Pagbukas ko ng pinto ay biglang sumalubong sakin ang isang kutsilyong lumutang sa ere at bigla itong lumipad papunta sa mata ko na ikinabigla ko ng husto.
“Aaahhhh!!!…” sigaw ko sabay upo.
Biglang may isang batang tumakbo habang natutuwa papunta sa sala.
Dahil dun ay agad akong nanginig sa takot, bakit niya ako papatayin? Sino ang tutulong sa kanya kung papatayin niya ako?
Agad kong kinuha yung kutsilyong tumaob sa pader tsaka ko dinala papuntang kusina at binalik ko sa lagayan.
“Anong gagawin mo sa kutsilyo karra?“ Biglang sabi ni mama.
Ngumiti lang ako na para bang walang nangyari at sumagot.
“Wala ma, nga'pala. Anong ulam?“ Tanong ko. Hindi ko alam na nandito pala si mama sa gilid.
Hindi siya sumagot at tinuro lang niya ang nakalagay sa plato gamit ang nguso.
So sardinas na may itlog ang ulam namin ngayong umaga.
Kumain ako ng umagahan habang iniisip ko yung batang babae, para kasi siyang hindi humihingi ng tulong. Naguguluhan tuloy ako.
Tsaka ngayong umaga lang ay halos lalabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa kaba, buti nalang at nakailag agad ako.
Lumipas ang ilang minuto ay natapos na akong kumain at biglang pumasok sa isip ko si lola mariposa, bakit kaya hindi siya nagpapakita sakin?
Agad akong nagpunta sa sala at naupo, nanonood ako ng tv at dito nga ay biglang dumating si kuya kenneth tsaka siya nagsalita.
“Karra! Tulong!!“ Sigaw niya na ipinagtaka ko at nakita ko sila mama na dali dali ring tumingin kay kenneth.
“Bakit? Anong nangyari?“ Kaba kong tanong.
Kitang kita sa mukha ni kuya kenneth ang takot at base sa tuno ng pananalita niya ay kinakabahan siya.
“S-si kelly, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya.“ Sabi niya, kaya nang marinig kong may kinalaman ito kay kelly ay dali dali akong tumakbo palabas
Nagpunta kami sa bahay nila at dumiretso si kuya kenneth sa kwarto kaya sumunod ako.
Pagkarating namin noon ay hindi ko makita si kelly, pero si kuya kenneth ay nakaupo na ipinagtaka ko.
“Asan si kelly!?“ Kinakabahan kong tanong.
Kitang kita sa mukha ni kuya ang takot tsaka niya tinuro ang ilalim ng kama. Kaya dali dali akong dumapa at tinginan ko ang tinuro niya.
Pag tingin ko ay dito ko nakita si kelly na nakadapa sa ilalim ng kama habang natatawa at magsilabasan yung mga laway niya sa bibig.
Nang makita ko siyang ganun ay bigla akong napaatras.
“K-kelly? (Sabay abot ng kamay ko) Li'ka dito kay ate.“ Sabi ko.
Umiling iling siya at dito nga ay pwersahang kinuha ni kuya kenneth si kelly pero napakalakas nito.
“Kelly! Lumabas ka jan!“ Sigaw ni kuya.
Natuwa ng natuwa si kelly at mas lalong hindi lumabas sa ilalim ng kama.
“Kelly, makinig ka kay kuya.“ Sabi ko sa kanya.
Bigla namang sumagot si kelly na ikinagulat ko ng husto.
“Ayoko, naglalaro pa kami ng tagu-taguan.“ Sabi niya at biglang nagbago yung kilos niya at hindi na siya natawa.
“Li'ka dito kay ate.“ Sabi ko pa at pwersahan kong kinuha ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
THE UNINVITED GUEST (Karra Series #2)
HororAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hindi malaman-laman ang totoong motibo o dahilan. Tara na't alamin natin ang kasunod na storya sa nang...