CHAPTER 3

121 8 0
                                    

Maya Pov;

"I will direct to the point Miss, Dela Torre. I want you to be my wife." wika nito sa malamig na boses habang ang tingin ay nasa akin pa rin.

Laglag panga at gulat naman akong napa tingin rito. Wtf? Akala ko ba trabaho ang io-offer niya sakin bakit asawa?

"S-Seryoso po kayo sir? Hindi magandang biro po 'yan." naiilang na turan ko nang maka bawi ako sa gulat.

Kinakabahan ako sa uri ng tingin nito, mga tingin na para bang kinikilatis ang buong pagkatao ko. His stare sent shivers down my spine and my heart is beating fast too. This is my first feeling this kind of feeling at sakaniya ko lang nararamdaman ito, and I don't like this feeling.

"Do I look like I'm joking Miss, Dela Torre?" he seriously mutter.

Napa lunok naman ako at napa iwas ng tingin dahil sa titig nito. Hindi ko kaya ang mga titig niya, nanghihina ang mga tunod ko hayeop nakaka intimidating ang lalaking 'to ah.

"B-Bakit po gusto niyo akong maging wife? Akala ko ba trabaho ang ibibigay mo sa'kin?"

Kinakabahan man ay pinigilan ko ang sariling huwag umutal sa harap nito.

"That's the point Miss, Dela Torre. I called you here to offer you a job." tila naiinis na ito sa rami ng tanong ko pero pinipigilan niya lang ito.

"Ah, so trabaho po ang inoffer niyo sakin na magiging asawa mo?" taas kilay na tanong ko.

Isinawalang bahala ko ang kabang nararamdaman at pilit na tapangan ang boses ko. Hindi dapat ako kabahan sa lalaking ito, no! never!

"Yes, don't worry I will pay you 100k every month just pretend as my wife that's it." wika nito kaya laglag panga ko naman itong tinignan.

Seryoso ba siya? 100k a month? Ay sabagay mayaman naman siya pero bakit ako pa e marami namang ibang babae rito.

"Bakit po ako? I mean, sa dami ng babaeng nagkakagusto sayo bakit ako? Why me?" tanong ko, ay taray english 'yun ah.

"Do you still remember the beggar you helped days ago?" he asked out of nowhere

Napa kunot naman ako ng noo at tinitigan ito. Ano namang paki ni kuyang pulubi rito?

"Oh bakit po nasali si kuyang pulubi rito?" taas kilay na tanong ko.

"Because I am the beggar you helped that time? "patanong na wika nito pero malamig pa rin ang boses.

"WHAT?!?!" gulat na sigaw ko pero napa takip naman agad ako sa bunganga ko nang samaan ako nito ng tingin.

Shuta! Ibig sabihin nag panggap lang siya na pulubi? Omyghadd! Ang pulubing tinulungan ko ay mas mayaman pa pala sakin? Pero bakit siya nag panggap na pulubi?

"Totoo ba yan sir? Kung totoo man yan bakit po kayo nag panggap na pulubi e mayaman ka naman pala." naguguluhang tanong ko.

"Stop asking the obvious Miss, Dela Torre." naiiritang saad nito at malamig pa rin ang boses.

"Ha, obvious ano sir?" lutang na tanong ko.

Jusko! Bakit ako nalutang ngayon? Gusto ko nalang magpa lamon sa lupa huhuhu.

"Tsk! I will explain everything to you Miss, Dela Torre so listen carefully because I don't repeat what I said and please don't be stupid." seryoso at malamig na saad nito kaya kinakabahanan man ay tumango ako.

"First, I pretend as a beggar to find a wife. Why? Because my parents wants me to be arranged marriage by someone I don't love. Second, why you? Because you're the only one who helped me there when I pretend as a beggar. Third, why I pretend as a beggar to find a woman instead of picking those woman who keep chasing me? Because I don't like them. And lastly, why I choose you? Its because I know that you're a good woman that can help me with this. This is my first time asking someone a favor so please Miss, Dela Torre I badly need your help." mahabang paliwanag nito.

Napa awang naman ang bibig ko dahil ang gwapo niya habang nagsasalita. Shyt, ampogiiii ni kuya.

"Are you listening Miss, Dela Torre?" malamig na tanong nito kaya nabalik naman ako sa ulirat.

Napa lunok naman ako at nahihiyang ngumiti bago sumagot. "Ah, yes po sir nakikinig po ako." ilang na wika ko.

"Good, so are you willing to help me? I will pay you, don't worry about it. Just pretend as my wife, If you agreed I will settle everything. I only have two days left Miss, Dela Torre so please help me." kahit malamig ang boses nito ay nahihimigan ko ang pagmamakaawa nito.

Napa buntong hininga naman ako at nag isip saglit. Tutulungan ko ba siya o hindi ko tatanggapin ang offer niya? Ang hirap naman nito shukingina.

"Pwede ko po bang pag isipan muna? Kahit isang araw lang po, naguguluhan pa kasi ako. Ang hirap po ng gusto ninyo." nakayoko at nahihiyang paliwanag ko rito.

I heard him sighed and cleared his throat..."Okay I will let you think, but please I really really need your help."

"Okay po, salamat. Babalik ako rito bukas kapag buo na po ang isip ko. Aalis na po ako." naka yukong turan ko at dali daling lumabas sa silid nito.

Shit! Ano ba itong pinasok mo Maya?

Lutang man ang isip ko ay nakarating pa rin ako nang safe sa bahay. Nang maka pasok ako ay naabutan ko si mama na nag lilinis sa sala. Agad ko naman itong nilapitan at binati.

"Magandang hapon Ma, naka uwi na po ako." saad ko at nag mano rito bago umupo sa kahoy na bangko namin.

"Oh 'nak naka uwi kana pala. Kamusta, tanggap ka ba?" tanong ni mama habang nag lilinis pa rin.

"Oo Ma, tanggap po ako." pekeng ngiting saad ko.

Never pa akong nagsinungaling kay mama at ngayon lang. Ewan ko ba, pwede ko namang sabihin sakaniya pero may nag uudyok sakin na huwag kung sabihin ang nangyare kanina.

I'm sorry Mama.

"Mabuti naman anak at tanggap ka, so kailan ka mag uumpisa?" tanong nito at tinignan ako.

Ngumiti naman ako nang peke saka sinagot ito. "Bukas na Ma." simpleng sagot ko.

"Oh bakit parang hindi ka masaya 'nak? Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni mama.

"Masaya ako Ma, pagod lang po ako siguro. Huwag po kayong mag alala ayos lang ho ako." saad ko at ngumiti ng hilaw.

Hindi ako okay Ma. Gusto ko iyong sabihin sakaniya pero may pumipigil sakin. Sorry Ma, kasi nagsinungaling ako sayo sa unang pagkakataon.

"Ganon ba 'nak? Oh siya, magpahinga ka muna at ako na ang bahala rito." nag aalalang saad ni mama kaya tumango naman ako at tumayo na at nag tungo sa kwarto ko.

Nang marating ko ang kwarto ko ay mabilis naman akong sumalampak sa maliit na kama ko at napa tingin sa kisame ko.

Tutulungan ko ba siya? Tatanggapin ko ba ang offer niya? Pero nag aalala ako, paano kung malaman ng magulang niya na nagpapanggap lang pala kami? Paano na ako?

Ayaw kung nagsinungaling ako sa lahat. Hindi ko kaya! Buong buhay ko hindi ako nagsinungaling sa mga tao lalo na sa mama ko.

Wala pa nga pero na g-guilty na ako sa magiging desisyon ko. Maraming what ifs at tanong sa utak ko pero wala akong maisagot.











THE BILLIONAIRE CEO PRETENDS TO BE A BEGGAR TO FIND A WIFE Where stories live. Discover now