Chapter 3

2.1K 32 3
                                    

Elai's POV

"Hello?"

"Hi Miss Elaissa Cleinne Mercado."

Lalaki? Sino naman 'to?

"Sino 'to?"

"Si Von."

Huh?! Von? Von... NOOO!!!!

"Ahh... sa'n mo nakuha number ko?"

"Wag mo nang alamin. 'Di yun mahalaga."

'Di daw mahalaga eh?! PRIVATE ANG NUMBER NI ELAISSA CLEINNE MERCADO!

"Eh... bakit ka napatawag?"

"Nakalimutan mo na yung kanina? HAHA!"

Hala? Patay! Ibaba ko kaya? Eh, for sure tatawag lang ulit yun eh. Tsk.

"Oh, andyan ka pa? Haha, wag kang kabahan. Dahil T-Shirt lang naman yung nagawan mo ng kasalanan, madali lang 'to." Narinig ko pa syang nag-chuckle.

Medyo nakahinga ako nung sinabi nyang "MADALI LANG 'TO"

"Ano ba 'yun?"

"Malalaman mo bukas."

So, it means... may bukas pa?! Talaga nga naman oh.

"Ano? Nawala ka na naman? Bye na nga. Tinatakot na kita eh," sa wakas!

Tapos binaba ko na din. Grabe... Pati ba naman bukas malas na? Aww. Akala ko ba there's always a rainbow after the rain? Eh RAIN 'tong araw na 'to e! Dapat bukas RAINBOW naman! Tss. 

Grabe! Nervouss.... Pero... dapat matulog! TOMORROW IS ANOTHER DAY!

"Hoy! Bangon na!"

HUH? I opened my eyes and... Duh! 6:15 palang ng umaga! Grabe naman yun oh. Tsss. Asar!

"Ang aga pa! AGH!" tapos I closed my eyes again.

"Bumangon ka na! Napag-utusan lang din naman kami. Be on school by 7 am daw!"

Napag-utusan? DUH?! Sino namang magtatangkang guluhin ako sa pag-tulog! Tss.

I am not CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon