Update 3

395 7 6
                                    

pasensya na kung ngayon lang po ulit naka-pag update..wala na yata akong readers? feeling ko ang pangit pangit ng story na to. Pero i'll continue writing kahit walang nagbabasa, gusto ko lang ma-express yung sarili ko. 

and i know someday may magbabasa nito...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Aish! Ang bigat bigat mo! Magdiet ka nga!” angal ni Kurt. Buhat buhat niya kasi ako.

Nadapa ako. Sakit sakit.

>.<

“Mag-iingat ka kasi sa susunod. Rest day pa naman ngayon lahat ng mga katulong niyo dito sa bahay, walang gagamot nitong sugat mo sa tuhod.”

“Ako na lang. Kaya ko naman eh.”

“Hindi, sabihin mo na lang sa akin kung nasaan yung first aid kit nyo.” Binaba niya ako sa may sofa. Nandito na kami ngayon.

 Kung andito lang sana si Manang Helda.

“Andun sa may mirror cabinet sa may closet ko sa kwarto.”

“Tara.” Binuhat niya ulet ako.

“Ibaba mo ako, kaya ko namang umakyat eh. Konteng sugat lang ito. Saka ikaw na din ang nagsabi na mabigat ako.”

Pero parang wala siyang nadidinig. Buhat buhat niya pa din ako hanggang sa makarating sa kwarto.

Nung nasa kwarto na kami binaba niya ako sa kama.

“Ihahanda ko lang yung pampaligo mo. Maliligo ka muna bago ko gagamutin yang sugat mo.”

Napaka bossy talaga. Kala mo siya yung boss. Pero nakakatuwa siya. Ewan ko ba kung bakit. Minsan kasi hindi ko na maintindihan yung ugali niya. Two-sided siya. Bossy na masungit, tapos yung isa parang walang kamuwang muwang sa mundo na parang bata.

Mabilis lang niya naihanda yung pampaligo ko. After kong maligo nagbihis ako ng short saka loose shirt. Hahah, I love loose shirts. ^^

“Upo ka na jan. Gamutin ko na yan. Oh eto, kainin mo na. Nagluto na ko ng ulam mo habang naliligo ka.” Sabi niya nung pagpasok niya ng kwarto ko na may dalang tray ng pagkain. Favorite ko pa yung niluto niya. Orange Chicken, yung chicken na may orange (hahah, yung sa KFC meron ding ganun sa chowking).

“Hindi mo naman kailangang gawin toh. Driver - Body Guard lang kita. Hindi kita yaya. I can manage, you know.”

Naalala ko na naman si Manang Helga. Last year she just died. May cancer kasi siya.

“Can’t you just thank me? Wala kang kasama dito sa bahay, walang mag-aalaga sayo. At isa pa kaya ko lang naman ginagawa ito, ay dahil ayaw kong mapagalitan ako ng Daddy mo. Kaya umupo ka na jan at kumain ka. Gagamutin ko yang sugat mo. Wag kang makulit kundi didiinan ko yung paggagamot dyan.”

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon