chapter 1

27 0 0
                                    

JANE POV

"MISS,kuya mo ba siya?"

nagulat si Jane sa tanong ng waiter. uminit kaagad ang ulo niya lalo't tila nakakaloko ang ngiti ng waiter.

"Eh,ano naman? nakasimangot niyang sagot.bakas ang tinitimping inis sa kanyang tinig.

Lalong lumuwang ang ngiti ng waiter.Halos abot tenga.

"Wala lang," sagot nito at saka umalis ng nakangisi parin.

bwisit na bwisit ang dalaga lalo pa't natatanaw pa rin niya ang waiter na patingin-tingin sa mesang kinauupuan nila ni Mar.napuna kaagad iyon ni Mar na nuon ay kauupo pa lang galing ng rest room.

"Hey,hon. What'swrong?" Untag nito ng nang makita siyang nakasimangot.

"W-wala. May naalala lang ako," pagsisinungaling niya.

"Come on,"  pursigidong tanong ni Mar.

"Don't tell me na naiisip mo na naman ang problema mo sa family mo?"

"Wala sabi," medyo alsa-boses niyang tugon. bakas pa rin ang inis.

kinagulat ni Mar ang reaction niya.Mabilis na bumawi agad ang dalaga.

"S-sorry. Kumain na tayo," pahabol niya kaagad at saka hinarap ang pagkain.

"Okay,"  tila nawala na rin sa mood na sagot ni Mar.

saglit na namagitan sa kanila ang katahimikan habang kumakain.

"Ikaw naman kasi, kung pumapayag ka na bang  pakasal tayo,"

pagbasag ni Mar sa nakaiilang katahimikan sa pagitan nila.

"Eh, di sana lubusan na kitang matutulungan at makakapamuhay ka na ng tahimik."

Hindi na mainit ang ulo ni Jane ng sumagot. napangiti siya sa pangungulit ng nobyo.

"Hon, ilang beses na natin napag-usapan yan, di ba?"  malumanay niyang sagot.

"Konting panahon nalang .Hayaan mo muna akong makakuha ng work.Sayang kasi tinulungan mo akong makatapos ng college kung di ko rin lang magagamit, di ba?"

Self-supporting student siya nang makilala si Mar.ang binata naman ay isang engineer.Boss ito ng kanyang ama na isang karpintero.Ng ma-end of contract siya bilang saleslady sa isang mall ay naging problema niya ang pag-aaral.Nag-offer ito ng tulong sa kanyang ama.

"Maging praktikal ka,anak," naalala pa niyang payo ng kanyang ina ng tanggihan niya ang alok ni Mar na papagtatapusin siya ng pag-aaral.

"Samantalahin mo habang malaki ang kursunada sa iyo ni Engineer,? Dugtong naman ng kanyang ama.

"Inay, parang kuya ko lang si Engineer.Ang tanda na niya para maging asawa ko."

"Eh, ano naman.!" nakapameywang na hinarap siya ng kanyang ina.

"Wag ka ngang tanga! kahit matanda na iyon,tiyak namang di ka maghihirap matutulungan mo pa sa pag-aaral ang mga kapatid mo."

Walo silang magkakapatid at siya ang panganay.ang bunso nila ay mag iisang taon pa lang.

"Inay, makapagtatapos ho ako ng pag-aaral at matutulungan ko kayo."

"pano nga?!  Ganyang sisante  ka na pala at wala nang trabaho."

"Mag-a-apply ho ako uli."am ko

Ngunit hindi kaagad siya nagkaroon ng trabaho. Maraming kumpanya ang nagbawas ng empleyado. kesyo nalulugi daw dahil sa tumataas ang langis kung anu-anong dahilan ayon sa balita sa TV. napilitan siyang magtinda-tindahan mula sa maliit niyang ipon sa huli niyang sahod. nang minsang matikman ni Mar ang luto niya tinulungan siya nitong lumakas ang benta  ,lahat ng contruction site na hawak niya siya ang naghahatid ng pagkain araw-araw at ito pa mismo ang naghahatid ng pera s kanya.

Doon nag-umpisang mapalapit ang loob niya kay Mar kaya't paminsan-minsan ay sumasama na siya ritong mamasyal at  nang siya ay maka-graduate ay naging puspusan ang panliligaw ni Mar sa kanya  mabait at matulungin si Mar kaya't tinanggap niya ang panunuyo nito.yon nga lang, madalas silang mapagkamalang magkuya kapag magkasama.Tulad ngayon.

"May gusto ka pa bang kainin, hon?" untag ni Mar.Noon naputol ang pagbabalik tanaw ni jane.

"Wala na. Busog na ako."

Tinawag ni Mar ang waiter para kunin ang chit. Wala na ang ngiti ng waiter ng lumapit at napatingin si jane sa name tag nito Ariel ang pangalan ng lalaki. 

pagkatapos bayaran ay muling tumungo si Mar sa rest room at wala pa ito ng ibalik ng waiter ang sukli muli na namang rumehistro ang nakakalokong  ngiti sa mag labi ng waiter. na muling nagpainit sa ulo ni jane.

"Ano ba'ng nakakatawa,ha?"  sita ni jane sa waiter.

Saglit na ikinagulat iyon ng waiter.

"Wala. Bakit Miss?"

"Eh, kanina ka pa ngiti ng ngiti na parang nakakaloko ."

umiral na ang pagiging ugaling squatter niya.nakalimutan sandali ang pinag-aralan

"eh, kung sapakin kaya kita?"

"Oh, talaga? Sige nga!"  palabang hamon ng waiter.

Lalong tila nakakaloko ang ngiti nito na nagpainit sa ulo ni jane.

Sa bilis ng pangyayari ay walang nakapuna na dumapo ang kamao ni jane sa mukha ng waiter. sa lakas ng suntok ng dalaga ay bumalandra ito sa kabilang mesa at nagkaroon ng kunting kaguluhan pero naayos naman ito kaagad ng dumating si Mar binayaran nito ang konting damages.humupa ang galit ni jane at sising-sisi sa nangyari ng Pauwi na sila ay panay ang hingi niya ng sorry kay Mar.

"Hon, sorry na . napikon lang talaga ako kanina sa waiter.Tapos tinanong pa niya kung kuya kita!"

Noon napailing at napangiti si Mar.

"Huwag mo ng ulitin ang manapak, mabuti nalang di ka kinasuhan ng waiter. kung hindi ay baka nasa kulungan ka ngayon.

"Hindi na talaga. Promise,"  at tsaka siya yumakap sa nobyo.

"Good girl," nakangiting sagot ni Mar.

"Okay ihahatid na kita, tumawag na si fremy may urgent daw. si fremy ay ang sekretarya ni Mar sa opisina nito.

"Urgent,"  kunwari ay nakasimangot niyang sabi."

"Baka gusto ka lang makita ng fremy mo."  napatawa si Mar 

"Hon, ikaw lang ang love ko kaya wala kang dapat ikaselos."

"Sus. Maganda kaya at maputi ang fremy na yon,"  kunwari ay nakaismid siya. Iyon ang paraan niya para i-assure kay Mar na mahal niya rin ito. madalas kasi siyang tanungin ng nobyo kung  mahal na niya ito ngunit palaging paiwas ang kanyang sagot.

hanggang sa maihatid siya ni Mar ay hindi pa rin nawawala sa isip ni jane ang isiping iyon.Mahal na nga ba niya si Mar  o tumatanaw lang siya ng utang na loob ?

Kinagabihan ay tila tuksong simingit sa kanyang isip ang nakakalokong ngiti ng waiter, naging mailap tuloy sa kanya ang antok. In fairness,gwapo ang sinapak niyang waiter matangkad at maputi, at lalong naging cute ito sa paningin niya nang magkaroon ng black eye. napangiti sa sarili si jane nang maisip ang eksenang tumimbuwang ang waiter.

ano ba ang status ko sa puso mo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon