CHAPTER 7

99 4 0
                                    

Maya Pov;

Kina-umagahan ay nagising nalang ako na ako nalang mag isa dito sa loob ng silid ni sir Klay.

Agad naman akong bumangon at inayos ang higaan saka pumasok sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Nang matapos ako ay agad naman akong lumabas sa kwarto at bumaba na.

Nang maka baba ako ay dumiretso agad ako sa kitchen at doon ko nakita si manang Lucy na nag p-prepare ng breakfast.

"Good morning manang!" naka ngiting bati ko rito.

"Good morning rin iha." bati nito pabalik.

"Ahh manang? Asan pala si si— I mean si Klay po?" tanong ko.

Muntik na ako roon ah, siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na huwag itong tawaging sir Klay.

"Si Klay ba iha? Maagang pumasok kasi may importanteng meeting siya na a-attendan." saad ni manang.

"Ah ganon po ba. Nakapag breakfast ba siya bago umalis?" I asked manang Lucy.

"Hindi iha eh, nag mamadali kasi talaga siya kanina." malungkot na sagot nito kaya ngumiti naman ako ng rito.

"Hahatiran ko nalang po siya ng lunch manang, huwag na po kayong malungkot." naka ngiting saad ko rito.

Parang lumiwanag naman ang mga mata nito at masaya akong tinignan. "Talaga iha?" masayang tanong nito.

"Opo." I answered politely.

"Nako ang sweet mo talaga iha, ang swerte ng alaga ko sayo." kinikilig na saad ni manang kaya ngumiti naman ako ng peke dahil sa sinabi nito.

"Ehe, wala po iyon manang." pilit ngiting saad ko.

"Oh siya kumain kana dahil bilin sakin ni Klay na huwag kang gutumin." natatawang saad nito kaya natawa rin ako.

Agad namang umalis si manang Lucy dahil may gagawin pa raw ito kaya ako naman ay nag umpisa nang kumain dahil kumukulo na ang a
sikmura ko.

Fried rice, scrambled egg, nuggets, ham, and steak ang breakfast ko at may kasama pang vegetable salad  and milk.

Grabe sa gatas ah, para naman akong bata nito jusko.

Umiling-iling naman ako at nagpatuloy na sa pag kain.

Ilang minuto pa ay niligpit ko naman agad ang pinag kainan ko at hinugasan ito.

Matapos ko sa paghuhugas ay pumunta ako nang sala para sana maglinis pero mukhang nilinis na ito ni manang kaya nag libot-libot naman ako at dinala ako ng mga paa ko sa garden.

Napa awang naman ang labi ko dahil sobrang ganda pala ng garden rito, maraming bulaklak na magaganda.

Agad naman akong naglakad at nilibot ang tingin. Namamangha ako sa ganda ng lugar na ito, parang isang paraiso at ang tahimik.

Tinaas ko naman ang dalawang kamay ko at tumingin sa kalangitan saka ngumiti nang malaki. Ito ang gusto ko, maganda ang lugar at tahimik lang.

Nag umpisa akong mag "hmm" na para bang kumakanta saka pinikit ang mga mata at nag umpisang sumayaw.

Naka ngiting naka pikit akong sumasayaw sa magandang lugar na ito at dinama ang malamig na simoy nang hangin.

"Sana, ganito nalang palagi." bulong ko sa sarili habang naka pikit pa rin.

"Ahemm!" napa tigil naman ako sa pagsasayaw dahil may narinig akong tumikhim.

Agad ko namang minulat ang aking mga mata at bumungad sa'kin ang mukha ni sir Klay na seryosong naka tingin sakin habang prenteng naka tayo at nasa bulsa nito ang dalawang kamay.

"S-Sir?" kinakabahang usal ko.

"What are you doing here Maya?" he seriously asked kaya agad naman akong kinabahan.

Hindi pala ako prensesa rito, huhu bakit kasi nadala ako sa ganda nang garden na ito?

"Ahmm a-ano sir, ahhh naglalakad lang sana ako kaso na pad-pad ako rito pasensya na." naka yukong paliwanag ko at nilagay ang kamay sa likuran.

Hindi naman ito sumagot kaya nag angat ako ng tingin.

"B-Bakit po pala kayo nandito sir? A-akala ko po pumasok kayo ng maaga?" kinakabahang tanong ko at ingat na ingat sa pag sasalita takot na magkamali.

"Manang Lucy called me that she can't find you. Iniwan ka niya sa kusina pero pag balik niya wala kana. You're not even in our room and inside the mansion and she's scared that you lost that's why she called me so I'm here in front of you. Bakit hindi ka nag paalam kay manang? She's so worried sick for you Maya so I am. Did you know that I'm in a meeting when manang Lucy called me telling me she can't find you? Nasira ang importanteng meeting ko dahil sayo, tapos nandito ka lang pala?" matigas at malamig na saad nito habang mariin akong tinignan. Umigting rin ang panga nito na tila galit na.

Napa yuko naman ako at pinigilan na huwag tumulo ang luha ko.

"P-Pasensya na po sir, hindi na po mauulit." mahinang paumanhin ko naka yuko pa rin.

"Tsk. Next time mag paalam ka kung saan ka pupunta, nakaka abala ka ng tao alam mo ba 'yun?" matigas na tagalog na saad nito.

Agad naman akong tumango at paulit-ulit na humingi nang paumanhin. Agad naman itong naglakad palayo at iniwan akong mag isa sa garden.

Napa takip naman ako sa bibig ko at napa upo sa bermuda grass dahil sa panghihina. Unti-unting tumulo ang butil ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman.

Inaamin kung kasalanan ko na nag alala si manang pati na rin siya at inabala ko pa sila pero hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa tinuran nito kanina.

Nakaka abala na pala ako ng tao. Ang sama ko na ba kapag ganon? Hindi ko naman sinasadya eh.

Iyak lang ako ng iyak sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba pero nasasaktan ako sa mga sinabi nito kanina. Ano ba itong pinasok mo Maya?

"Oh iha nandito ka nga talaga," rinig kung saad ni manang at rinig ko ang sapatos nito na naglakad palapit sa gawi ko.. "Oh, bakit ka umiiyak iha? Nagalit ba si Klay sayo?" nag aalalang tanong nito.

"Manang, I'm sorry po kung inabala ko kayo. Hindi ko po sinasadya, pasensya na po manang hindi na po mauulit." mahinang saad ko kay manang at tinignan ito.

May luha pa rin ang mga mata ko pero wala akong paki alam.

"Shhh, tahan na iha. Ayos lang hmm? Huwag ka ng umiyak, lilipas rin ang galit ni Klay. Mahal ka non eh." pag aalo ni manang kaya niyakap ko naman ito at mas lalong umiyak.

"Shhhhh, tahan na." mahinang saad ni mamang at sinuklay ang mahabang buhok ko.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko at kumalas sa yakap.

"Pasensya na po manang kung umiyak ako, ang babaw ko talaga HAHAHA." mahinang saad ko at tumawa ng peke.

"Hindi mababaw ang pag iyak iha lalo na kapag nasasaktan ka. Feelings are valid and no one should invalidate what people feel, kaya ayos lang na umiyak naiintindihan ko." naka ngiting saad ni manang kaya napa ngiti na rin ako.

"Okay ka na ba? Pasok na tayo sa loob?" tanong nito kaya tumayo naman ako at pinag-pagan ang sarili.

"Ando'n pa rin ba siya manang?" nahihiyang tanong ko at yumuko.

Narinig ko naman itong tumawa at hinawakan ako sa kamay. "Mukhang nagtatampo ka ah, huwag kang mag alala umalis rin kaagad si Klay kanina." saad nito kaya napa hinga naman ako nang maluwag.

Nag umpisa na kaming mag lakad papasok sa loob at nang makarating sa loob ay totoo nga ang sinabi ni manang na wala na ito kaya napa hinga naman ako ng maluwag.

THE BILLIONAIRE CEO PRETENDS TO BE A BEGGAR TO FIND A WIFE Where stories live. Discover now