Chapter 2: Drive

17 1 0
                                    

“NANG-IINIS KA BA TALAGA?!” inirapan ko siya at mabilis na pumasok sa sasakyan ko at pinaharurot ito.

Sana di nya ko masundan please.

 Sana di nya ko masundan please.

 Sana di nya ko masundan please.

 

Nagchachant ako sa isip ko at diretso sa kalsada ang paningin. Tinignan ko ang rear view mirror para i-check kung may bakas ba ng Hexyl Valencia sa kalsada bago ako pumihit paakyat sa village namin. Wala akong nakikitang silver na Hilux sa likuran kaya ngiti ng tagumpay kong nginitian ang guard na nakangiti rin sa akin.

Masaya kong pinark ang sasakyan ng nasa tapat na ako ng puti naming wooden gate na may 8 feet ang taas. Naaninag ko si mommy na nagcocoffee sa garden at nagbabasa ng newspaper. Humalik ako sa pisngi nya at tumango naman siya sa akin na para bang nagbibigay hudyat na pwede na kong umalis papuntang Manila. Tinakbo ko ang malayong double door naming pintuan at nakasalubong si Manang Letty na may dalang sandwich. Dumampot ako ang isa at walang poise na isinubo ito tsaka tumakbo paakyat ng hagdan.

“Aba ineng magdahan-dahan ka naman at baka mabilaukan ka nyan!” Natatawa siyang umiling at nagpatuloy sa paglalakad papuntang garden.

Nakita kong naka-packed na lahat ng gamit na dadalhin ko papuntang manila. Apat na malalaking dark pink na maleta ang dala ko. Ang unang maleta, puro personal na gamit- sabon, toothpaste, toothbrush, make-ups at accessories na minsan ko lang nagagamit pag may okasyon, perfumes, towels at kung ano-ano pang kaartehan na kailangan ng babae. Ang pangalawa at pangatlong maleta naman ay puno ng under garments at mga dresses, pants, at blouses- wala nang pang-bahay kasi sabi ni mommy di na kasya sa Cooper kung magli-lima pa kong maleta, baka sa gulong na ko sumakay pag ginawa ko yun. Bumili nalang daw ako sa Manila pagdating ko sa condo ni ate Jarm. At ang pang apat naman ay shoes, slippers at sandals na pinatanggal lahat ni mommy sa boxes dahil for sure hindi magkakasya.

Hindi talaga ako makapaniwalang aalis na ako, tinignan ko bawat sulok ng all pink kong kwarto na may iba’t-ibang shades ng pink na gamit. Alam kong matagal ko nang gusto na makasama si ate Jarm sa condo nya pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sakin na umalis. Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon, Masaya na malungkot, pero wala nang atrasan to kaya I have to face it lalo na’t ako naman ang may gusting gusto nito. Naligo na muna ako dahil alam kong magiging exhausting ang biyahe ko lalo na sa FastCat dahil hate na hate ko ang bumyahe sa dagat. Naka-towel lang ako at kalalabas lang ng banyo ng kumatok si Manang Letty.

“Jane, pinasasabi ng mommy mo na bumaba ka na… ngayon na daw” bakas sa tono ni Manang ang excitement na hindi ko mawari kung bakit. “HUY! Janella!”

“Manang anyare sayo? Bakit parang excited ka… gusto mo na ba kong paalisin?”

 

“Ah basta bumaba ka na wag ka nang maraming tanong kanina ka pa hinihintay ng mommy mo!” narinig ko ang mga nagmamadaling yapak ni manang kaya hindi na ko sumagot dahil siguradong nakaalis na siya sa tapat ng pintuan ko.

Nagmadali naman akong magbihis. Isang puting cropped t-shirt lang ang sinuot ko kapares ng faded high waist shorts ko at Nike Jordan na sapatos. Lumabas ako ng pinto at nagsusuklay habang bumababa ng hagdanan. Nakasalubong ko naman at nginitian ang dalawang body guards naming sina kuya Alfred at kuya Jiggy na naka puting polo at black shades na nagtungo sa kwarto ko para kunin ang mga maleta ko at isakay sa Cooper. Nang maalis ang mata ko kanina Kuya Jiggy at Kuya Alfred, napatitig naman ako sa sala namin habang nasa kalagitnaan ng hagdan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tinititigan ako ng isang naka-ngising ANAK NG GOVERNOR na kinakausap si mommy na mukhang aliw na aliw naman sa pinag-uusapan nila. Mas naging malinaw sa akin ang pag-uusap nila nang nakababa na ko ng hagdan.

A Heart Fooled By MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon