It was a really long day for me...
After that talk, I asked ate and the two "mokongs" if i could rest a little. They agreed but ate Jarm said that I should be prepared at 7pm sharp 'coz we will be having a night out with the Valencias, I just nod.
-toktoktok-
"JANEE!!! 6:30 na! Heyyy!" Mukhang nagmamadaling katok ni ate. Prepared na ako... Tinamad lang ako lumabas kasi feeling ko masyado nang malaki at malaya yung bago kong environment. Nagmumuni muni lang naman. Di ko alam kung anong meron pero parang nacuculture shock ata ako sa Maynila. Tsk. Mangyan self activated.
"Oo ate lalabas na." At binuksan ko ang pinto.
Tumambad sa akin ang naka white V-neck shirt at maroon shorts na si ate Jarm. Nakalugay lang ang long black hair nya na pinatungan ng black cap. Over-dressed ba ko o sadyang nakapang bahay lang sya?
"Huy tulala ka pa tara na!!!"
"Ate J, seryoso ganyan ka na?"
"Oo bakit? Pangit ba yung suot ko?"
"Hindi naman, okay lang kaso parang ang pangbahay masyado."
"Okay lang yan, wala naman akong pagagandahan dun." Sabay kindat nya sakin. Haaay, si ate talaga kahit kelan ganyan, kung hindi lang sya long-hair pagkakamalan ko talagang tomboy sya.
Gustong gusto kong pagpalitin ng damit si ate kaso nagulat ako nang biglang pumasok si Hexyl at tinignan ako mula ulo hanggang paa sabay balik tingin sa mukha ko at ngumiti.
"You look awesome. As always." At tinignan ako sa mata ng malalim. Yung tipong sinabi nya yun na may punong puno ng sincerity. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin maialis ang tingin sa kanya habang nakatitig parin sya sa mata ko mula sa malayo.
"Osya osya, tama na yan... Hexyl, kuya mo nasaan?!" Pambasag ni ate sa titigan namin nung natapos na syang magsuot ng sapatos.
"Nako ate, kaya nga kita pinuntahan eh, kanina pa yun sa kwarto hindi daw makapili ng damit. Gusto ka daw muna nya makita." Nagkakamot sa ulong sabi ni Hexyl.
"What for?!!! Ohh my God! Bwisit na bwisit na ko sa kuya mo ah!!! Parang bata!!!" Sabay badtrip na lakad ni ate papunta sa unit ni France. Binagsak ni ate yung pinto ng unit nya na as in parang magccrack yung dingding.
Nagulat na tinitigan ako ni Hexyl at mukhang ready na syang tumakbo. Nataranta nadin ako dahil kilala ko si ate. Hindi yun basta basta nagagalit over petty things. At lalong hindi sya basta basta nagagalit. Ano bang nangyari nung nawala ako?
Nagmamadali kaming sumunod ni Hexyl sa kwarto nila at inabutan naming nakatapis pa si France, kitang kita kung gaano ka-broad ang muscles nya at kung paano din syang umaktong bata sa harap ni ate na nagpapapili nang damit. Si ate naman feeling ko kukuha na nang kutsilyo para isaksak sa nagpapacute na mukha ni France. Halatang galit talaga si ate sakanya, at yun yung hindi ko malaman kung bakit dahil okay naman sila kanina bago ko sila iwanan.
Hinila ko si Hexyl palabas dahil hindi yun good timing para makisawsaw sa mood swings ni ate dahil lalo lang syang mababadtrip.
"Ano nanaman bang ginawang kalokohan ng kuya mo?!!!" Iritable kong bulyaw kay Hexyl.
"Hey, hey, hey, ikaw na mismo ang nagsabi... Ginawa ng kuya ko, hindi 'ko' . Bakit ka sakin galit?" Nagtataka nyang sagot.
"E syempre nandun ka kanina iniwan ko kayo syempre alam mo yun!"
"Alam mo, super dikit kami ni ate J" pinagdikit nya pa ang dalawa nyang pinky fingers para idemonstrate. "Pero para sakin, walang ginawang masama si kuya." Confident nyang sinagot.
BINABASA MO ANG
A Heart Fooled By Memories
Teen FictionTotoo nga ba ang lahat o tanging puso ko nalang ang nakakakita?