chapter 4

14 0 0
                                    

''Meetings. How's my babes today?

''Heto kanina pa po naiinis. Kasi hindi kita ma-reach."

Iniba ni Ariel ang  topic. Niyaya niya itong magmeryenda. Maganda si Regine

Sopistikada ang personality. Ngunit may kakaiba kay Jane na hindi niya makita kay Regine.

At kahit magkasama sila ni Regine ay si Jane ang laman ng kanyang isip.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JANE POV

Ngayon napatunayan ni Jane na totoo pala ang kasabihang madalas niyang marinig noong nag-aaral pa siya sa college

"IT'S WHOM YOU KNOW AND NOT WHAT YOU KNOW THAT MATTERS IN FINDING A JOB"

Iba pa rin talaga pag may malakas kang backer sa pag-a-apply sa trabaho.

Natanggap siya sa advertising agency.Hindi lang pala kliyente ni mar ang may-ari nito kungdi matalik ding kaibigan. Pinag-umpisa kaagad siya sa trabaho oras na matapos ang kanyang medical examination.Ang maganda pa, mas mataas sa inaasahan niyang regular wage ang ibinigay sa kanya. Ngunit hindi lubos ang kasiyahan ni Jane tila may kulang . Siguro dahil nakapasok siya hindi dahil sa talagang deserving siya kungdi dahil kay mar. isa na namang utang na loob. Ipinag kibit balikat na lamang ni Jane ang isiping iyon. Nagmamadaling umuwi ang dalaga upang masabi sa magulang ang magandang balita. Natawagan na niya si mar kanina nasa site sa Pampanga si Mar at apat na araw pa bago maka uwi dahil may rush na trabaho. Pagbaba ni Jane ng jeep ay natigilan siya ng makita si Ariel at nakangiti ito sa kanya.

"Hi,Jane."

"h-hi," atubili niyang sagot. lumingon-lingon sa paligid mukhang nahulaan ni Ariel kung bakit ako kabado.

"May nakita akong malapit na restaurant  sa unahan pwede  ba tayong doon mag-usap?kahit sandali lang."

Hindi nakatanggi si Jane ng pumara ng jeep si Ariel. tila may hipnotismo ang lalaki at naging sunud-sunuran siya sa bawat sasabihin nito.

Isang medyo class na restaurant ang pinasok nila.

"Baka mahal dito. wala akong pera," matapat na sabi ni Jane para basagin ang katahimikan sa pagitan nila.

"Relax. Ako ang nagyaya kaya treat ko'to bagong sahod ako." natawa ang binata

umorder na si Ariel

"Ikaw, ano'ng gusto mo?"

"Kahit ano. bahala ka na"

"O, miss.. narinig mo ang order niya." Baling nito sa waitress.

"Meron ba kayo non. 'Yung kahit ano at bahala ka na."

Natawa si Jane sa joke na iyon ni Ariel. Ewan kung bakit naikumpara kaagad niya ang pagkakaiba ni Ariel at Mar. Si Ariel ay palabiro dahil siguro sa mag kasing-edad lang kami.Hindi tulad ni Mar na laging seryoso at masyadong mature. Minsan nga ay nakakailag itong kasama dahil lagi akong nasasaway kapag nagkikilos bata ako. Habang kumakain ay panay ang joke ni Ariel at sa maikling sandali na magkasama kami ay napalagay na agad ang loob ko sa kanya. Nalibang ako sa pakikipag usap sa kanya at nagulat ng makita ko ang oras.

"Naku, kailangan ko ng umuwi,"  tarantang sabi ko

Pagkatapos bayaran ay sinamahan na siya ni Ariel na mag abang ng jeep.

"Huwag mo na akong ihatid, salamat sa pagkain."

"Okay. Ikaw ang bahala,pwede ko bng makuha ang number mo?"

"Wala akong  cell phone. pambili nga ng bigas, problema  na namin CP pa kaya."

"Ooops, Sorry!"

"Okay lang yon, Totoo naman."

Nang makasakay na ng jeep si Jane

"Yes, One point . Next time you will be mine Jane."

a/n hayyy salamat naman natapos din.

ang ikli lang naman ng ginawa ko di na kaya ng power ko,

antok na ee may swimming pa kami bukas

zzzzzzzzzzzzzzzz

ano ba ang status ko sa puso mo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon