CHAPTER EIGHT
Kayo na lang kaya ang mag-lunch?" Ariana almost pleaded while Lawrie was driving the car along the road. Kanina lamang ay tinawagan sila ni Lourdes na mag-lunch daw silang lahat sa restaurant. "Baka mag-away kami ni Louie, eh."
Sinulyapan siya ng asawa. "Kaya nga tayo pupunta para makausap natin siya. I'm sure gusto na ring makipagbati sa 'yo ni Louie. Nahihiya lang siguro."
"Sigurado ka?"
Hinila siya nito palapit at nginitian. "Believe me. I know my brother too well."
Tumango siya at sumandal sa balikat nito. Siguro ay kailangan niya itong pagkatiwalaan. Nagkaroon ng maiksing katahimikan hanggang sa nag-ring ang cellphone ni Lawrie.
"Hi, Tita! We're on our way," sagot nito. Si Lourdes siguro ang tumawag na iyon.
Tumingin siya sa kanyang relo. Thirty minutes pa bago mag-alas doce. Napaaga siguro ang mga iyon sa restaurant.
"What?"
Nagtatakang nilingon niya si Lawrie. Parang gulat na gulat ito sa anumang ibinalita ng nasa kabilang linya.
"How is he? Where are you?" tanong ng lalaki, his face dimming in fear. "I'm coming right now."
Napanganga siya nang biglang iliko nito ang sasakyan. "Where are we going? Ano ba ang nangyari?"
Hindi ito nakasagot. She could see beads of sweat on his forehead and his fingers were trembling against the steering wheel.
Lumapit siya at hinaplos ang braso nito. Natatakot na rin siya kahit hindi pa niya alam ang dahilan.
"Lawrie, are you okay?" untag niya.
He took a deep breath and threw her a glance. "Louie is in the hospital, Ariana. He was shot."
Hindi siya nakapagsalita, hanggang sa makarating sila sa ospital. Nagmamadali silang dumerecho sa ICU. Sarado pa ang pinto at walang pinayagang makapasok. Naroon si Lourdes na humahagulhol ng iyak habang nakaupo sa bench, katabi ang dalawang pulis.
Nilapitan ito ni Lawrie at niyakap. Kahit gusto niyang malaman ang buong pangyayari ay hinayaan niya muna sila dalawa. She prayed that Louie would be fine. Kahit hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya ay itinuturing niyang utang-na-loob niya rito na hindi natuloy ang kasal sana niya noon kay Michael.
Nakarinig siya ng komosyon sa kanyang likuran. Paglingon niya, nagulat siya nang makita niyang paparating ang ama.
"I CANNOT ACCEPT that excuse, Ariana!"
Gulat na napapikit si Ariana sa lakas ng boses ng ama. Sa sobrang galit nito ay parang kulog sa kalawakan ang tono nito. Kahit kanina pa ito pinapakalma ni Sophia na nakaupo sa tabi nito ay wala iyong nagawa para ibsan ang galit ng asawa.
Buking na pala ang lihim nila ni Lawrie. Nagpaimbestiga raw si Michael tungkol sa pagkaka-kidnap sa kanya at nalaman nitong si Louie ang salarin. Hindi alam ng kanyang ama ang tungkol doon. Ang alam nito ay magkasintahan sila ni Lawrie at kunwari lamang ang nangyaring pag-kidnap para hindi matuloy ang kasal.
"You should have told me right then and there na ang kapatid pala ni Lawrie ang kumidnap sa 'yo!"
Ariana sank deeper into the couch. "N-naawa po kasi ako kay Lawrie noon. Gusto kasi niyang siya na lang daw ang makulong kaysa si Louie, kaya naisip kong makipagkasundo na lang sa kanya."
"And that's the most stupid thing you've ever done, Ariana!"
"Ayaw ko po kasing magpakasal kay Michael."
"At mas pinili mong magpakasal sa taong hindi mo kilala? Paano kung drug addict pala 'yang pinakasalan mo? Did you not think about it?"
Yumuko siya. Dahil desperada na siyang makawala kay Michael noon ay hindi na niya iyon binigyang-halaga. "I don't know, Dad. Hindi ko rin maipaliwanag. But the first time I saw Lawrie, I knew I'd be safer with him than with Michael."
"That's bullshit!"
"It's true!" Nasorpresa rin siya na nagawa niyang sagutin ang ama. Matagal niya itong kinatakutan, ngunit ngayon ay handa niyang ipaglaban ang damdamin niya kay Lawrie. "Hindi n'yo kasi alam ang ugali ni Michael. Ang tatay niya ang kilala n'yo, and Michael is not his dad. Kahit maulit pa ulit ang araw na 'yun, I will still choose Lawrie over and over again."
Her father looked at her, then squinted his eyes as though disgusted of her reasons. "That man doesn't even love you."
"He does," mabilis niyang tugon. "I can feel it. And he makes me happy like I was never before. Michael couldn't give me that happiness."
Natahimik ang matanda na para bang biglang nanlambot ang damdamin. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito.
"Francisco," noon lamang nagsalita si Sophia. Napakalumanay ng boses nito. "If your daughter says that she's happy with her husband, why don't we give them a chance? Their marriage might work. Isn't that what you wanted for her? Kaya mo siya pinagpipilitan na ipakasal kay Michael. She doesn't love Michael, so hayaan natin siyang mamili ng gusto niya."
There was a long silence after. Nagulat si Ariana na sa unang pagkakataon ay kinampihan siya ng kanyang stepmother. Sa labis na tuwa ay parang gusto niya itong yakapin.
"Fine," anang Francisco saka tumayo na. "Tell Lawrie to come to me, then I will decide."
Napakagat si Ariana sa kanyang labi. Mahirap i-predict ang nilalaman ng isip nito, kaya natatakot siya sa maaari nitong gawin sa asawa niya.
"Daddy." Sinundan niya ito sa paanan ng hagdanan. "Paano po si Louie? At si Michael, tumawag siya kanina sabi niyang idadamay daw niya ako sa kakasuhan."
Francisco sighed. "Don't worry about Michael. I can take care of him. As for Louie, his mental illness will save him."
NALULUHANG UMUPO si Ariana sa sofa. Tatlong araw nang hindi umuuwi si Lawrie mula nang maospital si Louie. Lagi itong nakabantay sa tabi ng kapatid at hinihintay na muli itong magising. Kapag dumadalaw siya roon ay hindi siya nito iniimik na para bang siya ang may kasalanan sa nangyari.
Sa tagiliran nasaksak si Louie at maraming dugo ang nawala rito. Ipinaaresto pala ito ni Michael nang malamang ito ang kumidnap sa kanya. Kasama raw nito ang mga pulis na pumunta sa bahay ni Lourdes. Narinig ni Louie ang tiyahin na nakikipag-usap sa pulis kaya tumakas ito mula sa backdoor. Sa kasamaang-palad ay nakita ito ng isang pulis na nakabantay sa labas at hinabol ito.
Bumukas ang pinto at napangiti siya nang makita si Lawrie. Agad siyang tumayo at niyakap ito. "Is he awake?" she asked eagerly.
Tumingin lang ito sa kanya at saka tumango.
"Oh, I'm so happy!" she exclaimed, finally relieved. "Can I see him?"
Hindi umimik si Lawrie at umupo sa sofa. Sinundan niya ito at tinabihan. Parang napakalalim ng iniisip nito. "What's wrong?"
Huminga ito nang malalim. "Physically, Louie's fine," he started in a soft voice, "but mentally... he's becoming worse."
Nawala ang ngiti ni Ariana at napakagat sa ibabang labi. "I'm sorry," was all she could say.
"It's not your fault," turan nitong napailing. "It was mine. I wasn't there for him."
Hinawakan niya ito sa braso. Gusto man niya itong i-comfort ay hindi niya alam ang dapat niyang sabihin.
They were quiet for a few minutes, na para bang hindi sila magkakilala nang sandaling iyon, hanggang sa binasag ni Lawrie ang katahimikan. "I'm taking Louie to the States, Ariana."
Gulat siyang napatingala rito. "W-why?"
"Doon ko siya ipapagamot... and I won't be back until he is well."
Bigla siyang nakadama ng takot. Iiwanan na ba siya nito? "Can I come with you?"
Halos mabiyak ang puso niya nang umiling ito at tumingin sa kanyang mga mata. "We've hurt enough people, Ariana. Let's stop this game now."
Her tears gave way as she understood that he wanted his freedom back. May tatlong buwan pa sana silang natitira, ngunit wala na siyang karapatang magreklamo pa pagkatapos ng lahat ng gulong dinala niya sa buhay nito. Ngunit paano niya ito ipaliliwanag sa kanyang ama?
"Kinausap ko na ang daddy mo," anito na parang nabasa ang kanyang isipan. "You can go home now."
Lalong bumuhos ang luha ni Ariana. Habang nakatitig siya sa mga mata nito ay lalong sumisikip ang kanyang dibdib at halos hindi na siya makahinga pa. Bakit napakasakit? Akala niya ay kakayanin niya kapag dumating ang araw na kailangan na nilang maghiwalay, ngunit bakit ngayon ay umiiyak siya?
"I love you," she found herself saying. It surprised her, but she didn't regret saying it. Hindi niya alam kung kailan niya ito natutunang mahalin, ngunit sigurado siyang iyon ang nararamdaman niya.
Lawrie was startled for a few moments. Nanatili itong nakatitig sa kanya, hanggang sa ito ay bumuntong-hininga at tumayo.
"You don't really mean that, Ariana. Please pack your things and I'll take you home tomorrow morning," anito at pumasok sa kuwarto ng kapatid.
Halos mapahagulhol si Ariana nang isara nito ang pinto. Wala na siyang magagawa pa. Talagang nais na nitong makawala sa kanya.

YOU ARE READING
A Stranger's Love - Rebecca Rosal
Romance"Listen," pilit na kumbisi ni Ariana Kay lawrie, "kasalanan ito ng kapatid mo, so it's either you surrender your brother to the law or marry me." Magkasalubong ang mga kilay nito nang lumingon sa kaya. "Do you honestly want to marry me?