Narating namin ang condo ni ate Jarm nang hindi nag-iimikan, may mga pagkakataon na nakikita ko siyang sumusulyap pero agad din namang binabawi ang tingin kapag napapansin niyang tinitignan ko narin siya. Siguro natutunan niya narin yung salitang ‘boundaries’ kaya hindi na siya nagtangka na umarte pang parang friends kami.
Nagtext ako agad kay ate na malapit na ko kaya agad niya kong sinalubong sa parking lot na nasa pinakailalim na parte ng tower kasama ang isang lalaking pamilyar. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Pinark naman agad ni Hexyl ang Cooper sa bakanteng parking space sa tapat ng elevator kung saan nandon si ate at yung familiar guy. Habang tinatanggal ko ang aking seatbelt ay nakita kong ngising-ngisi na nakatingin si Hexyl sa lalaking tinutukoy ko. Yung itsura na para bang nakahanap siya ng kakampi. Weird.
Nauna akong bumaba na halos hindi makangiti dahil nakita kong lumapit ang familiar na lalaki sa Cooper ko at kinuha ang dalawang bagahe ko habang bitbit ni Hexyl ang dalawa pa. Inakbayan ako ni ate Jarm at nauna kaming maglakad patungong elevator.
“Ate”
“bakit?” seryosong sagot ni ate.
Ganyang talaga siya, medyo masungit at walang kamatayang serious! Jolly din ang personality niya pero minsan lang yun… mas madalas talaga yung seryoso at may sariling mundo.
“si---”
Natigil naman ang pagsasalita ko nang sumakay narin sa elevator ang familiar na lalaki kasabay ang nakangising si Hexyl.
“Hey Janey, ito nga pala si kuya France.” Kumindat siya sakin kaya nagsink-in na sakin kung ano ang gusto nyang iparating.
Ngumiti lang si familiar guy na si France pala. Laglag parin ang panga ko na palipat-lipat silang tinignan. Kaya pala malaki ang resemblance ng dalawa sa isa’t-isa! Mas matangkad nga lang ng mga 4 inches si France kay Hexyl. Nakita ko na siya noon pero masyadong malaki ang pinagbago nya kaya talagang hindi ko siya nakilala. Ang dating payat niyang pangangatawan ay naging mas matipuno pa sa toned na katawan ni Hexyl ngayon. No wonder kung bakit chick magnet ang isang to.
Pero bakit nandito siya?!
(Tinggg)
Bumukas ang elevator nang makarating na kami sa fourth floor. Ilang beses na kong nakapunta sa dating condo ni ate pero hindi maipagkakaila na mas maganda, malaki at sophisticated nga itong bago nyang unit. May dalawang kwarto at malaking living room ito. Maganda rin ang teal nyang kitchen na mukhang malinis na malinis.
Nilibot ko ng aking paningin ang bawat sulok ng condo. Binuksan ni ate ang mahaba niyang peach na kurtina at tumambad sa akin ang ganda ng asul na dagat. Napansin ko narin na pina full carpeted na nya ang kanyang sahig, kulay lavender ito. May bago ring sofa na kakulay ng kanyang kurtina habang ang walls niya naman ay kulay dirty white na may champagne border lines. Kakaiba talaga ang taste nitong si ate dahil kung gano ka strong at ka nakakatakot ang personality meron siya ay ganun naman ka soft ang bawat detalye ng buhay niya.
BINABASA MO ANG
A Heart Fooled By Memories
Teen FictionTotoo nga ba ang lahat o tanging puso ko nalang ang nakakakita?