CHAPTER FIVE
Opo, Daddy," sagot ni Ariana sa ama na kasalukuyan niyang kausap sa cellphone. "We'll be there for sure."
"Don't be late," bilin pa ng ginoo .
Napabuntong-hininga siya nang ibinaba ang telepono at napahaplos sa kanyang noo. Problema niya ngayon kung paano kukumbinsihin si Lawrie na sumama sa kanya sa wedding anniversary ng mga magulang niya kinabukasan.
Kailangan niya itong tawagan, ngunit hindi niya alam ang numero ng cell phone nito. Hindi rin niya alam ang numero ng opisina nito. Hindi na nga niya namamalayan ang presence nito sa sarili nitong pamamahay.
Mula noong sundan niya ito sa restaurant kung saan nito kinatagpo si Chloe ay hindi na niya ito muli pang nasilayan.
Pinagsisihan niya ang ginawa niyang pagsunod sa kotse nito noon habang nakasakay siya sa isang taxi. Nais lang sana niyang makita ang nobya nito na hindi nito magawang makalimutan, subalit lalo lang niyang pinasama ang kanyang damdamin. Naapakan pa nang husto ang kanyang pride.
Malaki ang restaurant na iyon at maraming tao kaya hindi siya napansin ng mga pareha nang umupo siya sa isang tabi. Mula roon ay lihim niyang pinagmasdan ang magsing-irog na magkahawak pa ang mga kamay. Hindi naman pala ganoon kaganda si Chloe, ngunit napakabait at napakalambing nito sa nobyo. Nagsubuan pa ang mga ito ng pagkain at matapos bayaran ni Lawrie ang bill ay inakbayan nito ang babae habang palabas.
Muli niyang sinundan ang mga ito palabas hanggang sa sumakay sila sa kotse. Wala siyang nakitang taxi kaya hanggang doon na lamang siya. Mas mabuti rin sigurong hindi niya makita kung saan pa tutungo ang mga ito.
Mag-isa siyang nagpunta sa party ng kanyang tiyahin at nagrason sa mga kamag-anak niyang nasa abroad si Lawrie kaya hindi nakarating.
Ala una na ng madaling-araw siya umuwi ngunit hindi pa dumarating si Lawrie noon. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Natural magdamag nitong kasama si Chloe sa kung saan man nagpunta ang mga ito.
Bumuntung-hininga si Ariana habang papasok sa kuwarto ng asawa. Mula pa naman noong umpisa ay binalaan na siya nito na huwag niyang papakialaman ang extra marital affairs nito. Pinayagan niya iyon kaya wala siyang karapatang magreklamo. Gayon pa man, naiinis siya.
Para siyang inaapi. Hindi pa siya kailanman naapi nang ganoon sa kanyang buhay. Nais na niyang umalis sa bahay na iyon, ngunit hindi pa maaari. Kailangan pa niyang habaan ang kanyang pasensya. Kaunting tiis pa, matatapos din ang lahat ng ito.
Kinalkal niya ang drawer ng mesa ni Lawrie para hanapin ang address ng opisina nito. Nakakatawang isipin na asawa na niya ito ngunit wala siya halos alam tungkol dito.
Hindi niya alam kung bakit ito biglang nagbago. Akala pa naman niya ay magkakasundo na sila. Napakainit ng mga halik nito sa kanya nang gabing iyon na hanggang sa kasalukuyan ay nagpapakilig pa rin sa kanya, ngunit pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya.
Nakahanap siya ng ilang piraso ng calling cards ni Lawrie. Kumuha siya ng isa at lumabas ng silid. Tatawagan sana niya, ngunit naisip niyang mas mabuti sigurong kausapin niya ito nang personal para mapakiusapan niya kung sakaling hindi ito pumayag na samahan siya sa anniversary party ng mga magulang.
Nagsuot siya ng strapless mini-dress at pinatungan iyon ng maliit na blazer. Kailangang formal ang hitsura niya dahil kompanya iyon. Naglagay siya ng kaunting makeup sa mukha at ipinusod ang kanyang buhok sa kanyang batok. Sa ganoong hitsura niya ay hindi na siguro siya pagdududahang asawa ng CEO.
Pagpasok niya sa opisina na itinuro ng receptionist ay nakilala niya agad ang babaeng nakaupo sa harap ng front desk. Iyon din iyong babaeng nakita niyang kausap ni Lawrie noong araw ng kanilang kasal at nagbalita rito ng tungkol kay Chloe. Hindi niya inakalang sekretarya pala ito ng lalaki.
"I am Mrs. Ariana Horado," pakilala niya.
Gulat na tumayo ang sekretarya at nakipagkamay sa kanya. "Ay, kayo po pala, Ma'am. Sorry hindi ko pa kasi kayo nakikita. Vicky po."
Nginitian niya ito at lumingun-lingon sa paligid. "'Andito ba ang asawa ko? May sasabihin sana ako sa kanya."
"Kalalabas lang po niya, Ma'am. May bisita kasi siya na galing Sweden."
"Kailan siya babalik?"
"Upo muna kayo, Ma'am." Itinuro nito ang sofa. "Gusto n'yo po ba ng kape?"
"Sure," sagot niya at pinanood itong tunguhin ang water dispenser. Isang minuto siguro ang nakalipas bago ito bumalik at ipinatong ang isang tasa ng kape sa katapat niyang mesa, saka ito bumalik sa desk.
"Naku, baka matatagalan si Sir Lawrie," saka lang nito sinagot ang kanyang tanong. "Kung gusto n'yo, Ma'am, tatawagan ko siya."
She waved her hand. "Huwag na, nakakahiya sa bisita niya. Hintayin ko na lang siya dito."
"Sige po, Ma'am."
Makaraan ang higit isang oras na paghihintay ay nagsisi siya kung bakit hindi na lang niya ito ipinatawag. Inip na inip na siya at nababagot. Nakatatlong tasa na siya ng kape. Hindi rin niya makausap si Vicky dahil halos sunud-sunod ang mga tawag na sinasagot nito.
Napatingin siya sa pinto nang may marinig siyang ingay. Sa wakas ay dumating na si Lawrie, ngunit may kinakausap pa itong isang dayuhan sa bungad ng pinto. When they finally said their goodbyes, she stood up to meet him. Hindi man lang siya nito pinansin at dumerecho kay Vicky.
"Paki-fax mo lang ito kay Mister Go. Urgent lang," utos nito habang tinatanggal ang blazer. "'Tapos ipaalala mo pala kay Charlene 'yung quotation."
"Eh, Sir, hindi pa raw naa-update 'yung quotation."
Napapasimangot si Ariana na nakikinig sa usapan ng mga ito. Mukhang nakalimutan na rin ng sekretarya na naroon siya at hindi naman siguro siya langgam para hindi makita ng asawa.
"And what is my wife doing here?" narinig niyang tanong ni Lawrie makaraan ang ilan pang minuto. Gulat siyang napatingin dito; magkasalubong ang mga kilay habang nakatungo sa kanya.
Bago pa siya makapagsalita ay inunahan siya ni Vicky. "Kanina ka pa niya hinihintay, Sir."
"Really." Tinungo nito ang desk. Isinabit nito ang blazer sa likuran ng swivel chair bago umupo at muling tumingin sa kanya. "Is there anything I can do for my beautiful wife?"
Kung sa ibang pagkakataon, baka na-flatter pa si Ariana, ngunit parang nanunuya lamang ang asawa. Nilapitan niya ito at umupo sa bakanteng upuan sa harapan ng desk nito. "I need to talk to you."
He raised an eyebrow, telling her to go on. Sa hitsura nito ay parang wala pa itong tulog. Pagod na nga kasi ito sa trabaho, inuuna pa nitong makipagkita kay Chloe kaysa umuwi at magpahinga.
"Wedding anniversary bukas ng parents ko," she started. "Kailangan daw naroon tayong dalawa."
Gaya ng inasahan niya, sumimangot ito. "Tell them I'm out of the country. I'm not going."
"That's what I told them noong birthday ng tita ko. Hindi na sila maniniwala kung magrarason ulit ako. I assured them that you will come with me. Everyone in my family wants to meet you."
"I'm busy, and you have no idea how I hate parties. I'm sorry but I can't."
Hinawakan niya nang mahigpit ang isang kamay nito. Kung kinakailangan niyang magsumamo ay gagawin niya huwag lamang siyang pagtawanan. Sigurado ring magagalit ang kanyang ama kapag nakahalata itong pinapabayaan siya ng asawa.
"Please, Lawrie. Kapag hindi ka pumunta doon baka magalit si Daddy at pagdudahan ang relationship natin. Just once, pagbigyan mo ako. I swear, I'm never going to ask for anything from you again."
Matagal na nanahimik si Lawrie, na parang binabasa kung tunay ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito.
"Okay," sa wakas ay aniya. Namilog ang mga mata nito. "But only this once. I will not be escorting you to any party again."
"Yes, I will never ask you again. Thank you!"
"But don't you ever mention anything about me being your hero. I don't want to hear anything about it, and don't make me lie."
"I won't. Don't worry."
"All right. Kung wala ka nang sasabihin, then you should go home. Don't bother me anymore."
Pinagdikit ni Ariana ang kanyang mga labi. Wala pa yata sa dalawang minuto silang nag-uusap at pang-aabala na raw iyon.
"Fine," aniya at tumayo na. "But be sure to come home before six tomorrow. Ayaw ni Daddy ang nale-late."
"Yes, yes. Now leave me in peace," tugon nito na parang hindi makapaghintay na iwanan niya ito. Para hindi ito magalit at magbago pa ang isip ay mabilis niyang kinuha ang kanyang bag sa lounge. Lalabas na sana siya opisina nang isang babae ang biglang pumasok.
"Hi, Baby!"
Nilingon niya ang babaeng mabilis na lumapit kay Lawrie at humalik sa mga labi nito.
She was shocked, frozen, paralyzed... Mas masahol pa sa sampung sampal ang isinupalpal sa kanyang mukha na makita ang sarili niyang asawa na nakikipagharutan sa harapan niya mismo, at sa harapan pa ng ibang tao. Ano na lamang ang sasabihin ni Vicky?
"What are you doing here?" tanong ni Lawrie na tumayo at umakbay kay Chloe. "Di ba mamaya pa tayo magkikita?"
Parang nagdilim ang paningin ni Ariana. Hinablot niya ang unan sa sofa at ibinato iyon sa mukha ni Lawrie. Gulat itong lumingon sa kanya at hindi nakapagsalita. How she wished she could have thrown at him the hot cup of coffee instead.
Bago pa siya makagawa ng iskandalo roon ay nagmamadali siyang lumabas ng opisina. Sa labis na galit ay parang nais niyang humagulhol ng iyak. Hindi na talaga matapus-tapos ang pang-aalipusta ng lalaking iyon sa pagkatao niya. Ano na lamang ang mukhang ipapakita niya kay Vicky? Anak siya ng police chief at abogada na niloloko ng sarili niyang asawa sa harapan niya mismo. Nakakahiya! Mas nakakahiya pa kaysa noong maabutan siya ng ama na nakatapis lamang ng tuwalya sa kuwarto ni Lawrie. Kung puwede lamang sana siyang maglaho na lang sa mundo.
LAWRIE STROKED his aching cheek as he got out of his car. Akala niya ay maiintindihan ni Chloe, ngunit nakatikim lang siya muli ng isang malakas na sampal mula rito.
Hindi niya binalak na sirain ang pangako niya sa nobya matapos ang anim na buwan, ngunit habang asawa pa niya si Ariana ay hindi siya dapat nakikipagkita rito. Iyon talaga ang pag-uusapan nila kaya niya ito niyaya ng dinner dahil napapadalas na ang pagdalaw nito sa kanya sa opisina, and worse, nakita pa ito ni Ariana.
Ngayon hindi na lang kay Chloe siya may atraso kundi pati na rin sa kanyang asawa. Kung nagsumbong ito sa mga magulang nito, malamang bukas na bukas ay susugurin siya ng police chief.
Narinig niyang biglang bumukas ang main door. Paglingon niya ay nakita niya si Ariana na taas-noong nakatingin sa kanya. Mukhang hinihintay siya nito. Kung si Chloe kanina ay umiiyak na parang bata, ito naman ay galit na galit at handang magbunganga hanggang umaga.
"Buti naman at naisipan mong umuwi nang maaga," sinimulan nga nito agad ang pagtalak. "Talagang hihintayin kita dito kahit bukas ka pa umuwi."
Bumuntong-hininga siya habang hinuhugot ang susi at dere-derechong pumasok ng bahay na halos mabangga pa niya ang balikat nitong nakaharang sa pintuan. "'Andito na ako. Are you happy now?"
Na-detect naman nito ang sarcasm sa boses niya. "Aba, at ikaw pa itong galit?"
Throwing her a quick glimpse, he ignored her and headed to his room.
"Don't turn your back on me!" narinig niyang singhal nito. "Ngayon ka na nga lang umuwi, hindi mo man lang ako mabigyan ng kaunting oras. We have to talk!"
Pumihit siya at hinarap ito. "Give me one good reason why I should come home everyday. You're not even trying or at least pretending to be a good wife to me. Umagang-umaga, 'andiyan ka sa garden. Kahit sana ipagtimpla mo lang ako ng kape o saluhan mo ako sa dinner so I could at least feel that I am married."
Nanlaki ang mga mata nito at namaywang. "Hindi kasama sa agreement natin na pagsisilbihan kita."
"Then stop nagging me dahil hindi rin 'yan kasama sa agreement natin."
Mabilis itong lumapit sa kanya at tumingala para hamunin siya. "Then that settles it! Hindi ko na papakialaman kahit hindi ka na umuwi dito. Alam kong wala akong karapatang makialam sa mga extra marital affairs mo, pero huwag mo naman sanang ipamukha sa akin. Sa tingin ng mga tao, ako pa rin ang asawa mo.
"Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Martyr na hinahayaan ang asawang magloko sa harap niya mismo? Puwede namang sa hotel na lang kayo gumawa ng kahayupan ninyo. Magkasama na nga kayo gabi-gabi, bakit kailangan n'yo pang ipakita sa mga tao ang relasyon n'yo? Gawin n'yo 'yan kapag hiwalay na tayo, pero habang mag-asawa pa tayo, huwag kang hahalik ng ibang babae sa publiko!"
Nagsalubong ang mga kilay ni Lawrie. Sa haba ng sinabi ng asawa ay isa lang ang malinaw sa kanya: iniisip nitong si Chloe ang inuuwian niya kaya parati siyang wala sa bahay. Sa galit na nakikita niya ngayon dito ay parang hindi na lamang iyon dahil sa pride, nagseselos ito. Kahit kanina pa man sa opisina, nang batuhin siya nito ng unan, ay napansin na niya iyon.
"Before you complain about my extra marital affairs..." Naisipan niyang sakyan ang hinala nito. "Siguraduhin mo munang nagagampanan mo ang responsibilidad mo bilang asawa ko."
Her eyebrows met, puzzled. "Na ano?"
"I'm referring to your obligation. I'm a man. I have my needs. Kung hindi mo 'yan kayang ibigay sa akin, I have all the right to search for it somewhere else. Unless of course you are ready to be a real wife to me, then you can expect me to come home to you every night."
Biglaan ang pamumula ng mga pisngi nito. Marahil ay pinag-iisipan nito kung kakayanin ba nito ang kanyang kahilingan.
"Does that include making love to you?" she asked a moment later.
"Exactly. In the first place, pinag-usapan natin iyan noon bago tayo magpakasal, di ba?"
Lalo itong natulala. He laughed mischievously and opened the door of his room. Niluwagan niya ang suot na kurbata habang papasok doon.
"Fine, I'll do it," ani Ariana mula sa likuran niya na labis niyang ikinagulat. "But you have to start behaving yourself in public from now on."
Natawang tinanggal niya nang tuluyan ang kurbata at isinunod ang kanyang dress shirt. "You have my word."
Nilagay niya ang hinubad na damit sa laundry basket at nang muli niya itong harapin ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Siguro ay kanina pa nito tinititigan ang kanyang likuran.
Napangisi siya nang mamula ang mga pisngi nito. She tried to look away, pero alam nila pareho na nahuli na niya ito.
"Since we've come to an understanding," sabi niyang kunwari ay hindi napansin ang pamumula ng babae. "Go to your room and wait for me there. Maliligo lang ako sandali."
Wala itong naisagot at nagmamadaling lumayo na parang natakot na bata. Napatawa siya. That woman just wouldn't stop amusing him.
YOU ARE READING
A Stranger's Love - Rebecca Rosal
Romance"Listen," pilit na kumbisi ni Ariana Kay lawrie, "kasalanan ito ng kapatid mo, so it's either you surrender your brother to the law or marry me." Magkasalubong ang mga kilay nito nang lumingon sa kaya. "Do you honestly want to marry me?