then Madeline pushed her tongue against his mouth, tasting him.
"Hey, easy..." Keith said, chuckling at the same time.
"Don't give me those sweet kisses, Keith," she murmured against his throat, biting and sucking at the same time. "Let's make love wildly."
He growled then gave Madeline what she demanded.

Someone To Watch Over Me - Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon