CHAPTER 9

126 3 0
                                    

Maya Pov;

Nang maka rating ako sa kusina ay naubtan ko si manang na tinitigan akong nanunukso.

"Natagalan ka ata iha, ano magka ayos na ba kayo? Magiging lola na ba ako?" nanunuksong tanong nito kaya pinamulahan naman ako ng pisngi.

"Manang! lola ka diyan." naiilang na saad ko rito at dinala sa lababo ang dala at hinugasan ito.

"Ayiiieee ikaw iha ah, bakit ka natagalan?" nanunuksong tanong nito.

Sinamaan ko naman ito nang tingin pero tinawanan lang ako nito.

"Nag usap lang kami manang." pang mamaktol ko rito.

"Nag usap lang ba?" tanong nito at nanunukso pa rin.

"Ang dirty nang mind mo manang! Nag usap lang nga!" sagot ko rito.

"Okay, sabi mo eh. Masyado kang defensive iha napag hahalataan ka eh." natatawang saad nito pero hinayaan ko nalang.

Matapos kung mag hugas ng plato ay agad rin naman  akong nag punas at pumunta sa sala.

Napa tingin naman ako sa orasan sa selpon ko at alas kwatro na pala ng hapon. Ang bilis naman nang oras.

Agad naman akong umakyat sa kwarto namin ni Klay para mag pahinga saglit.

Nang maka rating ako sa harap ng pinto ay agad ko naman itong binuksan at pumasok sa loob.

Napa tingin ako sa cr nang may marinig akong ragasa ng tubig. Tapos na ata ang ginagawa nitong trabaho at naligo na.

Agad naman akong lumapit sa closet at kumuha nang  damit pantulog saka umupo sa kama at hinintay itong matapos.

Ilang minuto pa ay napa tingin ako sa pinto ng cr at nakitang lumabas ito doon habang nagpupunas nang bubok. Naka damit ito ng plain brown t-shirt at saka pajama na itim.

"You're here, are you going to use the cr?" tanong nito nang dumako ang tingin nito sa gawi ko.

"Hmm." tanging sagot ko lang at kinuha ang damit saka pumasok na sa loob ng banyo.

Agad naman akong naligo at ginawa ang routine. Ilang minuto pa ay agad rin akong natapos kaya nag bihis na ako ng pajama at pinarisan ito ng white t-shirt.

Agad naman akong lumabas matapos. Lumapit ako sa lamesa na may salamin kung saan ang ilang gamit ko at kinuha ang blower.

Mag uumpisa na sana akong iblower ang basang buhok ko nang may umagaw rito.

Napa tingin naman ako kay Klay sa salamin nang tumayo ito sa likod ko at nag umpisang iblower ang basang buhok ko.

Nagtataka ko naman itong tinignan. Marunong pala siyang mag blower nang buhok?

"I always do this to my sister, that's why." sagot nito at tila alam ang nasa isip ko.

Tumango-tango naman ako dahil sa sinabi nito.

Naging tahimik naman ang apat na sulok ng kwarto at tanging ingay lang blower ang maririnig mo.

"We need to see my parents tomorrow Maya, noong nakaraan sana kaso hindi mo ako kinausap." pagbabasag nito sa katahimikan at tumingin sa salamin kaya napa titig rin ako rito.

"Okay." maikling sagot ko, agad rin naman itong nagpatuloy sa ginagawa.

"We will meet them at night, so tomorrow we will buy your dress. Sinabi ko sakanila na nagkasakit ka kaya hindi tayo naka punta noong nakaraan, glad they understand. They're expecting us to be their tomorrow." paliwanang nito saka nilapag ang blower sa lamesa magapos nitong iblower ang buhok ko.

THE BILLIONAIRE CEO PRETENDS TO BE A BEGGAR TO FIND A WIFE Where stories live. Discover now