Kabanata 21

24 11 0
                                    

"Bully"

Bumaba naman ako ng hagdan para mag-almusal at kumain na. Naalala ko nga palang malapit na ang finals sa basketball kaya kailangan kong suportahan ang team ni Tristan.

Umupo naman ako sa upuan at kumuha ng pagkain. "Good morning mama," bati ko.

Kumuha ako ng tuyo at sinagag pati na rin ang kape mabilis kong inubos ang pagkain. Nagpaalam naman ako kila lola at mama na aalis na ako paglabas ko ng gate nakita ko roon si Tristan na nag-aabang.

"Sabay na tayong pumasok, I can't be with you this fast few days because I'm busy," he explained.

"Ayos lang," sabi ko.

Umangkas ako sa motor niya saka nag suot ng helmet mabilis kaming nakarating sa school.

"Una na 'ko ah? may kailangan pa kasi akong puntahan," paalam ko.

Tumango ito saka ako kumaway sa kanya at naglakad paalis. Nasa corridor na ako ng school nasa tapat na ako ng elevator habang inaantay na magbukas iyon nagulat nalang ako ng biglang dumilim ang paligid may telang itim na bumalot sa ulo ko.

Narinig ko naman ang tawanan ng mga babae at hinawakan nila ako, "Teka anong gagawin niyo sakin?" tanong ko.

"We will take you to the paradise!" sabay sabay nilang sabi sabay nagtawanan hinila naman nila ako sa kung saan.

Marahas nila akong binitawan kaya natumba ako narinig ko ang pagsara ng pinto bigla naman akong kinabahan dahil doon. Alam kong may hindi magandang mangyayari sakin.

Nagpumiglas naman ako noong hinila ako patayo at pinaupo sa upuan tinali naman nila ako. "Anong gagawin niyo sakin? pakawalan niyo ko!" sigaw ko.

Inalis nila ang nakasaklob sa ulo ko nakita ko naman sa buong paligid ang mga camera na nakatutok samin.

Nakita ko si Jade kasama ang dalawa pang babae lahat sila may nakakalokong ngiti sa'kin.

"Surprise! do you like our surprise?" tanong nila.

"Just say hi to the camera sikat na sikat ka na Athena!" sabi ni Jade.

"Ano bang problema nyo sa'kin?" tanong ko pilit akong kumakawala sa pagkakatali sakin.

"Poor you. . .kawawa ka naman well gusto mo namang sumikat 'di ba?" tanong ng isang babae.

Seryosong tumingin sakin si Jade habang naka halukipkip ang mga kamay sa dibdib naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin.

"You messed up with me and you messed with Travis so you deserve it, you wanted to be famous so I gave it to you just say hi to the camera," she smirked hinawakan niya namang mahigpit ang panga ko.

"We're live now lahat ng estudyante sa buong university nakatutok satin," mariin niyang sabi.

"And I'll help you to be famous," sabi niya pa seninyasan niya naman ang isang babae may kinuha ito at inabot kay Jade.

"As you can see it's a trashcan, because a trash like you belongs to the trash."

I gritted my teeth out of anger, ano bang ginawa kong mali para mangyari 'to sakin?

"Walangya ka! Jade wala akong ginawang masama sayo!" sigaw ko.

"Wala? are you sure?" tinaasan niya lang ako ng kilay. Binuksan niya ang takip ng trashcan saka binuhos ang laman no'n sa ulo ko.

"Ang baho!" reklamo ng dalawa.

Mas tinutok pa nila sa mukha ko ang camera kaya napapikit ako at iniwas ang mukha ko. "Look at this guys ang baho na niya-no! mas bumaho pa siya ngayon!" tumawa siya.

(Time series #1) Past and Future Where stories live. Discover now