Elai's POV
Totoo ba 'tong nakikita ko...
S--si... s-si...
"Gelo... Von... dito na kayo mag-lunch" sabi ni Chloe... Oo tama. You read it right. Si Von at si Gelo lang naman ang Boy 1 and 2 na 'to! Psh.
"Ahmm. Erl and Elai, dito na din kayo." si Chloe ulit yan.
"S-s--sige." Putol-putol na! Eh pa'no ba ako makakaimik ng deretso. Haler? Nakakagulat ang mga happenings!
"Yan ang gusto ko sa'yo Chloe eh! Lagi mo 'kong binubusog!" Dali naman nitong si Erl! Tsss.
Hindi ko alam ang gagawin ko eh. Nagpunta ako dito mag-isa kasi yung maghahatid sa'kin nakaaway ko! Tapos biglang dadatnan ko sya dito! Tapos eto namang EX ko nandito din! Aba. Ano namang buhay itong meron ako?
"Ahh. Chloe." sabi ni Gelo tapos humarap sya kay Chloe, "di na ako magtatagal. Gusto ko lang namang i-invite kayo ni Clei sa birthday ko eh."
HA?! Sino daw? Si Clei daw noh? Eh di ba ako yun? Pinapapunta nya ako?! Tsh.
"Nga pala... Erl. Since nandito ka na din lang naman, sama ka na. Madaming food dun!" Sus. Eh nandito din naman si Von ah!
"Talaga?! Sige!" Para talagang bata si Erl. =___=
Bigla na lang akong hinila ni Von. Ang higpit nang pagkakahawak nya kaya di na ako nakapalag. Dinala nya ako sa may Living Room.
"Cleinne... Sorry kanina ha. Ahmm. Di muna ako mag-sosorry ng ayos ngayon. Mamaya na yun. Ahh... kung di mo kayang sumama sa Party... wag." Bakit ganto sya? Lagi na lang syang nandyan paggulong-gulo na ako.
"I--Ian!" tapos niyakap ko sya.
"Uyy... mamaya na 'yan. Makita pa nila tayo eh. Wala kasi ako dun para tulungan ka at bantayan ka eh. Di nga ako invited eh!" Sus. Hahaha! Sige... may plano ako!
"Oo na! Tara na dun?" tapos nag-nod sya.
Pagbalik namin... nakatingin sila sa amin.
"Gelo... ano bang gagawin ko dun sa birthday mo? Ha? Eh... kung wala naman edi pwede bang hindi na pumunta?" Eto ha! Nilalakasan ko na loob ko!
"Ha? Di pwede eh... kakanta ka dun eh. Tradition na din na kumakanta tuwing party ko eh." Psh! Tradition yun nung tayo pa! Pero... sige. Hahaha. That's what you want? I'll do it!
"Sige ba. Pero... pwede ba favor?" Tsss. Ano yun papayag ako ng walang kapalit? NO!
"Ah... ano yun? Anything." Anything ha? Go.
"Sasama lang ako if kasama ang mga kaibigan ko. Well... siguro naman ayos lang yun dahil konti lang talaga ang friends ko dahil inayawan ako ng lahat ng dahil sa'yo tapos biglang lolokohin mo lang ako. Hahaha. T*nga ko noh?" Sana naman nasaktan sya! PSSSH!
"Ahh... kasama naman sina Chloe at Erl eh." Ahh sila? Oo nga naman! Friends ko sila eh. Pero kulang pa.
"Ahh... oo nga eh. May nakalimutan ka pang isa eh..."
"Ha? Sino ba?"
"Si Ian." Wahahaha! Di ba sadya naman? Friends kami!
"IAN?!?!?" Sabay-sabay pa sila ha! As in silang apat! Hahahaha.
