Chapter 5

14 0 0
                                    

Cassandra's POV

Habang abala ang mga kaibigan namin sa paliligo ay kasama ko naman si Trexy na naglalakad-lakad sa tabing dagat.

"How are you so far? Kaya pa ba?" Trexy asked with concern written all over her face.

I gave her a reassuring smile. "Kaya, Trex. I just have to act normal whenever he's around. But man was it difficult! Hindi ko naihanda ang sarili ko sa ganitong sitwasyon."

"Neither did I expect this as well, babe. Kung alam ko lang talaga, I would have warned you, or sana hindi nalang tayo umattend."

"No, Trex. It's no one's fault. At ayokong maging kill joy dahil lang sa nakaraan namin. It's our own issue. Hindi nyo kailangang madamay. Look at everyone, they're so happy na nagkasama-sama tayong muli. I don't want to ruin the fun." I said smiling.

Trexy looked at me proudly. "You've changed so much, Cass. Both of you changed so much."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Is that a compliment?"

"Yes. Partly." aniya ng nakangisi bago ito muling nagseryoso. "Partly, because I am proud of how much you've grown as a person, but I'm not sure what to feel about the other changes in both of you. Nawala ang pagiging masayahin nyo. All we see are two nonchalant people na parang hindi marunong ngumiti kapag nasa paligid ng isa't-isa." she sighed. "I understand, though. Kung ako man ang nasa sitwasyon nyo ay baka hindi ko kayanin ang presensya ng ex ko."

Tahimik lang ako habang nakatingin sa malawak na dagat. I don't know what to say. Ang dami-daming tumatakbo sa isip ko. Including one particular person.

I may look nonchalant as per my best friend, but both my heart and my mind are in total chaos. Deep inside, hindi ko na alam kung paano ko pakakalmahin ang nagwawala kong puso.

Sighing, I sat on the sand. "Go and enjoy with them, Trex. Don't worry about me. I can handle this." sabi ko habang nakatingala sa kanya.

"Are you sure you'll be fine here?" nag-aalangang tanong pa nito.

"Of course! Go. Hindi tayo nandito para mag drama lang. Have fun with our friends. I'll stay here and watch you guys." nakangiti ko pang pagtataboy sa kanya. Ayokong ma-stuck lang siya dito sa'kin habang ang mga kaibigan namin ay nag-i-enjoy. I also want to be alone for a while.

"Alright. Call me when you need me, okay?"

"Uhumm. I will." I said and then she went to our friends reluctantly.

I stayed and watched them from where I am sitting. Until my eyes met his. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko mang umiwas ng tingin, but I couldn't bring myself to do it.

Damn it! Look away, Cassandra! piping kastigo ko sa sarili. Ngunit kahit ano pang saway ko, hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Para akong nalulunod sa mga titig niya.

He didn't look away either. At hindi ko alam kung dinadaya lang ba ako ng paningin ko, but for a split second, I saw longing in his eyes?

Mayamaya pa ay nakita kong umahon siya at nagsimulang magkalad papunta sa direksyon ko. Nagsimula rin akong magpanic.

Fuck! Ako ba ang pupuntahan niya? Anong gagawin ko?! Should I run? Should I stay? Damn it! What to do?!

Habang nagpapanic ako sa loob-loob ko ay para naman akong napako sa pagkaka-upo. Ni hindi ko magawang tumayo at tumakbo. I know this could mean trouble but fucking shit! I can't move! Hanggang sa tuluyan na nga siyang nakalapit sa akin.

So much for wanting to be alone, eh.

"What brings you here?" tanong ko habang nakatingala sa kanya. 

Love Me AgainWhere stories live. Discover now