Chapter 4

12 0 0
                                    

Madaling araw na ng magpasyang magpahinga ang magkakaibigan. Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng rest house na nirentahan nila.

Hindi napigilan ni Cassandra ang mapasinghap ng makapasok sila sa loob. Para itong loft type resort na salas at kusina lang ang nasa baba at ang taas ang nagsisilbing tulugan.

Open space ang tulugan. Pagdating mo sa taas ay nandoon agad ang isang malaking higaan na animo ay para talaga sa pang maramihang grupo.

Goodness! Dito kaming lahat matutulog?! Sa isip-isip ng dalaga.

Hindi naman pwedeng sa baba nila patulugin ang mga lalaki dahil walang higaan doon. Gawain naman na nila noon ang mag sleep over ng magkakasama silang lahat sa iisang silid pero noon yun.

Noong mga panahong okay pa silang lahat. Ngayon ay iba na ang sitwasyon ngunit hindi maisatinig ni Cassandra ang nasa isip niya dahil siya lang naman ang may issue sa kanila. Sila lang naman ni James ang may nakaraan at hindi naman na sila mga bata para magpa-apekto pa sa nakaraan nila at idamay ang mga kaibigan.

Ngunit naningkit ang mata niya nang parang nananadya ang mga kaibigan niya dahil nung nagkanya-kanyang higa ang mga ito ay sinakop nila ang halos buong higaan at ang tanging natira nalang ay ang nasa dulo sa kaliwa at sila nalang ni James ang hindi pa humihiga.

Mga traidor! Piping sigaw ng isip niya.

"Good night, guys! Sana mabait ang unang magising at ipagluto tayo ng breakfast." ani Ralph bago nito ipikit ang mata.

Habang siya ay nakatulala, unti-unti namang naglakad ang binata sa dulo ng higaan at pumwesto na rin doon.

Mas lalo siyang itinulos sa kinatatayuan dahil wala na siyang choice kundi ang tumabi sa binata at siya pa talaga ang nasa pinakadulo. Hindi niya pwedeng isiksik ang sarili palayo sa lalaki dahil mahuhulog siya.

Hindi na siya inimik ng mga kaibigan at hindi na rin siya makapag inarte dahil pawang nakapikit na ang mga ito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga habang marahang naglalakad papunta sa hihigaan niya.

Sobrang lakas man ng kabog ng dibdib niya ay hindi siya nagpahalata. Dahan-dahan siyang nahiga patalikod kay James at mariing ipinikit ang mga mata para piliting makatulog kahit sa loob-loob niya ay parang may nagwawala at hindi siya mapakali.

Ngunit lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya makatulog. Nakakaramdam na rin siya ng pagkangalay sa pagkakahiga niya.

Pinakiramdaman muna ng dalaga ang katabi at ng marinig niyang malalim na ang paghinga nito tanda na ito na nakatulog na ay dahan-dahan siyang bumaling paharap dito.

Dinilat niya ang isang mata para silipin ang katabi at ng masigurong nakapikit nga ito ay minulat na niya ang mga mata at tinitigan ang binata.

Sari-saring emosyon ang lumukob sa puso siya habang nakatitig siya sa binata. Mga emosyong hindi niya kayang pangalanan.

Hindi niya mapigilang punahin ang mga nagbago rito. Nagpahaba ito ng buhok na nakadagdag lang para mas lalo itong magmukhang suplado. Lagi ring madilim ang aura ng mukha nito at bihira nalang kung ngumiti.

She fought the urge to touch his face. Bukod sa takot siyang baka magising ito ay alam niya ring hindi niya dapat gawin yun.

For the nth time tonight, napabuntong hininga na naman siya. Ngunit bigla siyang napasinghap at muntik ng atakihin sa puso ng bigla na lamang dumilat si James at nahuli siyang nakatitig sa kanya.

Lumakas ang tibok ng puso niya at parang nakalimutan niyang huminga.

She was caught in the act. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

Love Me AgainWhere stories live. Discover now