Nalaglag ag panga ni mommy na para bang hindi makapaniwalang gagawan ako ng pabor ng isang Hexyl Valencia.
“Oh! Hijo!” lumapit si mommy kay Hexyl na pinisil ang magkabilang pisngi nitong may halong panggigigil. “You would never fail to impress a mom. Sure! Okay lang sa akin na ihatid mo siya but don’t forget to text me kung sinusungitan ka ni Janella ha! Akong bahala sa isang iyan.”
“Pero mom-”
“HEP! My decision is final! Wag mo naman sayangin ang pagmamagandang loob ng batang ito Jane. Bibihira na ngayon ang mga manliligaw na mage-effort nang ganyan!” Tinulak kami ni mommy palabas ng pinto at tuluyan na itong sinara kaya hindi na ko nakapagreklamo pa.
“Ikaw talagaaa! Ano bang problema mo?!”
“What? Ikaw tong may problema. Nagmamagandang loob lang ako.” Pa-cool niyang sagot na para bang aliw na aliw siya sa nangyayari at dumiretso palabas ng gate.
Sumunod ako sakanya dahil alam kong sa puntong ito wala na talaga akong magagawa pa. Hinarap niya ko na para bang may hinihintay.
“ANO?!” Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay nang matunton namin ang harap ng kotse ko.
“Key.” Simple niyang sagot na di parin maalis ang ngiti.
Mabilis ko iyong itinapon para tumama sa mukha niya pero agad niya itong nasalo. Umiling siya at pinipigilan ang pagtawa. Nagtungo siya agad sa driver’s seat at pinagbuksan ako mula sa loob ng sasakyan. Pinaandar niya ng matulin ang sasakyan kaya halos masubsob ako.
“Hoy magdahan-dahan ka nga! Feeling mo kotse mo tong pinatatakbo mo!” Sigaw ko na halos mapaos.
Agad siyang nagbreak at inilapit ang katawan sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang halos one inch nalang ang pagitan ng aming mga ilong. Napapikit ako dahil akala ko hahalikan niya ako pero nagkamali ako nang marinig ko ang pagtunog ng lock ng seatbelt ko.
Phew!
Dahan-dahan kong pinihit ang ulo ko para makita siya. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa kalsada. Nagmaneho na ulit siya pero mas smooth na ito ngayon.
Para mabawasan naman ang awkwardness sa pagitan naming dalawa ay kinuha ko nalang sa purse ko ang aking iPhone at nagbasa ng messages.
Cyrine BFF<3:
OH MY G JANEY! Anong ginawa mo kay SUPER HOT HEXYL!!! Ang dami mo nang haters dito sa school dahil pinahiya mo daw ang poging yon!
Seriously?!!! Ganon kabilis ang balita!?
Nags-scroll down pa ko at pumili ng iba pang text messages na pwede kong basahin.
Iniego Lacerna: (SSG President ng school na iknlose ko dahil crush ito ni Cyrine)
Umalis ka na daw? Di ka manlang nagpa-farewell party! Anyways goodluck at ingat sa biyahe. At oo nga pala, wag mo na masyadong intindihin yung mga hate messages mo sa wall mo sa Facebook dahil pinapahanap ko na ang mga nag-post at inireport sa SAO. Bye J
Nanlaki ang mga mata ko at para bang hindi magsink-in sa akin na ganun katindi ang naging bunga ng ginawa ko kay Hexyl. Halos masabunutan ko ang sarili ko dahil sa sobrang inis.
“What’s wrong?” concerned na tanong ni Hexyl.
What’s wrong, what’s wrong mong mukha mo!
Matalim ko siyang tinignan pero dahil sobrang nanghina ako at wala na kong panahong makipagtalo. Inalis ko ang tingin sakanya at kinuha ang pink kong travelling pillow tsaka isinandal iyon sa bintana, tamad akong humilig doon. Pinikit ko ang mga mata ko dahil gusto ko nalang mapabilis ang oras at makarating nang matiwasay sa Manila. Sigurado naman na kapag nakarating na ako doon ay titigilan na ako ng halimaw na to.
Konting tiis lang Janella, matatahimik ka rin
Maya-maya pa’y tumigil ang sasakyan. Dinilat ko ang aking mga mata at nakitang nasa drive thru kami ng isang American fastfood. Kung ano man ang inorder ni Hexyl ay hindi ko na pinakinggan. Binuksan ko ang wallet ko na nasa drawer ng sasakyan. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa akin si Hexyl. Agad niyang inagaw ang wallet kong ibinalik niya sa drawer bago pa ako makakuha ng pera at isinara iyon.
“I don’t let girls pay” seryoso niyang sinabi habang nakatitig sa akin.
Hindi na ako nagsalita dahil ayoko na ng gulo kaya inis kong itinaas ag dalawa kong palad na para bang nagsusurrender na sa gusto niyang mangyari at bumalik sa dati kong puwesto. Ilang sandali pa ay iniabot na sakanya ng babaeng nagpapa-cute ang tatlong malaking paperbags na puno ng pagkain. Bago niya pa iabot sa akin ang pagkain ay ipinikit ko na ang aking mga mata para ipakitang wala akong pakialam.
“Pag gusto mo nang kumain nakalapag lang sa ibabaw ng maleta mo ung pagkain sa likod, kumain ka kasi para sayo yan.” Seryoso niyang sinabi at pinaandar na ulit ang sasakyan.
Napapagod narin siguro siyang makipagtalo kaya naging tahimik ang biyahe namin patungong port. May isang oras lang naman ang biyahe namin para makarating ng Batangas. Pinark niya na ang sasakyan sa ibabang parte ng FastCat at bumaba agad ako para makahanap ng sarili kong upuan na kung saan malayo sakanya. Medyo nakahinga na ko ng maluwag nang nasa sulok na ako ng barko at siguradong hindi niya ako makikita. Pinikit ko ang aking mga mata dahil pakiramdam ko na-stress akong masyado sa mga nangyayari sa paligid ko nang bigla ko nalang naramdaman na may katabi na ako sa bakanteng upuan. Iminulat ko ulit ang mata ko at nakitang si Hexyl nanaman iyon na pinagtitinginan nang halos lahat ng babae. Umismid ako at nagdiretso ng tingin.
“Akala mo siguro di kita makikita no? May seating arrangement kaya.” Malaki ang ngiti niya na para bang nanalo sa lotto.
BINABASA MO ANG
A Heart Fooled By Memories
Genç KurguTotoo nga ba ang lahat o tanging puso ko nalang ang nakakakita?