CHAPTER FIVE: MAYBE I CAN ASK HER ON A DATE

36 5 2
                                    

"Whoooaaa ! " nanlaki ang mata ko sa nakita ko .Ang ganda kase. Eto pala ang tinatawag nyang peryahan. Sorry ha ! Ngayon lang ako nakakita ng ganto. Amusement park lang kase ang alam ko.

"First time??" tanong nya saken pagtapos nya magbayad sa tricycle driver.

Nag-nod na lang ako. Sobrang na-amaze nga yata ako sa lugar kaya hindi ko na naramdaman ang gutom ko.

"*&^%$#@!@#$%^&*" Epal naman tong tyan ko oh, tumawa naman sya. Bakit ba pag kasama ko sya ..palagi akong napapahiya? Epic.

"I guess ... kaen muna tayo. Mamaya na yang mga rides. They can wait pero yang tyan mo ..mukang hindi na." Nang-aasar yung smile nya. Etong tyan ko kasi e. >.<. Nag-pout na lang ako. Wala na kong masabi.

Dinala nya ko sa isang fastfood. After eating, dinala nya naman ako sa isang candy parlor. Andameng candies. Malamang ?! Err -- kaya nga candyparlor dba? ..baliw ko talaga.

"Patikim nga ng sayo Gab !"

"Huh? E pareho lang naman tayo ng binili ah.." parang nagtataka yung mukha nya tapos nilayo nya saken yung candy nya.

"Damoooot !" I pouted. kakainis ang damot naman nito para titikim lang e. Nakita kong ngumiti sya.

"Here!" inalok nya saken yung candy nya.

"Bat ganun?" sabay kong sabi pagtapos kainin yung kinuha kong candy nya.

"What?" parang nagtataka yung mukha nya.

"Hindi masarap!" tapos lumakad na ko palayo sa kanya.

"Huh?! Hoy! Teka lang.. pareho lang naman tayo ng candy ah. Pano nangyareng hindi masarap yung saken? Patikim nga nung sayo! " sinigaw nya saken kase medyo malayo na ko sa kanya. Nakita kong tiningnan nya ng may pagtataka yung candy na hawak nya.Nakakabaliw sya XD

"E kasi naman ang pangit mo ! " tapos nag-evil laugh ako ..ganto -- BWAHAHAHHA ! tumakbo sya palapit saken hanggang sa magkasabay na kami lumakad.

"Patikim nga nyan !" sabay turo sa candy ko.

"Ayoko! Ampangit mo kaya.. gusto ko dun!" tapos tinuro ko yung roller coaster na medyo malapit lang sameng dalawa. Tapos hinila-hila ko yung dulo ng t-shirt nya na parang bata.

"Game!" tapos hinila nya na ko at tumakbo na kame pareho. Pumila na sya para bumili ng ticket. Ako na naman nandun lang malapit sa knya. Madami daw kasing lalaki sa pila kaya sya na lang daw bibili baka daw mapagtripan pa ako e.

"Miss ! two ticket please .." nag-smile sya dun sa girl. Nag-wink naman sa kanya yung girl. Mukang nagulat sya dun sa reaction nung girl. Ang landi ng babaeng yun ah. Sasabunutan ko yun ! pigilan nyo ko ..pigilan nyo ko !

"Here ! Tara na?? "

"Tara! " kinuha ko yung ticket na inaabot nya. Sumakay na kami sa roller coaster.

Hindi naman sya masyadong mataas kaya hindi ako na natatakot pero SYET ! ang bilis naman ! Napahawak ako sa kamay niya . Feeling ko kasi mahuhulog ako ......sa kanya ! JOKE :p -- syempre sa coaster no? Naramdaman kong humigpit ng humigpit ang kapit nya sa kamay ko. Jusko ! kalalaking tao natatakot din yata. Nakakatawa sya. Natapos na ang paikot-ikot na mundo ko sa roller coaster na yun. Inalalayan nya ko pagbaba.

"Whoooo ! Da best yun Den ! "

"Na-ah..*i shook my head* Nahi...hilo ako , parang ....parang" O_O

*bbbbbbbb-lok* Napatakip na lang ako sa bibig ko pagtapos nun.

"Oh God! Sorry Gab.." sinabi ko yun ng hindi ako tumitingin sa kanya. Nahihiya ako, nasukahan ko pa sya. DENISE ! ENEBEYEN !? "Tara dun !" sabay turo ko dun sa may malapit na stall ng mga damit.

That Second Girl of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon