Chloe's POV
Hello sa inyo!! Well... kilala nyo na ako di'ba? Pero, papakilala pa rin ako...
Chloeinne Jen Ramos. 17 din. Bestfriend ni Elai. Nagtataka siguro kayo kung bakit bestfriend ko pa rin sya kahit madami syang "HATERS." Siguro kasi... alam ko yung totoong nangyari sa kanya...
Yung iniisip ng iba na user sya... malandi at mang-aakit... kahit isa dun walang totoo.
Nakipaghiwalay kay Elai si Gelo... The worse is kinalat ni Gelo sa campus na ginamit at pinaglaruan lang sya ni Elai. Nung time na yun... di pa kami close ni Elai. Nung una naniwala ako kay Gelo. Campus heartthrob sya e. Actually... crush ko sya nun. At sa totoo lang... natuwa ako nung nag-break sila ni Elai. Pero... lahat ng paniniwala ko nagbago nung...
*Flashback*
Sa sobrang saya ko at single na ulit ang crush ko, nagtatakbo ako sa favorite place ko sa school... sa playground. Pero... may nakita ako na nakapagpabago sa lahat...
Si Gelo na pinaniwalaan ng lahat at kahit ako, napaniwala... may kasamang babae. Nakaupo sila sa ilalim ng puno. Lumapit ako ng konti para marinig sila...
Girl: Babe... oh ano na? How's playing with that girl?
Babe?! And playing with what?! A girl?!
Gelo: That was fun! HAHA! Sirang- sira na sya sa school na 'to. Poor Elaissa.
What?! Si...si...
Girl: Nagpadala naman kasi sya masyado e. Aw. BH tuloy.
Gelo: Akala mo kasi kung sino na. Babagsak sya ngayon!
After nun, umalis na ako. Di ko akalain na ganun e. Di ko na narinig kung bakit nya ginawa yun... basta ang alam ko... SIYA ANG MALI.
*End of Flashback*
Well, ayun nga... kaya eto ako! Todo support sa kanya! Si Erl, childhood friend nya yun, kaya ganun.
If nagtataka naman kayo kung bakit di ko pinaalam sa iba yung alam ko... kasi, baka mag-revenge sa'kin si Gelo at for sure wala din namang maniniwala.
Masakit sa'kin yun pero yun yung tama e. ^^
After nun, 1 week pa before ko sya naging friend. Pero, nung una may grudge pa ako... Ex sya ng crush ko e! Ngayon, okay na kami at masasabi kong intact na yung relationship namin.
Oh sya... tama na! Back to the Present tayo!
OMGSH... Classmate namin si.....
Buti nalang di War Freak classmates namin... kundi
WAAHH!
WAR 'TO!
[A/N: Thanks for reading! Vote. Comment. Be Fan.]
