chapter two

18 0 0
                                    

JANE'S POV

nang hapong iyon ay umuwing hapung -hapo ang pakiramdam ni jane . gutom at pagod ang pakiramdam niya habang binabagtas ang maliit na eskinitang papasok sa kanilang looban . maghapon siyang kumuha ng eksamin at pagkatapos ay may preliminary interview pa sa kumpanya ng sapatos inaaplayan niya bilang accounting clerck . ngunit sa dami ng aplikanteng ksabay ay isa lang ang ipinalad na natanggap . ngayon lang nya naisip na ganito pla kahirapmaghanap ng trabaho kahit college graduate

parang gusto na tuloy nyang panghinaan ng loob . may kalayuan din ang bahay nila mula sa babaan ng sasakyan at mahaba haba rin ang makipot na eskinita . mabagal ang kanyang pag usad dahil marami ang taong dumadaan . kailangan muna niyang tumagilid at tumigil upang pagbigyan ang kasalubong .

sa dulo ng eskinita ay isang maliit na kalsada na nakasanayan nang pag laruan ng mga bata . napakaraming bata sa kanilang lugar . tila iyon na kasi ang libangan ng mga tao roon , ang gumawa ng bata . ang mga hilera ng bahay ay maliliit at yari lamang sa mga lumang materyales . tulad rin ng bahay nila na bagama't dalawang palapag ay sadyang napaka liit kayat siksikan din silaang magkakapatid . at dahil masikip sa loob ng mga bahay kayat ang kalsada ang pinakatambayan ng mga nakatira roon.

nang makalapit na siya sa kanila ay sumalubong ang dalawa niyang kapatid

" ate , mahinging piso " halos panabay ring banggit ng dalawa na edad anim at pitong taong gulang

" andiyan na ba si tatay ? " tanong niya nang maibigay niya ang hinihingi ng dalawa 

" kanina pa dumating " sagot kaagad ng pinaka bata

" naglalasing. galit na galit sa'yo pagdating " dugtong naman ng isa pa 

napakunot nuo si jane " bakit galit ? " 

ngunit hindi na iyon sinagot ng dalawa na nagmamadaling pmunta sa tindahan para ibili ang perang ibinigay nya

galit nga si mang ador . malakas ang boses na kinumpronta siya. 

" aba, jane , hindi ka naman yata nag-aral para maging sanggano lang " naikwento na pla ni mar sa kanyang ama ang nangyari kahapon sa kinainan nilang restaurant .

" gusto mo bang matulad sa mga tiyuhin mong sa sobrang tapang ay nakakulong ngayon ? " mang ador

" saan pa magmamana iyan kundi sa iyo " sabat naman ni aling susan na noon ay seryoso sa panonood ng isang koreanovela sa t.v

" hoy , susan tigilan mo ako. matagal na akong nag bagong buhay kaya nga tayo lumuwas ng maynila " sha

ang sagutang iyon ay humaba kaya naabswelto sa galit ng ama si jane , alam niya ang pahapyaw na  kwento ng buhay ng kanyang ama . dati itong siga sa probinsya , muntik nang makapatay kaya napilitang manirahan sa maynila , ang pagkakaalam pa niya ay may mga kaso itong tinakbuhan kaya hindi makapaghanap ng matinong trabaho dahil walang mga papeles na maipakita.

nang makapag bihis ay siya na ang tumao sa maliit niyang karinderya 

" ako na ang magbabantay , manang " 

si manang ay ang kinuha niyang tagapag luto at all around katuawang .

" sige para makauwi naman ako nang maaga " paalis na ito nang biglang may naalala . pumihit pabalik 

" kanina na ito pala may naghahanap sa'yo " 

" sino po ? " 

ano ba ang status ko sa puso mo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon