Chapter 4

1.1K 11 1
                                    

CHAPTER FOUR

Dalawang araw lamang ang kinailangan ng ama ni Ariana para makakuha ng special license para sa kasal nila ni Lawrie. Habang naghihintay ng wedding day ay pinatira siya sa hotel kung saan binantayan siya ng isang bodyguard at dalawang katulong. Kailangan daw niyang maprotektahan habang nakikipag-areglo ang ama niya sa pamilya Navarro. Galit na galit daw si Michael at gusto siyang makaharap, ngunit hindi ito pinagbigyan ng ama.
Ang ipinalabas ni Francisco ay iniligtas siya ni Lawrie sa kamay ng kidnapper na hindi napangalanan. Itinago nito ang lahat ng impormasyon tungkol sa abandonadong kotse kaya wala nang maituturong suspect. Kapag lumabas ang balita na nagpakasal siya sa kanyang rescuer ay iisipin na lamang ng mga tao na pagtanaw niya iyon ng utang-na-loob. Makakabawas daw iyon sa kahihiyan ng pamilya Villaroel.
Alas dos na ng hapon at anumang oras ay darating na si Lawrie para sunduin siya. Nakakalungkot na ang pinangarap niyang mala-fairy tale na kasalan noong bata pa siya ay magiging lihim na lamang sa loob ng isang masikip na bulwagan na dadaluhan lamang ng limang katao–ang mga magulang niya, ang kanyang Yaya Benita at dalawang saksi. Kung gaano kagarbo ang gown niya sa naunsyaming kasal nila ni Michael ay ganoon naman kasimple ang suot niya ngayon. It was a knee-length, plain white, off-shoulder dress with tiny flower decorations along the straps.
Ipinusod ng isang katulong ang kanyang buhok na pinalamutian ng ilang crystal beads, saka nito inilagay ang belo. Siya na mismo ang naglagay ng kanyang makeup at isinuot niya ang pearl set na dating pag-aari ng namayapa niyang ina.
"'Andyan na si Kuya Lawrie," anang isang katulong na sumilip sa pinto.
Huminga siya nang malalim at marahang tumayo. Kinakabahan siya sa nalalapit niyang kasal, ngunit hindi siya natatakot na gaya ng naramdaman niya noong araw ng kasal sana nila ni Michael. Wala siyang dapat ipag-alala dahil mayroon na silang kasunduan. Pagkatapos ng anim na buwan ay matatapos din ang lahat.
As she stepped out of the room and saw him standing beside the couch, she was mesmerized by his gorgeous appearance. Wearing an elegant white suit with a corset on his chest and his hair neatly combed with some strands falling at the sides of his forehead, he looked exactly like the perfect prince she had been dreaming of.
"Ready?" tanong nitong nakataas ang isang kilay, na siguro ay napansin ang kanyang pagkatulala.
Embarrassed, she struggled to get back to her senses. Iniabot nito ang bouquet ng white roses at inabot ang kanyang kamay. Hindi man lang nito pinuri ang kanyang hitsura kaya bahagya siyang na-disappoint. Sanay kasi siyang pinupuri ng sinumang lalaking makakita sa kanya kapag nakaayos siya para sa isang okasyon.
Isang oras silang na-traffic sa highway at sa haba ng oras na iyon ay wala ni isang nagsalita sa kanila. Gaya niya ay pinipilit pa rin nitong tanggapin ang kasalang kapwa nila hindi ginusto.
"Let's go," halos pabulong na lamang ang boses nito nang alalayan siya papasok sa maliit na bulwagan kung saan nadatnan nilang naghihintay ang judge at limang panauhin.
Napansin niyang parang nais nang maluha ni Lawrie ngunit ayaw lang nitong ipahalata. His sadness went through her conscience, but it was too late to back out.
Napakatahimik ng lahat habang nakaupo sila sa harapan ng judge at kasalukuyan silang sinesermunan tungkol sa pagpapakasal, mayamaya ay narinig niya ang paghikbi ng kanyang yaya. Nalulungkot marahil ito sa kinasapitan niya. Hindi lang nito alam na para sa kanya ay bendisyon ng kalangitan ang nangyaring iyon dahil natakasan niya ang miserable sana niyang buhay kasama si Michael.
When they were asked to rise for the exchange of rings, her face flushed in embarassment. Nakalimutan niyang asikasuhin iyon.
Nakahinga siya nang malalim nang dumating ang babaeng may hawak na cushion kung saan nakapatong ang dalawang singsing. Kinuha ni Lawrie ang mas maliit at isinuot sa nanginginig niyang daliri. Isinuot din niya sa daliri nito ang isa at nang magtama ang kanilang paningin ay parang biglang lumiwanag ang mga mata ng lalaki. Hindi gaya kanina na parang pasan nito ang daigdig.
Isang munting ngiti ang gumuhit sa mga labi nito at marahan siya nitong hinalikan. Akala niya ay sa pisngi lamang, ngunit sa mga labi niya dumapo ang bibig nito. It was a brief kiss, but enough to awaken every nerve of her being. It felt warm, soft, gentle, yet strong and hard at the same time. Halos hindi siya makatayo nang tuwid nang lumayo na ito sa kanya.
Sa restaurant sila nagsalu-salo. Wala ang mga pinangarap niyang mga naglalakihang cake at magdamagang sayawan. Wala rin ang masasayang mga bisita na bumabati sa kanila at nagbibigay ng regalo. Naiiyak siyang isipin na naglahong parang bula ang mga pantasya niyang mga iyon.
Ganoon lang at isa-isa nang nagpaalam ang lahat sa kanila. Mula sa araw na iyon ay roon na siya sa bahay ni Lawrie titira at naroon na rin ang mga gamit niya. Narinig pa niyang binalaan ng kanyang ama ang asawa niya na kapag niloko siya nito ay hindi nito mapapatawad ang manugang, bagay na nagpakaba sa kanya.
Madilim na nang makauwi sila, at gaya ng hiniling niya ay naglaan ito ng isang kuwarto para sa kanya, sa tabi mismo ng silid nito. Isang palapag lamang ang bahay ni Lawrie ngunit may apat na kuwarto, bukod pa sa sala at kusina. Kakasya na roon ang isang maliit na pamilya.
"Nand'yan na ang mga gamit mo," imporma ni Lawrie sa kanya bago siya pumasok sa kuwarto. "Inayos na kahapon ng yaya mo. I'll just take a shower."
Tumango siya at hinintay itong umalis bago niya isinara ang pinto. Naligo siya at pinatuyo ang kanyang buhok. Isang manipis na night dress lamang ang kanyang isinuot dahil batid niya ang kasunduan nila ni Lawrie.
Kinakabahang umupo siya sa kama habang naghihintay. Naalala niya ang hubad na katawan noon ng lalaki nang pumasok ito ng banyo kung saan siya nakagapos. He had those beautiful muscled arms, wide chest and six-pack abs. Dati ay isang bangungot iyon sa kanya, subalit ngayon, habang nagbabalik ang isipan niya sa sandaling iyon ay napapangiti siya.
Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin ito dumating. Baka nakalimutan na nito ang kasunduan nilang iyon. Kung magkaganoon ay dapat siyang matuwa, ngunit bakit parang hindi?
Nakarinig siya ng tinig mula sa labas. Sumilip siya at nakita si Lawrie na nakikipag-usap sa isang middle-aged na babae na nakasuot ng malaking eyeglasses.
"Kahapon pa raw siya tumatawag sa 'yo pero hindi mo siya sinasagot," anang babae.
"Damn!" anas ni Lawrie na hinahaplos ang noo. Mukhang malaking suliranin ang dala ng babaeng iyon. "Alam na ba niya?"
"Kumalat kanina ang balita sa opisina. May nakakita raw sa 'yung may kasamang nakabelo. Imposibleng hindi umabot sa kanya."
Nagsalubong ang mga kilay ni Ariana. Hindi niya alam kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito, ngunit parang masama ang kutob niya.
"I'll go see her right now," ani Lawrie. "Kakausapin ko siya."
"Kung bakit kasi hindi mo muna siya kinausap bago ka nagpakasal? Girlfriend mo siya. Siya dapat ang unang nakaalam."
Napamulagat si Ariana. May girlfriend pala ito! Kung bakit hindi nito iyon binanggit sa kanya noon.
"I tried," inis na sagot ni Lawrie. "But I didn't know how to tell her. I was such a coward!"
"Of course, you are," she said against clenched teeth as she pushed the door close. Ayaw na niyang marinig pa ang pinag-uusapan ng mga ito.
Nagkahalu-halo na tuloy ang nararamdaman niya. Hindi niya mapigilang makonsyensya para sa isang babaeng nasaktan pala niya. Higit pa roon, bakit parang naiinis siya? Bakit parang masakit tanggapin na kailanman hindi mapapasakanya ang puso ni Lawrie dahil mayroon na pala itong ibang minamahal?
Siguradong malaking gulo ang kahahantungan nito. Kung alam lang sana niyang may nobya si Lawrie, tumakas na lamang sana siya papuntang Paris, gaya ng suhestyon ng kanyang madrasta.

ISANG MALALIM NA HININGA ang pinakawalan ni Lawrie nang pumasok siya sa kuwarto ni Ariana at naabutan itong mahimbing nang natutulog. Kahit ang lampshade lamang ang nagbibigay-liwanag sa silid ay kitang-kita pa rin niya ang bawat detalye ng mala-anghel nitong mukha.
He remembered his first sight of her–that beautiful naked body that haunted his dreams ever since. Many times he dreamt of touching those soft curves and kissing those luscious lips. But then he would wake up to find his bedside empty.
Marahan siyang umupo sa tabi nito at hinila ang kumot hanggang sa dibdib nito. Sa suot nitong manipis na night dress ay halos nakikita niya na ang hubad nitong katawan. He could have her now, as they had agreed upon in exchange for this marriage. But somehow he could not find the guts to disturb her sleep.
He reached out over her head and lightly brushed the strands of soft hair flowing over the pillow. Hindi siya makapaniwalang may asawa na siya, at isang napakagandang babae na anak ng matapang na police chief at masungit na abogado. Hindi niya matukoy kung suwerte ba ang dumapo sa kanya o sandamakmak na kamalasan.
Nagulat siya nang makarinig siya ng mahinang ungol mula sa dalaga at hinawakan nito ang kanyang kamay. Akala niya ay nagising na ito, ngunit nang tingnan niya ay nakapikit pa rin ito at may ibinubulong.
"My prince, you've come to my rescue. Don't leave your princess again." Iyon lamang at muli itong nanahimik.
Ilang sandali pa bago rumehistro sa isip niya ang sinabi nito, at hindi niya napigilang matawa. Kung hindi lang dis-oras ng gabi ay malamang mapabunghalit siya ng tawa. Sa kabila pala ng ipinapakita nitong sophistication ay may itinatago pala itong childish fantasies.
Isang minuto ang lumipas bago niya napahinto ang sarili sa pagtawa. There was something about this woman that struck him the very first time he met her. Ito pa lang yata ang babaeng nakapagpatawa sa kanya, isang bagay na nalimutan na niyang gawin sa loob ng mahabang panahon.
Nang sunduin niya ito para sa kanilang kasal, pakiramdam niya ay para na rin siyang pumasok sa bilangguan. Ngunit nang magpalitan sila ng singsing at tumitig siya sa mga mata nito ay biglang gumaan ang pakiramdam niya, na para bang hinahaplos nito ang kalungkutan at pait naroroon sa kanyang puso ng loob ng mahabang panahon.
Huminga siya nang malalim at marahang tumayo, saka siya muling umupo sa single couch na malapit sa bintana. Hindi dapat mahulog ang loob niya kay Ariana. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang ginamit lang siya nito para matakasan ang isang taong siguro ay labis nitong kinamumuhian, sa puntong mas pinili pa nitong magpakasal sa isang estranghero.
Anyway, pagkatapos ng anim na buwan ay maghihiwalay rin sila at masisimulan na rin niyang muling ituwid ang kanyang buhay.
Naalala niya ang kasintahan niyang si Chloe. Gaya ng inasahan niya, dalawang sampal ang isinalubong nito sa kanya nang dalawin niya ito sa inuupahan nitong apartment.
Awang-awa siya sa hitsura kanina ng babae na umiiyak at hindi mapatahan. Sa kabila ng kabaitan nito, na kahit dalawang beses sa isang buwan na lang silang magkita ay pilit nitong iniintindi ang kanyang sitwasyon, ay nagawa niya itong saktan.
Tired and confused, he leaned back on the couch and closed his eyes. Hindi pa pala iyon ang huli sa mga problema niya. Kapag nalaman ni Louie na ikinasal siya ay siguradong magwawala iyon. Maging ang tiyahin niyang si Lourdes ay siguradong magugulat at sesermonan siya nang ilang oras.
Napakalaking gulo talaga nitong napasok niya, ngunit nangyari na ang lahat.

PAGMULAT NI LAWRIE ng kanyang mga mata ay nasilaw siya sa sinag ng araw. Nakatulog pala siya roon sa silid ni Ariana.
Rubbing his eyes, he slowly stood up and felt something fall on his feet. Nang tingnan niya ay isang manipis na kumot iyon na marahil ay ibinalabal sa kanya ng asawa habang siya ay natutulog.
Napangiti siya nang pinulot iyon at itinupi saka ibinalik sa kama. Wala na doon si Ariana at nailigpit na rin nito ang pinagtulugan. Kahit pala napapalibutan ito ng mga katulong ay marunong pa rin ito ng simpleng gawaing-bahay.
Naligo siya at nagbihis bago pumunta ng kusina para sana magkape nang masilip niya mula sa bintana si Ariana na may hawak na gardening scissors. Natakot siyang baka masugatan nito ang sarili at malagot siya sa ama nito kaya nagmamadali siyang lumabas.
"What are you doing with that scissors? Ibaba mo 'yan."
Napakatalas ng mga matang sinulyapan siya nito bago itinuloy ang ginagawa. Nilapitan nito ang mga damong matagal nang napabayaan. Sa suot nitong maiksing shorts at tank top ay nagmukha itong teenager.
"Pasalamat ka sa akin at pagagandahin ko itong bakuran mo," anito.
Nagtaka siya sa mataray nitong tono. Parang galit ito sa kanya. "I'm telling you, delikado 'yan. Ipapa-landscape ko na lang kung nababalisa ka."
"You don't know anything about me, Engineer Horado. Wala kang alam kung ano ang kakayahan ko."
Lawrie found himself smiling, once again amused of her. "Paano mo nalaman na engineer ako?"
"Naghalungkat ako sa kuwarto mo kagabi at nakita ko ang picture n'yo ng girlfriend mo!"
Nagulat siya nang batuhin siya nito ng maliit na sanga saka pinaggugunting ang mga damo na para bang pinanggigigilan iyon. Iyon pala ang ikinagagalit nito.
He laughed out loud. "So my wife is the jealous type."
"Hindi ako nagseselos!" Muli siya nitong binato ng mga dahon at binitiwan ang malaking gunting. "'Yung girlfriend mo ang iniisip ko! Kawawa naman siya. Kung sana sinabi mo noon, naghanap na lang sana ako ng ibang gustong magpakasal sa akin!"
"At ipinakulong mo sana ang kapatid ko?"
Tumiim ang kanyang mga labi. "Probably. Dapat lang naman talaga siyang maturuan ng leksyon. Kung patuloy mong pagtatakpan 'yang kapatid mo, mas malaki pang problema ang dadalhin niyan sa 'yo."
Nakaramdam siya ng pagkairita. "Don't judge my brother like you know anything about him," aniyang nalimutan ang ginawa rito ni Louie noong araw na nagkakilala sila.
"I don't have to know him well to tell that he's wrong. He needs to be disciplined."
"Ginagawa ko ang lahat para disiplinahin ang kapatid ko. You don't have to remind me."
Akala niya ay makikipagtalo ito, ngunit pinulot lang nito ang gunting at muling tinabas ang mga damo.
Aalis na sana siya nang may marinig siyang paparating na yabag.
"Kuya!"
Nagulat siya sa malakas na sigaw ni Louie. Paglingon niya ay mabilis itong lumapit sa kanya.
"Totoo bang pinakasalan mo 'yung babaeng iniregalo ko sa 'yo? Sabi mo hindi ka magpapakasal kahit kanino, bakit ka nagsinungaling sa akin?"
Panandalian siyang nagitla. Hindi niya gusto ang tono nito. "Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan, baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan nito."
"Sana inamin mo na lang na ako ang may kasalanan!"
Matalim niya itong tiningnan. "Sa tingin mo ba, buhay ka pa ngayon kung sinabi ko ang totoo? Sumosobra na 'yang kalokohan mo, Louie, and this time, nagkamali ka ng biniktima."
"Sumama siya sa akin! Hindi ko siya kinidnap!" depensa nito.
"Talaga?" biglang sabad ni Ariana na noon ay nasa tabi na pala niya at matapang na humarap kay Louie. "Dahil ba sumama ako sa 'yo, may karapatan ka nang igapos at hubaran ako? Malaki ang atraso mo sa akin, bata ka."
"Hindi ako bata!" sigaw nito.
"Fine. Isip-bata kung gan'un!"
Clutching her around the waist, Lawrie gently pulled her away. He knew Louie's temper; kahit babae ay sinasapak nito. "That's enough. Sirain mo na lang ang mga halaman d'un."
She struggled out of his grip and walked away. Binalikan nga nito ang mga damo at muli iyong pinanggigilan. Nang tingnan niya si Louie ay nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Ariana. Hindi niya iyon dapat ipagwalang-bahala. Hindi pa niya nakakalimutan nang minsan ay binuhusan nito ng sopas ang babaeng kasama niya noon sa restaurant.
"I'm warning you, Louie. Don't lay a finger on her, kung ayaw mong ibalik kita sa center."
"Parati naman, eh!" asik ng kanyang kapatid. "Gusto mo lang akong mawala sa buhay mo kaya mo ako dinadala doon! Sarili mo lang kasi ang iniisip mo!"
Hindi na siya nakapagtimpi at hinablot ang braso nito. "Sa tingin mo ba selfishness itong inako ko ang kasalanan mo? Sa tingin mo ba na ginusto kong magpakasal sa babaeng hindi ko man lang kakilala? Isinakripisyo ko ang pagkabinata ko para lamang mapagtakpan ka! At ngayon sasabihan mo akong makasarili?"
Nagtitigan silang magkapatid; mata sa mata. Akala niya ay lalaban ito, ngunit tinabig lang nito ang kanyang kamay at nanlilisik ang mga matang tumalikod at lumakad palayo.
"Saan ka pupunta....?"
The sight of his aunt interrupted him. Kasama pala nito si Louie. Siguradong mahuhuli siya sa trabaho nito sa mahabaan nitong pagsesermon.
"Pasok ka sa loob. Mag-uusap tayo," anang Tita Lourdes niya.
Napakamot siya sa ulo, nang si Ariana naman ang tumapik sa kanyang braso.
"Huwag mo namang ipamukha sa akin kung gaano ka kamiserable na pakasalan mo ako. Hindi ko rin ito ginusto."
Halos magdilim ang kanyang paningin. Parang ang sarap pagsasakalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. "I was merely explaining to my brother. It was nothing personal."
"Oo, pero hindi mo kailangang iparinig 'yun sa akin."
"Bakit? Nakaka-offend ba?" Lumakas ang kanyang boses. "Nakakainsulto ba sa status mo na kailangan mo pang mamilit ng tao para pakasalan ka? Ngayon pa lang, tanggapin mo nang hindi lahat ng lalaki sa mundo ay magkakainteres na pakasalan ka! Kahit ikaw pa ang pinakamagandang babae sa buong mundo, hindi mo hawak ang damdamin ko! You have no idea how miserable I feel right now!"
He was gasping furiously. Mula nang mapag-usapan ang kasalang iyon ay noon lang niya nailabas ang sama ng loob, ngunit nang makita niya ang naluluha nitong mga mata ay tila biglang may kumurot sa kanyang puso. Hindi niya inakalang masasaktan ito.
"Pagtiisan mo na lang ako ng six months," anang babae at saka pumasok ng bahay.
He drew a deep breath and cursed himself. Nasobrahan yata ang mga nasabi niya. Nakalimutan niyang kasalanan ni Louie kung bakit napadpad sila sa ganoong sitwasyon.

A Stranger's Love - Rebecca RosalWhere stories live. Discover now