chapter 5

9 0 0
                                    

trip ko lng mag update kasi di ako maka meme

try ko lang kong kaya pa. sana maging ok wushu

GL'

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jane pov

(laging jane) bleehh

ILang araw ng pumapasok si Jane sa opisina bilang accounting cleck nang sunduin siya ni Mar  na kararating palang mula sa Pampanga. Nang makita ang nobyo ay hindi maintindihan ni Jane ang sarili dati kasi ay nasasabik din siya kapag hindi ito nakita ng ilang araw.Ngunit ngayon ay nakakapanibago parang ayaw niya itong makita.Matamlay siya habang kumakain si Ariel ang nasa isip niya ilang araw na rin kasi itong di nagpakita sa kanya.

"Hon, Malungot ka yata.?" Puna ni Mar

"W-wala ito. Medyo pagod lang."

"So,how's your new job?"

"Okay naman. Mabilis akong nakapag-adjust at mababait ang mga officemates ko."

 "Good. Eh di, pwede na tayong magpakasal? May work ka na." 

Ikinagulat ni Jane ang tanong niya an napa unat siya sa upuan. nabitin sa ere ang  isusubo sanang pagkain.

"Para kang natuka ng ahas."   nakatawa niyang sabi

"Nakakagulat ka naman kasi.Kapapasok ko palang sa trabaho nagyaya ka na ng kasal."

"Relax. joke ko lang yon. Baka makalusot eh sabik na kasi ako sayo."

"heh! Tigilan mo ako.Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tanging virginity  ko lang ang ireregalo ko sayo sa unang  gabi ng kasal natin."

"I know. Kaya nga lalo kitang minamahal dahil may tiwala ako sayo,iba ka sa mga kabataan ngayon na napaka bata pa ibinibigay na kaagad ang virginity nila,"

"Siyempre. hindi ako easy to get,ano!"

Saglit na nawala sa isip ni Jane si Ariel at nauwi sila sa paglalambingan. Ngunit ng sakay na sila sa kotse ay muling sumagi sa  isip niya ang gwapong binata.As usual, hindi na bumaba si Mar

"Kamusta nalang sa nanay at tatay mo hon."

"Sige. ingat nalang."

"Ikaw rin. Mag-ingat ka lagi. Love you,"  sabi niya sabay dampi ng halik sa pisngi

Maiksing ungol lang ang tugon niya, di niya masagot ang I LOVE YOU ng nobyo.

 "Sabi ko, I love you."

"Oo na. Sige, bababa na ako."

Isang damping halik sa pisngi ni Mar at nagmamadali na siyang lumabas ng kotse.inihatid niya ng tanaw ang papalayong kotse ng nobyo bago tinungo ang eskinita ngunit bago tuluyang pumasok sa eskinita ay luminga-linga muna siya na parang may hinahanap, bakit ganon ? parang inaasahan niya na palaging naroroon si Ariel tuwing uuwi siya. ng hindi niya makita ay pumasok na siya ngunit may bahagyang kirot siyang naramdaman.

Malapit na siya sa kanila ng matanaw niya ang mga kapatid niya na naglalaro  sa kalsada. Nang makita siya ng mga ito ay patakbong sumalubong sa kanya,

"Ate, may bisita ka,"  Halos panabay na sumbong nila

"Sino.?  tanong ko

"Si kuya Ariel.Marami ngang pasalubong sa amin."

Bumilis ang tibok ng puso niya sa narinig at bumilis din ang kanyang hakbang

"Hi Jane," nakangiting bati ni Ariel 

"Mabuti't narito kana. Kanina pa yan narito," sabi ng kanyang ina

Wala ang galit sa tinig ibang iba ang pakikiharap nito ngayon hindi tulad noong una. Nang dumako ang paningin ni Jane sa kanilang mesa  nakita niya ang mga groceries.May isang mamahaling alak pa na nasa kalahati na ang laman ang mag pulutan ay masasarap at ang lalagyan ay ang tatak ng restaurant na pinagtatrabahuhan ni Ariel.

"Anung meron?" tanging natanong ko

"Wala naman, Kasasahod ko lang kasi kaya naisipan kong mamili at hinati ko yung kalahati ibibigay ko sa amin.Eh, marami naman kaya naisipan kong dalhin dito ang iba." Mahabang paliwanag niya

"Okey pala sa trabaho mo.Halos araw-araw kung magpasahod kasi sa pagkakatanda ko sumahod ka rin nung isang araw ng pakainin mo ako sa restaurant.

"Ah, yun, overtime  naman yon. ngayon ay regular pay," maagap niyang sagot

"salamat sa pasalubong . kaya lang sana  nex time  huwag ka ng gumastos nakakahiya pwede ka namang pumasyal dito ng walang dala. matapat na sabi ni Jane

"Ano ka ba Jane..." hayaan mo na siya kung magdadala siya ng pasalubong masaya kasi sa pakiramdam ang nagbibigay kaysa tumatanggap,hindi ba Ariel.?"

"Ay, totoo po yon. maagap namang sagot ni Ariel

"Si Nanay talaga , balimbing." kantiyaw ng mga kapatid ko

"Heh! Tiglan niyo nga ako. Maagsilabas muna kayo at napakasikip baka mainitan si kuya Ariel niyo."

Lihim nna napangiti si Jane ,, kuya Ariel na ngayon huh.

"Bago ko nga pala makalimutan," may dinukot sa bulsa 

dalawang cell phone ang inilabas nito sa bulsa pero  ibinalik ang isa at lihim na nagtaka si Jane mamahalin ang cell phone ni Ariel dahil nakaita niya ang presyo non sa mall.

"Ibibigay ko  sana to sayo kaya lang baka hindi mo taggapin kaya ibebenta ko nalang sayo ng hulugn.Para may CP ka na." may himig biro na sabi ni Ariel

"Magkano naman?"

"Bahala ka na kahit magkano ang ibabayad mo. May work ka na rin pala kaya mo ng bayaran yan."

Ang totoo, Matagal na niyang pangarap na magka cell phone kaya tinanggap na niya ang alok ni Ariel.Nang maka alis si Ariel bumawi ng kantiyaw si jane sa ina,

"Si nanay nadala sa suhol.Dati,galit na galit kay Ariel porke napasalubungan,biglang bumait,"

Nag-second the motion pa ang mga kapatid ko bago nag tawana

"Heh, tigilan niyo nga ako. Aba, hindi tinatanggihan ang grasya."

"Eh, puwede na ho siyang dumalaw dito?"  tanong ng kapatid ko

"Ewan ko dyan sa ate mo.Bahala siya may isip na siya," sagot ng nanay niya

Saglit na nag isip si Jane sa sinabi ng ina, ano kaya ang magiging reaksyon ni Mar kapag nalaman niyang may dumaladaw sa akin sa bahay? Ngayon lang din naisip ni Jane na mabuti pa nga si Ariel dumadalaw sa bahay nila  si Mar ay bihira kung pumunta.Iwinaksi ni Jane ang isiping iyon at ang bago niyng  cell phone ang pinagtuunan ng pansin,nag iisang number ang naka save doon number ni Ariel at dahil memoryado niya ang number ni Mar ay inilagay niya iyon sa phonebook. may load ang cell phone kaya sinubukan niyang magtxt at pasalamatan si Ariel pagkatapos ay maiksing "hi" para kay Mar.naunang nagreply si Ariel sumunod si Mar na "hu u" saka lang naalala ni Jane na hindi pala siya nagpakilala. hindi na lamang niya nireplayan si Mar at naisip niyang minsan ay bibiruin niya ito at gagawing textmate.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:natapos din wushu hapi hapi na si ako kasi natapos ko siya sana magustuhan niyo po.*u*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ano ba ang status ko sa puso mo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon