CHAPTER 01

507 19 8
                                    

Alas tres ng hapon nang makarating kami sa sementeryo, ito na ang huling araw na makikita ko ang mukha ng pinakamamahal kong kaibigan na si sammy.

Nag lu-luksa ako ngayon habang nakatanaw sa mukha ni samuel, Ngayon kasi ang araw kung kailan siya ililibing at ang mama niya.

Totoo palang napakasakit pag nawalan ka ng kaibigan na minsan mo na ring tinuring na kapatid.

Nandito sa gilid ko ang kanyang kuya na umiiyak, hindi niya matanggap na magkasabay na nawala ang kanyang ina at kapatid, tapos yung papa niya ay nabulok pa sa kulungan.

Habang nakatingala ako sa mukha ni sammy ay biglang kumurap ang mata niya na ikinabigla ko, kaya agad kong hinimas ang dalawa kong mata at aakmang titingnan ko sana ulit pero nilapitan ako ng isang lalaki at nagsalita.

“Padaan po, umatras ka muna ng kunti dahil ililibing na po namin ang kabaong.“ Sabi niya.

Umatras ako ng kunti pero bago pa ako makalayo ay tiningnan ko ang mukha ni sammy, pero wala namang nangyari. Kaya hindi ko nalang ininda yun, tsaka sinara ng lalaki ang kabaong at dahan dahan nilang nilibing tsaka tinakpan ng lupa.

Sa puntong ito ay nakayakap na sa beywang ko si kelly, ang pinakabunso sa tatlong magkakapatid.

“Ate, hindi na po ba natin makakasama sila kuya?“ Pagtatakang sabi ni kelly, wala siyang aydeya kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid.

Binigyan ko ng ngiti si kelly tsaka ako sumagot.

“Kel, si kuya samuel at si mama mo ay habang buhay nang matutulog. Kaya magiging mabait ka ha? Kasi simula ngayon, si kuya Kenneth mo nalang ang makakasama mo sa bahay.“ Sagot ko.

Kitang kita sa mukha ni kelly ang pag tataka tsaka siya nagsalita.

“Si mama, nilagay rin nila sa ilalim ng lupa. Ate, pigilan po natin.“ Sabi niya na medyo nangamba.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, paano ko ba sasabihin sa kanya na namatay na ang kuya samuel at mama niya na hindi siya masaktan at umiyak?

Agad kong binuhat si kelly tsaka ko hinalikan sa noo, lumayo kami sa lugar kung saan nilibing ang kanyang mama at kuya.

“Ate, nagugutom ako.“ Sabi niya.

Agad naman kaming nagtungo sa sasakyan, may mga snacks pa kasi doon. Tsaka nandoon rin sila Eva, Jay, Lorrie, at si Bernard at si JD (jhon dave).

Pagkarating namin sa sasakyan ay nakita namin silang nagtatawanan, pero nang makita nila kami ay agad rin silang nahinto.

“Nailibing na ba si sammy karra?“ Tanong ni jd.

Tumango lang ako at hindi sumagot, pumasok kami sa loob ng sasakyan kasi nandoon ang snakcs, kumuha ako ng isang sandwich tsaka ko pinapakain kay kelly.

“Paano na ngayon karra? Kung mag hahanap buhay si kenneth, sino ang mag babantay kay kelly?“ Tanong ni bernard.

Sumagot naman ako pero sa paglungkot na paraan.

“Ewan bern, yan din ang inaalala ko eh.“ Sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, habang nakasimangot ako ay biglang dumaan si kuya kenneth sa gilid, umihi siya kaya hindi ko nalang pinansin. Siguro tapos nang mailibing si tita.

Nang matapos na siyang umihi ay agad siyang pumasok sa  kabilang kotse na ipinagtaka ko, hindi ba siya sasama samin?

Hindi ko nalang yun ininda at pagkatapos kumain ni kelly ay pinainom ko ng funchum. Dahil sa busog ay ayad rin siyang nakatulog.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nagsilabasan na yung mga tao at nag simula nang bumalik sa mga jeep, kaya sa tingin ko ay naunang lumabas si kuya kenneth.

Dahil dun ay biglang pumasok sa front seat yung driver at nagsimula nang umalis yung ibang sasakyan, pero siya ay hindi pa niya pinaandar ang jeep.

“Manong di pa po ba tayo aalis?“ Tanong ko.

Nagtaka naman si manong at sumagot.

“Hindi pa, balak mo bang iwan si kenneth dito sa sementeryo?“ Tanong niya.

Dahil sa sinabi niya ay bigla akong nagtaka.

“Kanina lang po nandito si kenneth, sumakay siya sa kabilang jeep.“ Sabi ko.

Tinawanan naman ako ni manong tsaka siya sumagot.

“Anong pinagsasabi mo karra? Magkasabay nga kaming lumabas ni kenneth, nauna lang ako kasi tumigil muna siya sa harap ng sementeryo dahil binayaran niya yung isang sasakyan para mag hatid pauwi sa mga umassist.“ Sabi niya.

Dahil dun ay biglang napatingin sakin si bernard.

“May kakaiba kabang nakita karra?“ Sabi niya.

Hindi ako sumagot, kasi limang araw na ang lumipas simula noong hindi na nagpaparamdam ulit sila marikit. Ayokong isipin na may nakikita nanaman akong kakaiba.

Maya maya pa ay dumating na nga si kuya kenneth at sumakay sa jeep, pagkatapos nun ay tsaka na kami umuwi sa mga bahay namin.

Nahiga ako sa kama ko dahil sa pagod, pero sa hindi inaasahan ay may isang batang humihingi ng tulong sakin.

“Tulongan mo po ako…” mahina niyang sabi.

Dahil dun ay agad akong napaupo, tumingin tingin ako sa paligid pero wala namang tao. Kaya naisip ko na baka wala lang iyon at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Humiga ako ulit at aakmang pipikit pero sa pagkakataong ito ay biglang tumawa yung bata.

Base sa boses niya ay nanggaling ito sa ilalim ng kama ko, kaya bigla kung inangat ang dalawa kong paa kasabay ng kabang nararamdaman ko.

“S-sino ka?“ Sabi ko.

Hindi siya sumagot at biglang gumalaw yung kumot ko.

“Anong kailangan mo?“ Dagdag ko pa.

Hindi pa rin siya sumagot bagkus ay may naririnig akong mga yapak na tumatakbo sa paligid.

Nagsimula na akong matakot, anong kailangan ng batang to sakin? Tsaka anong motibo niya?

Tumahimik ako ng ilang minuto at nag masid masid sa paligid, pero sa kalagitnaan ng katahimikan ay may naririnig akong mga kaluskos.

Dahil dun ay nag lakas loob akong tumayo, binaba ko ang mga paa ko sa sahig at aakmang mag lalakad nang biglang may humila sa paa ko papasok sa ilalim ng kama.

Dahil dun ay agad akong napasigaw at napatalon pabalik sa kama.

“Ahh!! Sino ka!!?? Ano ang kailangan mo sakin!!“ Sigaw kong sabi habang nakapatong sa kama.

Dahan dahan namang lumabas sa ilalim ng kama ko ang isang batang babae na may saksak sa mata habang nakayakap sa teddy bear niya tsaka siya humarap sakin at nagsalita.

“Ate, gusto mo ba maglaro?“

To be continue…

⚠️: Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

THE UNINVITED GUEST (Karra Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon