It’s already midnight pero hindi pa din ako makatulog. Naiisip ko pa din yung nangyari kanina. Nakakaguilty . Okay na kaya sya? Bigla kong naalalang ibinigay nga pala ni Dex ang number nya bago sya umalis. Maitext nga.
To : Miss Den
Hi. Sorry ulit sa nangyari kanina. Anyway, ok ka na ?
7 mins later …
Wala pa ding reply. Baka tulog na. Humiga na ko para makatulog na din.
*beep*
From: Miss Den
Gabriel? How d’ya get my number? Ok na ko. You don’t have to apologize, it’s not your fault.
Napangiti muna ako bago nagreply.
To: Miss Den
Yup ! Kay Dex. Binigay nya saken before he left.
15 mins later …
Hindi na nagreply. Tulog na siguro. So I decided na matulog na din.
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnggg *
Pinatay ko alarm clock ko sa may katabing table. Minulat ko na ang mata ko. AWW. Umiikot ang paningin ko. Hindi na ko makatayo, pakiramdam ko matutumba ako. Naisip ko bigla. Si Den ! Hindi to pwede ! Walang makakasama si Den .. Tumayo ako.
*BOOOGSH *
Sabi ko na nga ba matutumba ako e. >.<
Pumikit ako. Unti-unti akong tumayo –- dahan-dahan hanggang sa makabalik ako sa kama ko. Humiga na lang ako, hindi talaga kaya. Binalot ko ng kumot ang katawan ko. Ang lamiiig !
DEN’S POV
Tanghali na. Hindi man lang sya nagpapakita. Wala man lang text, tawag o pasabi ?? Asan na kaya siya? Ano naman kayang nangyare dun? Wala tuloy makasama.
“Miss, excuse me..” sabay kalabit ko dun sa babae sa may dining.
“Yes Miss Denise, may kailangan po kayo?” sagot naman nung babae.
“May itatanong lang ako, Do you know Gabriel? ..yung painter?”
“Hmmmm ..*with matching hawak sa baba naparang nag-iisip* Ahh ! *parang nagkalight-bulb sa ulo tapos sound effect (Ting!)* Yung gwapo ba Miss? Yung parang mga kasingtangkad mo tapos moreno? ..” OO ! GWAPO??? Yun na nga =__=
I nodded.
“Hindi ko pa po nakikita lumalabas ng room nya e ..Gusto nyo po samahan ko kayo dun?” sabay turo dun sa may medyo malayong cottage.
“ah! No thanks .” tumalikod na ko at tumalikod na din sya.
“ah… Miss, sige na nga. Samahan mo na ko sa kanya.” Hindi ko sya matiis. Worried na din ako. Baka kasi patay na o kaya naman patay na. BWAHAHA , ang harsh ko =__= . Anyway, joke lang yun. Bored lang ako. Wala kasi sya , walang makasama.
Eto na, dito na kami sa tapat ng room nya. Ano kayang meron??
“Iwan ko na po kayo Miss Den ..”
BINABASA MO ANG
That Second Girl of My Life
Teen FictionSabi nila -- " THE MORE YOU LOVE THAT PERSON, THE MORE YOU GIVE HIM THE RIGHT TO HURT YOU ..."Ano na lang mangyayari kung tama nga sila ? Pano mo pa ipapakitang mahal mo sya kung nasira mo na ang tiwalang binigay nya dati pa? Ano nga kayang ending...