chap 59 "unfolding the past"

56.2K 816 143
                                    

No one wants to die. Even people who want to go to heaven don't want to die to get there. And yet death is the destination we all share. No one has ever escaped it. And that is as it should be, because Death is very likely the single best invention of Life. It is Life's change agent. It clears out the old to make way for the new.

--Steve Jobs

 

ALAM KO MARAMING NAINIS SA LAST CHAP DAHIL WALA NA SI PAPA SIOMAI. WAG KAYONG MAWALAN NG PAG-ASA GUYS. ANDYAN  PA NAMAN ANG IBANG BLACKS. AT MAY BOOK 2 PA. MARAMI PANG MANGYAYARI NA DI NIYO INAASAHAN.

 

MAY MGA REBELASYON NA DI NIYO INAAKALA. NAKS!

 

THANKS GUYS. DAHIL SA LAST CHAP, NALAMAN KONG MARAMI PALANG NAGMAMAHAL KAY PAPA SIOAMAI ^__^

 

ENJOY! SORRY SA TYPOS. TAMAD MAG EDIT SI AUTHOR. ^__^V LOVE U GUYS.

________________________________

 

Chapter 59 “unfolding the past”

 

[SOMEBODY’S POV]

Nasa isang lake ako na may malaking puno. Nakita ko ang taong kadugtong ng buhay ko na nakatayo lang sa kabilang side ng lake.

“Tol!”

He just smiled at me.

“Tol!” tawag ko ulit sa kanya.

Hinabol ko siya pero unti unti siyang nawawala. At nawala sya ng lubusan nang nasa likod ng malaking puno na siya.

Tinakpan ko ang mata ko dahil ang sakit sa mata ng ilaw. Ibinuka ko ulit ang mata ko at napatingin ako sa may Bermuda grass. May nakaupong babae don at lalaki. Linapitan ko sila pero nawala yung lalaki.

Tiningnan ko ang babae pero di ko makita ang mukha nya dahil sa sinag ng araw.

Iminulat ko ang mga mata ko. Panaginip lang pala….

May masama bang nangyari sa kanya? Kailangan ko na yatang bumalik.

Akala ko natuto na akong mabuhay, pero bakit parang tinuturuan ko lang ang sarili ko na mamatay?

I am living his life for almost a year. I didn’t expect that it was this dark.

_______________________________

[RIANNA’s POV]

Nakatayo lang ako sa labas ng pintuan. Di ko alam kung dapat ba akong pumasok para magpaalam kay kuya. Dahil wala akong mukhang mahihirap sa kanila. Nang dahil sa akin nawala si kuya. Si kuya na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong umiiyak o baka isang araw na. Di ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari. Ang mawala sa buhay ko ang isa sa mga taong minahal ako ng lubos despite of all the things I did wrong.

MEET RAVEN BLACK (Published under LIBPC) Available in bookstores nationwide :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon