Very short update (for follow up)

164 7 3
                                    

Previously…

 In-announce na yung tungkol sa prom nila Karen.

We left off dun sa kumakain na sila ng dinner ni Kurt sa bahay nila Karen at sinabi ni Kurt na Hindi nga daw sila pupunta ni Karen sa prom…

Here’s my update..salamat pos a pagcomment at pag vote… Gumawa ulit ako ng bagong draft kasi nareformat po ang laptop ko sa kadahilanang hindi ko maalala yung password ko doon. -_- (shunga si author pagbigyan.)

Salamat di sa mga nagfofollow sa akin. Ginaganahan ako..:)

So here… Kapalit po ng pagmamahal nyo ay isang update and hopefully tuloy tuloy na.

Love Lots..:)

Update 4

“Sa prom?” Sumubo ulit siya. “You’re not going Karen.”

Napatayo ako. Hindi kami pupunta?! No way! Once in a lifetime lang yun! “Ha?! Anong sinasabi mo jan?” NAkatingin pa rin ako sa kanya pero seryoso pa din siya sa pagkain.

“Your father said that you’re not allowed to go kung hindi ako ang kapartner mo.” Tumingin siya sa akin. “So kung may inaya ka na. Well im sorry hindi pwede.”

What? Siguro may date na siya. Hindi man lang niya ako inalala. Alam niya naman pala na hindi papaya si dad kung hindi siya ang partner ko. “Nagkakamali ka. Wala pa akong inaaya. I was hoping to ask you but I guess you have a date.”  Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Please sabihin mong wala kang date. -_-

“May date na nga ako.”  Sabi niya na ikinabigla ko.

“G-ganun ba?”  nagpunas ako ng bibig at saka tumayo. “Sige ha. Mauna na ako sa itaas. Napagod ako sa mall kanina.”

 

Siguro gusto niya yung babaeng nag-aya sa kanya kaya siya pumayag. Maganda kaya siya? Mas maganda kaya siya sa akin?

Sige aaminin ko, nung una talagang laruan lang ang tingin ko sa kanya pero I think I like him na. Mabait kasi siya sa akin tapos minsan sweet pa (sweet kasi dinadala niya yung mga shopping bags ni Karen kahit sinasabi ni Karen na okay lang siya at hindi naman mabigat yung dala niya.) pero minsan talaga napakasungit niya at hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

Naalala ko pa nung araw na natalisod ako sa paglabas ng mall. Nung ginamot niya yung sugat ko. Doon ata nasimula ang lahat.

*flashback

 

Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagamot niya yung sugat ko kahit sinabi niya na kumain daw ako habang ginagamot niya yung sugat ko.

“I told you to eat Karen.” Nung tinawag niya ako sa pangalan ko kumalabog ulit bigla yung dibdib ko. Bwisit na puso to parang may problema. Kanina pa to nung pauwi kami ng bahay.

Tumingin siya sa akin na ikinagulat ko kasi titig na titig ako sa kanya.

“Eh dalian mo na jan at gamutin mo na lang yan. Hindi ako kakain hanggat hindi tapos yan.” Pagpupumulit ko.

“Tss.” Sigh.

Tinuloy nya na yung paggagamot. Medyo mabilis lang din kasi hindi naman malala yung sugat ko.

Umupo siya doon sa sofa sa may malapit sa kama kung saan ako nakaupo.

 

“Kainin mo na yan. Dito lang ako.”

 

Kumain na ako. Buti at hindi masyadong nawala yung init ng niluto niya. Masarap siya magluto. Parang hindi siya yung nagluto. Haha. After ko kumain inilapag ko na sa tray yung plato ko. Napalingon ako sa kanya. He’s sleeping. Lumapit ako tapos ayun na naman si puso nagtatatalon. Gwapo siya. Simula pa lang alam ko na yun, pero iba na ngayon. Habang tumatagal nakikilala ko siya at Masaya ako pag kasama ko siya. Could it be? I like him…

*End Flashback

 ---------------------------------------------

a very short update para po maka-follow kayo sa mga susunod na chapters...

<3

kaway kaway kay bagong Kurt sungit sa multimedia..:)

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon