Update 1.1

911 10 0
                                    

This is it.. my first post, sana magustuhan nyo, comment for suggestions, reactions, dedications, actions..at kung anu ano pang -ions yan..heheh.. spread the love for voting..taas taas kamay mga readers..:)

kaway kaway kay gongchan sa multi-media section..:)

Dedicate ko muna to kay Jhing.. ang aking bestfriend na nasa italy at nagpapalamig ngayon...wala ata siyang wattpad eh..kaya external link nlng yung picture ng bestfriend ko..:)

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_

(Karen’s POV)

*Flashback*

  Umiiling iling yung mamang nakaputi. Si papa naman nakaupo, kakauwe lang niya galing France. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak pero kanina pa masikip yung dibdib ko, hindi ako makahinga.

  Lumuhod si yaya. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko, “Karen, tawa uwi muna tayo? Kakain tayo ng ice cream.” Sumama naman ako, sino ba namang bata ang tatanggi sa ice cream? Pero alam kong may hindi magandang nangyari.

  “Yaya,” nasa kitchen kami ngayon ni, kumakain ng ice cream. (WEEE!!!). Tumingin si yaya pagkatawag ko sa kanya.

  “P-patay na po ba si mommy?” nanginginig pa din ako, kahit may ice cream na akong hawak hawak. Hindi ko talaga mapigilang umiyak.

  “K-karen, nasa malayong lugar si mommy mo,” may luha din siya at halatang malungkot siya. Na-gets ko na agad yun. I’m a smart kid ika nga nila mommy.

  “Yaya, can we still see her?” yah, I believe in ghosts. I’m scared of them pero kung si mommy yung makikita ko, okay lang.

  “Hindi ko alam baby, pero alam lang ni yaya ay binabantayan ka ni mommy.” Ngumiti na lang ako, kasi kahit papaano kasama ko si mommy. Hindi ko man siya nakikita, ramdam kong kasama ko siya.

*End Flashback*

  “Ren! Nakikinig k aba sa akin?”

  “A-ano po yun dad?” Oo, nga pala kaharap ko pa din si dad. Nasa office niya kami.

  “Sabi ko, makikilala mo na yung new driver body guard mo.”

  “Dad,” I whined, “Hindi ko naman kailangan ng ganun eh!”

  Bumukas yung pinto as he stood up, “Too late, he’s here.” Lumingon ako.

  Omo!!! Don’t tell me siya yung driver ko! He’s so hot para maging body guard ko! Mukha siyang model! Tapos dagdag pogi points pa yung suot niya, naka-pang amerikano kasi siya. Formal.

  Naglakad yung lalaki papasok. Seriously! Siya nga siguro yung new driver ko, wala naman na siyang kasunod na iba pang lalaki eh.

  “I’m glad you came, ijo. Upo ka.” Then silence, may tumawag kasi kay dad.

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon