CHAPTER 6

147 10 1
                                    

Maya Pov;

Nagising ako nang may marinig akong kalabog sa loob ng kwartong rinutulugan ko.

Agad ko namang minulat ang mga mata ko at saka bumangon. Nilibot ko ang tingin ko at napa dako iyon sa loob ng cr, sigurado akong doon nanggaling ang ingay na yun.

Akmang tatayo na sana ako ng mapa hinto yun dahil biglang bumukas ang pinto ng cr at lumabas doon ang lalaking naka tapis lang ng tuwalya sa pang ibaba nito.

Agad naman akong umiwas ng tingin dahil ang awkward, naka balandara ba naman ang walong abs ni sir Klay sa harap ko nabusog tuloy mga mata ko. Charott, ang bad mo Maya!

"Glad you're awake." he coldly said and walked towards his closet.

Natutop ako sa kinauupuan ko at hindi makapag salita. Pano ba naman kasi ang awkward, nakita ba niya kung paano ako matulog? Humihilik kaya ako? Omyghadd Maya nakakahiya ka!!

"It's already six in the evening and manang Lucy told me you haven't eat your lunch yet because you're asleep. Fix yourself and we'll go downstairs." malamig pa rin na saad nito habang sinusuklay ang basa nitong buhok.

"O-Okay po sir." mahina at utal na sagot ko rito.

"Don't call me sir infront of manang Lucy she think of you as my fiancé. Call me Klay whenever she's around, after dinner I will discuss everything to you. For now, you need to act as if you're really my finacé." he coldly explain so I nodded my head at him.

"Okay po,"

"Let's go, we'll eat our dinner." malamig na saad nito at naunang lumabas sa kwarto nito.

Agad naman akong tumayo at patakbong sumunod rito. Ng maabutan ko ito ay sumunod lang ako sa likod nito, ngayon ko lang na notice na naka suot pala ito ng plain white t-shirt at saka short. Ang pogi niya pa rin kahit naka talikod, jusko naway lahat po.

Nang malapit na kami sa kusina ay tumigil ito kaya nagtataka man ay tumigil rin ako.

Mas lalo akong nag taka ng lumapit ito sakin at hinapit ang bewang ko. Ramdam ko ang malaking kamay nito sa maliit kung bewang. Para akong kinukuryente sa mga hawak nito.

Pinipigilan ko rin ang paghinga ko dahil sobrang lapit nito at magka dikit ang katawan namin. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko, jusko anong nangyayari sayo Maya? Hindi ko gusto ang nararamdaman kung ito, mahirap huminga.

"A-Ano pong ginagawa niyo?" kinakabahan at utal na tanong ko.

"We need to act now, Maya." he coldly said and continue walking, kaya napa sunod naman ako rito dahil hawak nito ang bewang ko.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtawag nito sa pangalan ko. Hala? Bakit maganda sa tenga kapag sinasabi niya ang pangalan ko? Ang weird ha.

Malaki ang katawan ni sir Klay, matangkad rin ito. At kung tutuosin kaya ako nitong tirisin eh. Maliit lang kasi ako, nasa 5'4 lang ata height ko eh tapos kay sir Klay nasa 6 footer pataas ata, hanggang kili-kili lang ako nito eh.

Ang gwapo ni sir Klay, kung tutuosin perfect package na nga siya eh. Gwapo, mayaman, maganda ang katawan, siguro habulin rin ng babae ito.

Napa hinto ako sa malalim na pag iisip ng may maramdaman akong maiinit na hininga malapit sa tenga ko.

"What are you thinking?" I stilled when I felt his hot breath in my ear when he whisper those words.

"P-Po?" lutang na tanong ko rito.

"Tsk! You're not in yourself. We're already here, act with me now." malamig na bulong nito at lumayo sakin kaya napa hinga naman ako ng maluwag.

THE BILLIONAIRE CEO PRETENDS TO BE A BEGGAR TO FIND A WIFE Where stories live. Discover now