CHAPTER 1

140 10 0
                                    

MALIAH AYACINTH DELA TORRE ( MAYA ) POV;

"Oh nak, naka uwi kana pala. Kamusta paghahanap mo ng trabaho?" bungad na tanong ni mama nang maka rating ako sa bahay.


Napa buntong hininga naman ako at malungkot na ngumiti rito bago sumagot.


"Ayon ma, wala pa rin. Tatawagan lang raw nila ako, na alam ko namang di mangyayari."


"'Nak, huwag kang manghinaan ng loob. Makaka hanap ka rin niyan, tiwala lang." saad ni mama kaya napa ngiti naman ako.


"Salamat ma!" wika ko at niyakap ito.


Sobrang saya ko kasi meron akong napaka supportive na mama at napaka positibo pa. Ewan ko lang kong bakit nagawa pa siyang iniwan ni papa eh napaka bait naman ni mama at mapag mahal.


Napawi ang pagod ko dahil sa yakap at sinabi ni mama kaya sobrang saya ko kasi siya ang naging mama ko.


"Naka uwi kana pala ate, may trabaho na po ba kayo?"


Napa tingin naman ako sa kapatid kong lalaki na kaka pasok lang ng bahay at tumakbong nag tungo ito sa gawi ko.


Bumuntong hininga muna ako bago ito sagotin. "Wala pa rin bunso, pero huwag kang mag alala makaka hanap rin si ate." naka ngiting usal ko rito at ginulo ang buhok nito.


"Oh by the way, saan ka pala galing at bakit ngayon ka lang naka uwi? Gabi na ah!" pagalit na turan ko rito.


"Nag laro kasi kami nina Baste ng basketball ate kaya diko namalayan ang oras. Sorry po!" turan nito at yumuko.


"Ganon ba? Sa susunod huwag ka nang mag papagabi ah, delikado sa daan." nag aalalang saad ko rito at tumango naman ito kaya napa ngiti ako.


"Maya, Marko hali na kayo at tayo'y mag hahapunan na!" rinig kong sigaw ni mama sa kusina kaya tumayo naman ako at inaya ang kapatid ko.


"Andiyan na ma!" sigaw ko rin pabalik at nag lakad na patungo sa kusina.


Nang maka rating ako doon ay nakita ko si mama na nag hahain ng hapunan namin kaya tinulungan ko naman ito.


"Kain na tayo," saad ni mama kaya nag si upo naman kami at nag dasal muna bago kumain.


Nag umpisa na akong mag sandok ng pagkain ko pero napatigil ako nang marinig kong nag salita ang kapatid ko.


"Ma, sardinas pa rin ba ulam natin? Kahapon sardinas rin eh! Gusto ko namang umulam ng fried chicken." saad ng kapatid ko at sumimangot.


"Pasensya na 'nak ganiyan lang muna kaya ni mama eh." malungkot na saad ni mama.


Napa buntong hininga naman ako at tinignan ang kapatid ko.


"Marko, kainin mo nalang kong anong naka handa sa harap mo okay? Huwag ka nang mag maktol pa, 'yong iba ngang kabataan sa lansangan walang makain eh. Maswerte ka kasi may sardinas kapang ulam, saka tiisin mo muna ang ganito kasi kapag naka hanap na ng trabaho si ate hindi na sardinas ang ulam natin. Ayos ba 'yon?" mahinahong saad ko sa kapatid ko.


"Opo ate," saad nito at nag unpisa nang kumain kaya nag patuloy na rin akong kumain.


Nang natapos naming kumain ay ako na ang nag prisenta kay mama na mag hugas ng pinag kainan namin.


THE BILLIONAIRE CEO PRETENDS TO BE A BEGGAR TO FIND A WIFE Where stories live. Discover now