“HA?! Bakit naman kailangan mo pang mag-transfer sa Manila eh okay ka naman dito diba? Nakakagulat naman masyadong urgent ang pag-alis mo Jane!” sigaw sakin ni Cyrine na kanina pa ko binubungangaan tungkol sa paglipat ko ng school. “Nakakainis ka na! Hmp! Di ka manlang nagsabi one week before! Kailangan talaga ngayon na!?”
“Cy, di ko rin naman kasi alam na aalis na pala ako… Si mommy yung nag-insist neto eh, kagabi ko lang din nalaman na lilipat na ko. Uuwi naman ako every first week of the month ano! Hindi mo ko mamimiss masyado.” Kalmado kong sagot.
(Kringggg!)
Nagbell na para sa unang klase ni Cyrine na malungkot akong tinignan gamit ang kanyang maamong mata na namumula na ngayon at mukha pang maiiyak. Niyakap nya ko ng mahigpit at naamoy ko kaagad ang Benetton nyang pabango na binili nya kahapon kasama ako.
“Nakakainis ka kasi eh!”may pagmamaktol nyang sinabi habang para nang water falls ang mga luha nya. “Osige na ha! I’ll let you go basta ba make sure na tutuparin mo yug promise mo na babalik ka dito every first week of the month! Mababaliw ako nito wala na kong BFF!” tuluyan na syang humagulgol pero may halong natatawa look sabay tinuro sakin yung ibang estudyanteng nakaupo sa Kiosk, “OMG! Look at those hot guys over there! Hindi mo na sila makikita!, at yung nasa katabi naman nilang table na mga JOLOGS! Naiimagine mo bang I have to deal with them from this day on kasi loner ako!”
“Ano ka ba! Stop over reacting no! You’re the coolest and the most popular writer here in school! Kalokohan yang sinasabi mo na ‘you have to deal with them’ kasi alam mo sa sarili mo na sila yung lalapit kapag hindi mo na ko kasama.”
“Hindi no! Ikaw ang sikat dito sa school kaya im a hundred percent sure malulungkot lahat ng tao dito pati yung mga Varsity ng basketball kapag wala ka na, damn! I’ll miss you so much Janey! Text me ha! Pag nakarating ka na dun. Tsaka mag-ingat ka parati okay, wag mo pababayaan yung sarili mo. ” Malungkot nyang sinabi pagkatapos nyang dahan-dahang pinunasan ng kanyang embroidered Giovanni hanky ang kanyang mga luha.
“Alright, hindi naman ako pababayaan ni ate Jarm sa Manila so you have nothing to worry about Cy, osige na pumasok ka na sa klase mo! Pag-iinitan ka nanaman nyan ni Maam Chavez. Bye BFF, I’ll call you pag nasa condo na ko ni ate.” Niyakap ko na sya at nagpaalam para ibalik yung I.D ko sa registrar at makuha ang mga credentials na kailangan ko para makapag-transfer.
Last week pa pala nilalakad ni Mommy yung paglipat ko kaya naman ready na lahat at kailangan ko nalang puntahan sa school para makuha. Marami akong nakitang mga pamilyar na mukha na ngumingiti sa akin habang naglalakad ako palabas ng school. Tinignan ko ang malawak na soccer field na tinitrim ng isang utility. Nag-sign of the cross din ako sa Chapel na agad ko ring nalagpasan habang naglalakad. Yung cafeteria sa tapat ng Gymnasium na tambayan ng mga elites dito sa school. Nakakamiss pala na daanan nalang sa huling pagkakataon yung mga lugar na araw-araw normal lang sayong puntahan. Nakakamiss kasi punong-puno ng memories namin ni Cy ang cafeteria na yan. Wala ako sa sarili ko habang naglalakad patungo sa parking lot nang…
(BEEEPPP!!!!!)
BINABASA MO ANG
A Heart Fooled By Memories
Fiksi RemajaTotoo nga ba ang lahat o tanging puso ko nalang ang nakakakita?