CHAPTER TEN
Tita, you can't do this to me," umiiyak na sabi ni Ariana kay Leonor na siyang nag-aayos ng suot niyang gown.
Siya mismo ang nag-design niyon. Niloko siya ng kanyang tita na order daw iyon ng isang celebrity na kapareho niya ng sukat, at kaya sila umuwi ng Pilipinas ay para i-deliver ang wedding gown at i-promote ang kanilang produkto. Ngunit pagdating nila ay siya pala ang bride at hindi niya alam kung kanino siya balak ipakasal ng kanyang ama.
"Ang sabi mo promotion ang sadya natin dito?" aniya.
"Ariana," Leonor said as she pulled her long veil over her face, "you know very well we can never disobey your father. Puwede niya tayong i-deport mula doon anytime kung gugustuhin niya. And will you stop crying nasisira ang makeup mo."
Ariana didn't care. Kahit malusaw ang kanyang makeup ay wala siyang pakialam. Maayos na ang lagay niya sa France at proud na proud pa man din siya sa disenyo niyang gown. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng fulfillment sa kanyang buhay, kaya hindi siya makapapayag na muling sirain iyon ng ama.
Tatakas siya. Kailangan lamang niyang maghintay ng pagkakataon.
Bumiyahe na siya kasama ang tiyahin at dalawang guards. Akala niya ay pa-simbahan sila, ngunit nang lumabas siya ng kotse ay nagulat siya nang mapag-alamang naroon sila sa bahay ng nasira niyang ina.
The place was so beautiful. Tinamnan iyon ng maraming bulaklak sa paligid. Sigurado siyang plastik ang ilan doon dahil hindi mabubuhay ang ganoong mga uri sa Pilipinas, ngunit kapag tinitingnan lamang ay hindi halata. Carpeted ang aisle, at sa dulo niyon ay naroon ang pari na naghihintay sa kanya.
Para lang siyang bumalik sa dati. When the bridal march music started playing, about a hundred heads all turned to see her. Totoong pinangarap niya ang ganitong kasal, kung saan nakasuot siya ng gown na sarili niyang disenyo at naglalakad siya sa gitna ng maraming bulaklak. But she didn't know who her groom would be. Baka masahol pa iyon kay Michael.
Iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon. Nilayuan na siya ng kanyang mga guwardya at ang kanyang ama ay papalapit pa lamang. She had to go. Hindi na mahalaga kung saan man siya mapadpad.
She ran like the wind with no specific place to go. Narinig niyang may humahabol sa kanya ngunit hindi niya nilingon ang mga ito. Hindi na niya alam kung gaano kalayo ang natakbo niya nang mapadpad siya sa pastulan ng mga baka. Bumaon sa lupa ang takong ng sapatos niya, at nang yumukod siya para tanggalin iyon ay may brasong pumalibot sa kanyang baywang.
"Let me go!" nagpupumiglas niyang sigaw ngunit masyadong malakas ang lalaking nakahawak sa kanya. "I don't want to marry anyone!"
"Not even me?"
Napatda siya sa narinig na pamilyar na boses. Mabilis niya itong nilingon and she could not believe the handsome face that she saw.
"L-Lawrie!" she stammered as he loosened his grip on her and they stood face to face. Biglang nanginig ang kanyang mga kamay at nagbabala ang luha mula sa kanyang mga mata. "Is it really you?"
Napangiti ang lalaki. "Your father said that you will obey whatever he'd tell you, but it looks like you've learned to disobey him now."
Kinagat ni Ariana ang ibabang labi at tumulo ang butil ng luha sa kanyang pisngi. "I didn't know it was you. Ba't kailangan n'yong ilihim sa akin?"
"It was your father's idea," sagot nito. "But yes, we shouldn't have. I should've asked you instead. So, will you marry me?"
Tulala siyang tumitig dito. Halos hindi siya makapagsalita sa labis na ligayang nadarama nang sandaling iyon. Finally, the man she loved uttered those words to her. "Y-yes!" sigaw niya at niyakap ito.
Natatawang niyakap siyang maigi ni Lawrie. He held her as though he had never seen her for a decade. He held her so tight like he would let her out of his sight again. "I'm sorry I hurt you," he whispered against her hair. "Kinailangan kong samahan si Louie at wala akong kasiguruhan n'un makakabalik pa ako. Isa pa, akala ko kasi gusto pa rin akong hiwalayan at hinihintay mo lang matapos ang six months. Nagdesisyon na akong tapusin na iyon habang kaya pa kitang pakawalan."
Tiningala niya ito at hinaplos ang mga pisngi nito. "It doesn't matter now. You're here anyway."
Tinitigan siya ni Lawrie, a deep tender stare that melted her heart away. "I forgot to tell you one thing before I left."
Tumaas ang isang kilay ni Ariana. "What is it?"
Lawrie smiled and lowered his head until their lips almost touched. "That I love you, too."
Muling tumulo ang luha niya sa narinig. Wala na sigurong tutumbas pa sa ligayang nadarama niya nang sandaling iyon. "When did you just realize it?"
"I knew it the moment I saw you naked in my bathroom," biro nito at sabay silang tumawa.
His lips caught hers and they both fell silent. They both moaned, and suddenly they were lost into a place where only the two of them existed.
Hindi alam ni Ariana kung gaano katagal ang lumipas nang makarinig siya ng boses. Nang binitawan siya ni Lawrie at lumingon siya ay nakita niya ang ilang mga tao, kasama ang kanyang mga magulang, na nanonood mula sa di-kalayuan.
Pulang-pula siyang tumingin kay Lawrie na nakangisi noon.
"We'll do that again later," anito at hinawakan ang kanyang kamay. "Because now we have a wedding to attend to. Hinihintay na tayo ng pari."
She smiled and went with her husband. Ito na nga ang kasal na pinapangarap niya mula pagkabata. It did not go exactly as she wished it would. But this was even better than all her girlish fantasies. Now looking at her husband who was staring and smiling at her as though she was the most beautiful thing he'd ever seen, she knew she would be happy with him... forever.~Wakas~
![](https://img.wattpad.com/cover/364408956-288-k669706.jpg)
YOU ARE READING
A Stranger's Love - Rebecca Rosal
Romance"Listen," pilit na kumbisi ni Ariana Kay lawrie, "kasalanan ito ng kapatid mo, so it's either you surrender your brother to the law or marry me." Magkasalubong ang mga kilay nito nang lumingon sa kaya. "Do you honestly want to marry me?