A/N (Author's Note):
Anong bet niyo? patay na kaya si Fafa Raven? T___T *sigh*
Oh eto na, dedicated to kay @enilegnave38 ^__^ thanks for reading and supporting me sis :)
ENJOY AND GOD BLESS :***
( tingnan niyo yung pic, yan ang black brothers :)) -------------->
--HiddenMaiden
____________________________________________
[NAMI'S POV]
Nakaluhod pa rin ako habang umaagos pa rin mga luha ko. Gusto kong sumigaw pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Parang linamon ng sakit ang boses ko! Gusto kong pagsusuntukin ang mga kidnappers na ito pero masyadong nanginginig ang buong katawan ko para gawin iyon. Tiningnan ko ulit ang projector screen na nasa stage pero naka off na. Ang dilim dilim na ng paligid.
"Manami Fukushima, akala ko ba ayaw mo kay Raven Black. Ba't ganyan ka maka reak?" kidnapper 1
Tiningnan ko lang ang kidnapper. Nakatakip pa rin ang mukha nito.
"Mahal mo ba siya kaya nagkakaganyan ka?" kidnapper 2
"Gusto mo patayin ka na rin namin para magkasama na kayo" kidnapper 1
PATAYIN? So it does it mean patay na si Raven? Di ko nakaya to. Ang sikip na ng dibdib ko.
"Isigaw mo na na mahal mo siya baka marinig ka pa niya! hahhaa" kidnapper 1
Baka tama siya. Baka kailangan kong isigaw na mahal ko si Raven. Baka mawala tong sikip sa dib dib ko. Pero Raven, bakit? bakit? Kung kailan alam ko na na mahal kita, bakit ngayon ka pa nawala? Tumulo na naman ang mga luha ko. Sana panaginip lang lahat to.
"Isigaw mo na! Dahil papatayin ka na rin namin ngayon." kidnapper 2
Pinikit ko ang aking mga mata at nakita ko ang mukha ni Raven sa aking alaala. Ikinuyom ko ang aking mga kamay dahil sa sobrang sakit. Masakit alalahanin ang nakaraan. Ang nakaraan na kasama siya. Kailangan ko ng isigaw itong nararamdaman ko.
"BAKIT DI KA LUMABAN? *sob* BAKIT? DIBA HALIMAW KA? *sob* DAPAT LUMABAN KA!!! NAKAKAINIS KA ALAM MO BA YUN? *sob* KUNG KELAN ALAM KO NG MAHAL KITA, *sob* DON KA NAMAN NAWALA! *sob* HALIMAW? *sob* RAVEN? MAHAL KITA! NARIRINIG MO BA?" sigaw ko.
Nabigla ako ng parang may spot light sa stage at may nakatayong lalaki don. Si Farley ba yan? Ano naman ang gusto niyang iparating? Pagkatapos niyang patayin si Raven may spot light pa siyang nalalaman? Tapos naka microphone pa? Ano to? show? arggg >.< Ikinuyom ko ulit ang mga kamay ko sa sobrang galit, inis at puot!
"FARLEY? IKAW BA YAN? BAT MO PINATAY SI RAVEN? ALAM MO BANG MAHAL KO SYA HA? MAHAL KO SIYA!!!!" tumulo ulit ang mga luha ko.
"Wag kang mag alala...." tao sa stage.
"PANO NAMAN AKO DI MAG AALALA, MAHAL KO YUNG TAO! PERO PINATAY MO! *sob* PINATAY MO FARLEY! *sob*" sigaw ko habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
MEET RAVEN BLACK (Published under LIBPC) Available in bookstores nationwide :)
RomancePUBLISHED UNDER LIBPC. Divided into four books dahil sa kahabaan hehehhe already available in bookstores nationwide. But mas madali syang mahanap sa PRECIOUS PAGES CORP. STORE :) THANK YOU :) RAVEN BLACK is the leader of the famous group--"BLACK BRO...