chap 32 "hospital"

64.9K 971 55
                                    

A man who won't die for something is not fit to live.
-Martin Luther King, Jr. -

 

 

Chapter 32 “Hospital”

[RISTON’s POV]

“RAVEEEEEENNN” sigaw naming lahat.

Agad na inagaw ng body guard ni Tito Gil ang baril na hawak ni Farley. Pero huli na ang lahat. Napaputok na nya ito. Hawak hawak na din ng mga body guard ni  Tito sila Lance, James at ang mga kampon nila.

Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakikita kong napaluhod si Raven. Duguan na siya kanina dahil sa gun shot. Pero ngayon, mas duguan na siya at di ako makapaniwala na si RAVEN BLACK ay makikita kong ganito. Walang kalaban laban. Dali dali silang nagtakbuhan si kinabagsakan ni Raven at ikinuyom ko ang mga palad ko dahil sa galit. Kahit na we’re not in good terms, he’s still my nephew. Linapitan ko si Farley at paatras ng paatras ang gago.

“Ri-riston, di ko sinasadya!” Farley na takot.

Mas kinuyom ko pa ang mga palad ko dahil ginagalit talaga ako ng mokong nato!

“ANONG DI MO SINASADYA? ANG BARILIN ANG PAMANGKIN KO? ANG IPAGULPI KAMI RITO SA ABANDONED FACTORY NATO? ANG PAGSAMANTALAHAN ANG BUHAY NI NAMI? ANG KINDNAPIN SI BLAIRE? ALIN? ALIN ANG DI MO SINASADYA?” napasigaw ako dahil sa galit and little did I know, a tear fell from my eye.

“SUMAGOT KA KUNDI BUBURAHIN KITA DITO SA MUNDO!”

Lumuhod si Farley at yinakap nya ang mga binti ko.

“TUMAYO KA DIYAN!”

“p—pata-wad.. nadala lang ako ng galit ko.”

Nagmamakaawa talaga si Farley sa akin. Maniniwala sana ako eh kung di ko lang nakikitang duguan si Raven, kung di ko lang nakitang duguan si Nami at kung di ko lang ramdam tong sakit sa dibdib ko.

“KUNG NADALA KA SA GALIT MO, TIKMAN MO DIN ANG GALIT KO HAYOP KA!”

Hinawakan ko ang kwelyo ng damit nya at hinila patayo at sinuntok ko siya sa mukha and then I kicked him on his stomach kaya natumba siya.

“Di ko talaga sinasadya. Riston, maawa ka!”

Kapag sinasabi nyang di niya sinasadya, mas tumitindi ang galit ko.

“Riston, tama na yan. Ang body guards ko na ang bahala sa kanya. Sa ngayon kailangan ka nila.” Sabi ni Tito Gil while patting my shoulders.

MEET RAVEN BLACK (Published under LIBPC) Available in bookstores nationwide :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon