CHAPTER 3
hindi naging maganda ang pakikiharap ni aling susan kay ariel lalo na nang malaman nitong isa lamang itong waiter . daig pa ang imbestigador sa halos sunod sunod na tanong nito .
" ano ang natapos mo ? " nakapameyswang na ratsada ni aling susan .
" saan kayo nakatira ? anong trabaho ng mga magulang mo ? ilan kayong magkakapatid ? "
" no kaba susan ? pano makakasagot yan walang tigil yang bunganga mo ? " saway naman ni mang ador na kasalukuyan nang nag bubukas ng alak
" o, tumagay ka muna totoy " alok ni mang ador na ksalukuyan iniabot ang basong may lamang alak . atubiling tinanggap ni ariel ang baso at tsaka tinungga ang laman ..
" may nobyo na si jane " pormal na sabi ni aling susan
" engineer si mar at nakasisiguro kami na hindi magugutom ang anak namin "
" a-alam ko po yun " muling bumakas ng lungkot sa maamong mukha ng binata
" mabuti naman . kaya kung ako sa iyo ay layuan mo na si jane habang maaga "
" gusto ko lang naman pong maging kaibigan ang anak nyo "
" sus. ganoon din yon . pare pareho naman kayong mga lalaki . makikipag kaibigan kunwari at kapag nahulog na ang loob ng babae , saka sasamantalahin . tigilan mo nga ako sa drama mo totoy . sa tanda kong ito . palulusutan mo pa . basta ayaw n kitang makitang nakikipagmabutihan sa anak ko ! "
" nanay naman ... " protesta sana ni jane ngunit tinitigan siya nang matalim ni aling susan .
" hindi magandang tingnan na may nobyo kana ay nag papaligaw kapa . isa pa , anong magiging buhay nyo aber ? sa liit ng sahod ng isang waiter , tiyak na sa squatter ka rin nyan ititira " hindi na natagalan ni ariel ang mga sinasabi ni aling susan
" a-aalis na po ako .. pasensya na po sa abala "
isang ismid na may ksamang irap ang naging tugon ni aling susan nang lumabas sa maliit nilang bahay si ariel , walang nagawa si jane kundi ang ihatid ng tingin ang binata . bagamat awang awa siya dito ay di niya maipakita sa harap ng ina .
bale wala naman kay mang ador ang nangyari . ipinagpatuloy lang nito ang pag inom . alam ni jane kung bakit laging nag lalasing ang ama arw araw . siguro sa hirap ng buhay at sa ingay ng mga kapatid niya ay mas gusto nitong maging manhid na lamang sa tulong ng alak .
samantala , lulugu lugong tinslunton ni ariel ang makipot na eskinita . pagdating sa labasan ay nilakad niya ang kalapit na gasolinahan kung saan niya iniwan ang kanyang kotse . isang bagong modelong mitsubishi . iyon ang pinakamura sa koleksyon nya ng mga sasakyan . ngunit iyon ang pinkagusto nyang gamitin dahil sariling pera nya ang ibinili rito . hindi tulad ng ibang mamahaling saskyan niya na puro regalo ng kanyang daddy ..
nakangitng napailing si ariel nang paandarin ang sasakyan . matindi talga ang naging tama niya kay jane . unang kita pa lamang nya sa babae sa restaurant ay humanga na sya rito . at lalo siyang humanga sa tapag nito . kaya naipangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para makuha ang dalaga ..
ang restaurant ni iyon sa fairview kung saan siya nagpanggap na waiter ay isa lamang sa negosyo ng pamilya nila at iyon ang madalas niyang tambayan kapag walang ginagawa .. kaya nang makita niyang pumasok nang hapon iyon si jane kasma ang nobyo nito ay nagpanggap siyang waiter para magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito nang hindi halata . ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang magkakaroon pala siya ng blackeye .
kayat pinaimbestigahan niya kung saan nakatira ang dalaga para madalaw niya .. ngunit mukhang tagilid siya sa nanay nito . lalong naging hamon sa kanya si jane . wala pang babaing hind napasakanya kapag ginusto niya habang binabagtas niya ang kahabaan ng commonwealth avenue ay tumunog ang kanyang cellphone .
si regine ang tumatawag ,. ito ang flavor ang the month niya
" hi babes ! " sagot niya
" where are you ba ? i'm calling your phone the whole day pero naka off " alata ang inis sa tning ni regine
" sorry babes . na lowbatt kasi kanina "
kumagat naman sa palusot niya ang babae ngunit hindi pumayag na hindi sila magkita . dumeretso si ariel sa makati city kung saan . nag hihintay si regine .
sa lobby ng isang class na hotel ay nag hihintay si regine . ang hotel na ito ay pag-aari ng pamilya ng babae . isa lamang ito sa mga negosyo ng benitez group of companies .
pumulupot kaagad na naglambing ang ababe nang makita si ariel .
" i miss you , babes ! where have you been ? " usisa nito pagkatapos humalik sa kanya ..