Chapter 4

2.3K 26 1
                                    

Von's POV

Oo. Tama nga kayo. Ako nga ang new classmate slash seatmate ni Elai. Natutuwa ako sa kanya eh. Sa totoo lang, di ko naman talaga balak na ipahiya sya nung natapunan nya ako ng juice. Naaawa nga ako  sa kanya nun eh. Alam nyo ba na nung nabunggo nya ako, pansin ko na may luha yung mata nya? Ewan ko ba pero yung feeling ko eh kasalanan ko pa kung bakit sya umiiyak. Weird ko eh.

Pero syempre... may pride din naman ako noh. Bibigyan ko rin sya ng parusa... ganti ba. Pero, sweet revenge nga lang. Alam ko kasi na madaming galit at may ayaw sa kanya sa campus eh... sobrang naaawa nga ako eh. Alam ko namang wala syang kasalanan eh. Hanggang ngayon di pa ako nakakaisip ng revenge eh kaya kinulit ko muna ang management na i- transfer ako sa section nya. Di ko naman pinlanong magiging magkatabi kami noh.

Habang nag-lelecture yung prof namin... biglang may tumulo sa may kamay ko. Luha ata? Yung table kasi isang mahabang magkadikit eh. Pagtingin ko kay Elai, umiiyak nga!

"Umiiyak ka?" Ayy loko! Nakita ko na ngang naiyak di 'ba?

"Sorry..."

SORRY?! Bakit sya nahingi ng tawad? May ginawa ba sya?!

"Ha? Bakit ka nag-sosorry?"

"Ah. Wala. Pasensya na ha... ikaw pa nakakita. Iniisip mo siguro ang babaw ko noh," tapos nag-smile sya halata namang pilit.

"Wag kang ngumiti kundi mo kaya."

Tapos hinila ko sya palabas ng room. Walang pakialam yung teacher baka gusto nyang tanggalin ko sya sa trabaho. (Ayy... oo nga pala... kami may-ari ng school eh).

"Sa'n tayo?" Tanong nya.

"Ewan, kahit saan. Dun sa lugar na pwede mong iiyak lahat ng 'yan."

Ala?! Ako ba 'to? Cheesy. Ang gay.

Tapos nag-stop kami sa may parang park dito sa school. Naupo kami sa may bench sa shed. Nakatingin lang sya sa'kin. Grabe halikan ko 'to eh!

*************************************

Elai's POV

Si Von? Iba sya ngayon ah... Parang... ewan? Ang bait nya ehh. Dinala nya ako sa Campus Park. Nandun lang kami sa shed. Tinitingnan ko sya hanggang tumulo na yung luha ko.

"Iyak lang. Sige. Sabihin mo sa'kin lahat. I will listen."

Siya ba 'to?

"V--Von... a--yos lang ba talaga? Baka kasi... alam mo na. P--pag--tawanan mo la--"

"Hindi. Makikinig ako."

Iyak lang ako ng iyak. Nilagay ko yung forehead ko sa balikat nya.

"Von... bakit ganyan kayo? Ang sakit eh. Sobra. Iiwan ka ng 'di mo alam kung bakit."

I am not CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon